CHAP. 4

1.1K 183 20
                                    

Dahil nais ni Darlyn na makabawi man lang kahit papano sa binata, naisipan n'yang sakyan ang naisip ng kanyang mga kaibigan. Lumabas si Darlyn at ng kanyang mga kaibigan upang pumunta sa labas.

"Senyorita, saan po kayo pupunta?" Agad napatigil ang tatlo nang makita nakatayo si Elon sa isang sulok at may hawak pang basahan.

"D'yan lang sa labas. Bakit? Sasamahan mo ba ako?" Sabay taas ng kilay ni Darlyn.

"Kung gusto ninyo." Tipid na sagot ni Elon.

"H'wag na. Maglinis kana lang ng mga sasakyan. Tsaka, pag dumating ang matanda paki sabi nasa bahay lang kami ni Ferdy." Paalam ni Darlyn.

Tumango lamang si Elon at sinundan ng titig ang anak ng amo.

"Anak ng tipaklong! 5 sasakyan ang palilinisin sa akin ni Darlyn kung kelan hapon na at malapit nang dumilim saka maisipan na ipagawa sa akin ang trabaho." Napapareklamo si Elon.

" Girl, sigurado ka ba sa naisip mo?" Tanong ni Darlyn kay Kiray.

"Darlyn, tubero ang tatay ko. Syempre naman alam ko ang gagawin ko mamaya. Siguraduhin mo lang na matrabaho ang ipapagawa mo kay Elon." Sabi ni Kiray.

"Tama si Kiray. Tamang tama rin ang prank na gagawin natin sa kanya nakaparada ang truck namin sa bahay. May delivery kasi sina Tatang na lechon mamaya at ako ang maghahatid. Bwahhahaha.."Tawa ng tawa si Ferdy. At sabay silang tatlong nag-high five.

Habang wala sina Darlyn, agad namang inasikaso ni Elon na linisin ang mga sasakyan nina Darlyn. Pawis na pawis si Elon sa unang sasakyan palang. Hindi man lang nya nakitang bumalik sina Darlyn at Kiray. Hanggang sa natapos ni Elon linisin lahat ang mga sasakyan. Pawis na pawis ang pobreng binata.

Samantala, abala naman ang mayordoma at ang katulong sa kusina. Inabot ng 7pm si Elon bago natapos ang paglilinis nito. Naisipan ni Elon na magpahinga na muna dala ng kunting pagod na nararamdaman. Napaupo si Elon sa isang upuan sa loob ng sala. Tamang tama bumaba si Darlyn mula sa kanyang silid kasama si Kiray.

"Mmppp!" Sabay napatakip ng ilong ang dalawang dalaga.

"What's that smell? So stinky." Nilakasan pa ni Darlyn ang kanyang boses. Kaya naman narinig ni Elon. Sabay tayo ng binata at napatingin sa dalawa. Huling huli na na tinatakpan nina Darlyn ang kanilang mga ilong.

Napakunot ang noo ni Darlyn habang nakatingin kay Elon.

"Naks! Ikaw pala ang mabaho Elon. You smell bad. Pwede ba maligo ka nga. Ba't kasi nandito ka pa sa loob ng sala tumambay?" Tila nayayamot ang tono ng pananalita ni Darlyn dahilan napatiim bagang si Elon. Hindi naman pwedeng sagutin ni Elon si Darlyn dahil alam n'yang magtataray lamang ito sa kanya. Kaya tumalikod ang binata at umalis. Nang makalayo na ito.

"Ayos!" Sabi ni Darlyn. Pero napangiwi si Darlyn nang napapanguso si Kiray at nanlalanghap ng hangin.

"Hoy, anong nangyayari sa 'yo Kiray?" Tanong ni Darlyn.

"Nilalanghap ko ang amoy na naiiwan sa hangin ni Elon. Mmmmmm...Ang bango parin. Takte! Niligo ba n'ya ang cologne? Anong brand kaya ng cologne at ang bango,mmmmmm.." Napapapikit pa ang mga mata ni Kiray.

"Gaga! Pawis ang naaamoy mo. Hindi cologne." Sabi naman ni Darlyn.

"Ha ha ha ha Girl, ang amoy n'ya MASCULINE. Type ko 'yong ganong amoy. 'Yong tipong masasabi mong SURENESS  NA BOYLET..Alam mo naman, pag may tinatagong LIHIM sa katawan ang mga lalaki, ang amoy parang nag-aagawang SAMPAGUITA at Ilang-ilang. Hindi mo nasasabi kung babae o lalaki ang amoy. Basta ganun! Kakaiba talaga itong ilong ko, madaling nakikilatis ang mga boylets kung totoo ang kasarian o hindi. " Patawa tawa pa si Kiray, habang hinihimas himas ang kanyang ilong.

