(12) Selosan

41 2 0
                                    

Chapter 12 #HMP
----------------------------

Naka upo lang ako ngayon sa Garden, wala pa naman akong klase kaya dito na ako dumeretso.

"Hey pretty."

Bigla naman akong napalingon. It's him again. Kailan ba ako titigilan ng lalakeng to?

"Oh ano nanaman ba kailangan mo sa akin?" Galit kong tanong.

Tumawa naman siya at kinindatan ako. Oh my gosh, may topak ba talaga ang lalakeng to? Bakit isip bata ang isang to.

"Sungit mo ah. Tara na nga! Di kaba nakaramdam ng init dyan? Meron namang bench." Sabi niya at hinatak ako sa bench.

"Xander! Ano ba!" Sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa braso ko.

Nang maitanggal ko na to ay nasa sa bench na kami.

Argh. Anong kalokohan nanamang gagawin ng lalakenh to?

"Oy. Bakit ka andito?" Sabi ko habang iritang pinapalo ang braso niya. Argh this bastard douche bag jerk!

"Gusto kitang masolo eh, bagay kaya tayo." Sabi niya at kinindatan ulit ako.

Nanlaki naman ang mata ko at pinakita sa kanya ang kamao ko.

"Gusto mo nito?"

Nagpeace sign naman siya sa akin at medyo lumayo.

"Just kidding. Sam. Andito ako para samahan ka. Utos yon ni Top sakin." Sabi niya at umupo sa bench.

"Oh? Hindi ka busy? Saan ba ang Black Mafia Family?" Tanong ko at umupo na rin sa tabi niya.

Nagkibit balikat naman siya at umupo ng naka dekwatro ang paa.

"Andun nakikipaglandian sa girls, hahaha."

"Oh? Ba't di ka sumali? Favorite hobby mo yun right?" Pang aasar ko sa kanya.

Bigla naman siyang nagpout. Natawa naman ako. Hahaha isip bata talaga to forever.

"Hindi ah." Sabi niya sabay cross ng arms.

Tumawa naman ako at ginulo ang buhok niya.

"Jerk." Sabi ko.

Magsasalita pa sana siya nang may biglang hinatak ako papalayo sa kanya.

"Hoy! Saan mo dadalhin si Sam?!" Xander.

Napatigil naman kami at nilingon niya ulit si Xander saka ngumiti.

"Hihiramin ko muna si Samantha sa iyo. Magdedate lang kami." Sabi niya.

Date? Tama ba yung narinig ko sa kanya? Magdedate kami?

"Teka, saan ba talaga tayo pupunta Nathan?" Tanong ko habang hatak niya pa rin ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero alam kong papalayo kami sa bench kung saan naroon si Xander.

"Basta, trust me." Sabi niya.

I have a feeling that this won't be good.

"So ano nga ba talaga ang gagawin natin?" Tanong ko sa kanya.

Andito kami ngayon sa coffee shop. Pinag titinginan kami ng mga estudyante. Tss. Mga chismosa talaga. Tinaas ko lang ang kilay ko sa mga babaeng nakatingin samin, kaya agad naman silang bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa.

"Nothing, alam ko naman na ayaw mo sa mga ganun eh. I was trying to save you." Sabi niya at ngumiti.

Bigla naman akong kinilabutan sa ngiti niya. I find this chinito hottie so handsome and mysterious. Kaya medyo nakakatakot ang aura niya dahil hindi mo din mabasa kung ano ang gumugulo sa utak niya ngayon.

His Mafia PrincessWhere stories live. Discover now