(4) Acquaintance Party

35 6 14
                                    

Chapter 4 #Acquaintance Party
-------------------------------------
Continue the Acquaintance Party.

Habang patungo ako sa CR ay may humarang saking dinadaanan. Tinagilid ko ang ulo ko ng makilala ang humarang sa akin. Si Jack ito. Ang sinasabing lider ng DH.

"What do you want?" Tanong ko.

"I heard you sent three senior student to the clinic? Laki ng gulong ginawa mo ah.' Amaze na sabi niya sa akin.

Humalukipkip ako at sinamaan siya ng tingin. Bakit ba ang bilis ng balita pag dating sa paaralang ito. Parang lahat ng galaw ko ay bantay na bantay dito.

" Uh, thanks?" Naguguluhan kong sabi.

Pero nagulat ako nang bigla niya akong lapitan at hinigit ang braso ko ng napakahigpit. Parang umurong ata ang ihi ko?. Sinubukan kong alisin ang kamay niya sa braso ko pero mas hinigpitan niya pa ito. Napakagat ako ng labi dahil pakiramdam ko bumaon na ang kuko niya sa aking balat.

"Do that again and I'll kill you." Bulong niya sa tainga ko.

Napakunot ako ng noo. Do what? Sending those girl to the clinic? Bakit love interest niya ba ang isa sa mga babaeng yon kaya niya ako pinagbabantaan? Marahas ko siyang tinulak kaya napakalas siya sa pag hawak sa akin kaso nakalmot at nagkaroon ako ng sugat sa braso ko.

"You can't order me around!" Sigaw ko at tinapakan ang paa niya. Good thing nakaheels ako para mas masakit ang mararamdaman niya. Thank you for the heels, Anna.

"Shit! Mura niya pa.

Susuntukin niya sana ako nang biglang may sumalo ng suntok niya at hinawakan ang kamao niya gamit ang isa nyang kamay. Nilingon ko ang taong sumalo at nakita ko kong sino ang ang taong yon. Tss ang demyong lider ng BMF.

" Hindi kaba tinuturuan ng mga magulang mo na wag pumatol sa babae?" Seryoso nyang sabi.

Ang gulo bakit niya ako sinagip? Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi ko kailangan ang tulong niya.

"Wow. Top. Hindi ko pala alam na isa ka palang knight in shining armor ng babaeng to." Sabi ni Jack.

Bigla namang ngumiti si Top. Ngiting nakakatakot at nakakakilabot dahil para siyang papatay ng hayop ------
Jack.

"I don't even dare."' Sabi niya.

Hinigit ni jack ang kamay niya pabalik at dinuro si Top at pati narin ako.

" Magbabayad kayo." Aniya at umalis.

Nilingon ko naman ang Demoyong nag ligtas sakin, nakita kung naka ngiti siya.

"Are you alright?" Tanong niya.

"Yeah. Thanks!" Iritang sagot ko.

Natawa naman siya. Oh my gosh, he has a sexy laugh. Sexy laugh! Very husky and ugh. God, I can't explain. Bigla nalang nag bago ang pagkakilala ko sa kanya. Parang naloka ako sa ginawa niya.

"My name is Top by the way." Sabi niya.

Tumango naman ako.

"I know." Ani ko.

Tinalikuran ko na siya at iniwan. Para saan pa kung makikipagusap ako? Sa Demyong iyon.

Hinigit niya naman ang pulso ko.

"What do you want?" Galit kong tanong.

Bigla naman siyang nagsmirk. Parang kanina lang niligtas ako ng hinayopak nato ah bigla bigla nalang nag babago ang mood. Daig pa ang babaeng may regla sa ginagawa niya. Binawi ko naman pabalik ang kamay ko. The nerve of this guy! Ewan ko. Buong sistema ko talaga ang nagiinit pagngumingisi siya. Nakakairita lang kasi! Ang sarap suntukin ang mukha niya!

"The taste of your soul!" Bulong niya sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. What the hell? Bigla atang tumaas ang mga balahibo ko sa katawan, kung meron man, dahil sa sinabi niya.

"I don't sell my soul to a devil, sorry." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya at umiling na mukhang nanunuya. Ano ba ang kailangan ng isang ito sa akin? sinagip niya ako nag thank you naman ako sa kanya ah. Bakit ba kailangan inisin niya ako ng todong todo? Pigilan niyo ako at baka masuntok ko siya sa harap ng mga tao.

"I don't need your approval, miss. I will owe you." Aniya at nilagpasan ako.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. I think that was the devil talking to me earlier. Damn him.

Ihing-ihi na talaga ako kaya pinag patuloy ko ng pumunta ng CR halos sumakit na ang puson ko sa kakapigil ng ihi ko nakakainis talag mag kakasakit ako sa bato nito dahil sa lalaking yon!

Pagdating ko sa loob ng cr ay agad na akong umihi, habang iniisip ko ang demyong iyon ay napasigaw ako sa inis. Bakit ba may mga taong mahilig mang sira ng araw ko.

Bumalik na ako kay Anna, huminto naman ako nung nakita kong kasama niya ang isa sa mga myembro ng BMF, na nakikipag usap at nag tatawanan pa sila. Hindi ko alam na may kakilala pala siya sa BMF. Tss. Padabog akung umupo sa upuan ko.

"Bat ang tagal mo sam?" Tanong ni Anna.

"Uh, wala. Nag punta din kasi ako sa buffet area uminum lang ako ng tubig!" Sabi ko at pilit na ngumiti.

"Ah, okay! By the way sam si Anthony?" Pag papakilala niya naman sakin sa kasama niya.

Iniabot naman sakin ni Anthony ang kamay niya para makipag kamayan, nilingon ko lang siya at nginitian. Sorry ka hindi ako interesado makipag kamayan sa mga taong ngayon ko lang nakilala.

Ngumiti naman siya. Iba din tong lalaking to. Bakit di siya sumama don sa lider nyang demenyo.

Buong gabi lang kaming naka upo nila Anna at Anthony, Kj ko sa kanilang dalawa kasi di ako nakikisabay sa mga trip nila.

----------------------

Hello sa mga Readers ko kamusta kayo. Supportahan nyo po sana ang HMP..

His Mafia PrincessWhere stories live. Discover now