Umiling iling na lamang si Darlyn. Dali dali silang lumabas ng bahay.

----------------------------------------------------------------

Sa loob ng silid ni Elon, naisipan na nitong maglinis ng katawan. Hinubad na ni Elon ang kanyang buong saplot at tinungo ang banyo pero..

"Takte! Bakit walang tubig na lumalabas sa gripo?" Parang uminit ang ulo ng binata. Kaya naman naisipang suotin muli ang kanyang damit at lumabas ng kwarto.

"Nay Adeng, pwede po bang makigamit ng banyo ninyo? Walang tubig na lumalabas sa banyo ko." Paalam ng binata sa mayordoma.

"O sige. Bilisan mo at kakain na tayo mamaya." Sabi ng matanda. Nagmadaling pinuntahan ni Elon ang banyo ng silid ng mayordoma, pero..

"Ay lintek naman! Wala ring tubig. Saan ako makakaligo nito?" Napakamot ng ulo si Elon. Muli n'yang naisipang pumunta sa ibang silid ng bahay. Bawat banyo ng silid ay walang tubig. Kaya naisip ni Elon na lumabas. Naisipan n'yang merong isang gripo sa may hardin na malapit sa bodega ng bigas. Doon naisipan n'yang maligo.

Palingon lingon pa si Elon sa paligid. Tamang tama at walang katao-tao. Wala namang napapagawi sa bahagi na 'yon kaya kampante si Elon. Napapaligiran pa ng mga mayayabong na mga halaman ang paligid ng gripo. Naisipan n'yang maghubad.

Malakas ang labas ng tubig sa gripo kaya naman dali-dali nang inalis ni Elon ang kanyang kasuotan. Inilagay nya sa isang tabi.

Dahil presko sa pakiramdam ni Elon ang tubig, tuloy tuloy ang kanyang pagligo.

Nang biglang..

LUMIWANAG ANG PALIGID.

Nataranta ang binata na kunin ang kanyang itinabing damit. Pero hindi nya na makita.

NAWAWALA ANG KANYANG MGA DAMIT.

Tumagos ang liwanag sa mga halaman. Hindi na malaman ni Elon kung anong gagawin. Nakita n'ya sa di kalayuan ang bodega na imbakan ng mga bigas, bukas ang pinto nito. Naisip ni Elon na tumakbo nalang. Problema ay walang planggana na para pantakip nya sa kanyang harapan at likuran, kundi isang maliit na tabo.

"Lintek saan napunta ang damit ko?"

Wala nang panahon si Elon, hindi n'ya malaman kung bakit nakatutok sa mga halaman ang ilaw ng sasakyan.

Pikit matang tumakbo si Elon. Sa kamalasan, nasalubong nya sina KIRAY AT DARLYN.

"Gyahhhhhhhhh!!!!" Napalundag lundag si Kiray na tila natuwa na makita si Elon na hubo't hubad. Samantala si Darlyn napatawa ng husto habang tinuturo si Elon.

"Shit!!!" Mura ni Elon. Akmang babalik sana si Elon sa mga halaman nang makitang nakatayo naman si Ferdy at natutuwa na makitang nakahubad si Elon.

Sinikap ni Elon na makarating sa bodega. Sa sobrang taranta ng binata nadapa pa ito.

"Oh my God! basag ang betlog ni Elon!!" Tawa ng tawa si Darlyn. Halos maluha luha sya sa tawa dahil sa nangyari sa binata.

FLASHBACK

Habang abala ang mga kasambahay, lihim na tinungo nina Kiray at Darlyn ang tubo na dinadaluyan ng tubig sa loob ng bahay. Sinara nila ang valve ng tubo na dinadaluyan ng tubig sa mga banyo ng silid. Tanging sa kusina lamang at sa labas ng bahay ang hinayaan nilang bukas ang daloy ng tubig.

Nang makita nina Kiray na naliligo si Elon sa gripo, hindi napansin ni Elon na ninakaw ni Ferdy ang kanyang mga damit. Dahan dahan namang pinuwesto ni Ferdy ang isang kotse nina Darlyn at tinutok ang ilaw sa mga halaman kung saan naliligo si Elon. 

END OF FLASHBACK

"Ayan nakabawi kana, busog na busog ang mga mata namin." Tawa ng tawa sina Ferdy at Kiray.

"Thank you mga sista!!" Napangiti hanggang tenga si Darlyn.













SA PILING MOWhere stories live. Discover now