Chap. 7

986 186 15
                                    

Hindi matigil tigil ang tawanan ng tatlo kay Kiray habang nagbibiyahe sila. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Kiray. Lalo na't napapasulyap sya kay Elon na pigil tawa lamang ang binata.

"Anong nginingiti ngiti mo d'yan?" Tanong ni Kiray nang masulyapang nakangiti si Elon habang nagmamaneho.

"Wala lang may naiisip lang ako." Sagot ng binata.

"Bwisit ka Elon! Alam ko ang tumatakbo sa utak mo." Sabi ni Kiray.

"Ha ha ha ha ha sabi ni Ferdy kanina may balat ka pala sa p'wet eh ako naman agad kong napansin ang dimples ng p'wet mo ha ha ha ha sorry, pero 'yon agad ang nakita ng mga mata ko." Pag-aamin ni Elon.

Biglang umiba ang mukha ni Kiray, tinakpan nito ng kanyang mga kamay ang kanyang mukha.

"Waley na, nadiskurbre na namin ang iyong secret behind your butt. Therefore, you have to follow our orders. Di ba guys?" Tanong ni Ferdy sa mga kasama.

"Right." Sabi naman ni Darlyn.

"Mga hinayupak kayo! Gagawin 'yo akong alipin." Mangiyak ngiyak si Kiray batid nyang paglalaruran sya ng husto ni Ferdy.

"Wala akong gagawin sa 'yo Kiray." Sagot ni Elon.

"Well, minalas kalang sa araw na 'to kaya PIKIT MATA M0NG YAKAPAIN ANG KATOTOHANAN..kung hindi ipagkakalat ko sa madlang pipol ang iyong secret." Tinakot naman ni Ferdy.

Napangiwi si Kiray nay sinilip si Ferdy sa backseat.

"Hoy, bakla h'wag kang masyadong asyumera. Pag ako nagkataon at nakabawi sa 'yo humanda ka." Tinakot din ni Kiray.

"Asus, sige paghahandaan ko." Mayabang na sinagot ni Ferdy.

"Bwisit malunod ka sana sa resort." Asik ni Kiray.

"Hindi ako malulunod kung hindi mo ako lulunurin. Kaya pag nangyari 'yon sigurado akong kasabwat mo ang 'yong mga alagad." Sagot ni Ferdy.

Sa inis ni Kiray tinapunan nito ng box ng tissue ang kaibigang bakla. 

"Aray! Sumusobra kana Kiray. Walang sakitan. Kung hindi ka ba naman lokaret doon ka pa umihi sa lugar na makikita namin. " Singhal ni Ferdy. Nagsisimulang magkainitan ang magkaibigan.

"Hep! Walang awayan. Kung di kayo titigil hihinto ang sasakyan at iiwanan namin kayo. Bahala kayong magsabunutan sa gitna ng daan." Agad pinagsabihan ni Darlyn ang dalawang kaibigan.

"Eh kasi si Ferdy mahilig mang-asar." Pagdadahilan ni Kiray.

"Aba ang bruha sineryoso ang okrayan!" Nanlalaki ang mga mata ni Ferdy.

"Tigil!!" Sigaw ni Darlyn saka tumahimik ang lahat. Patawa tawa lang si Elon sa tatlo. Ayaw n'yang makisaw-saw sa bangayan.

Dahil may dalang takot ang 2 kay Darlyn agad naman tumahimik ang lahat.

----------------------------------------------------------

Nang marating nila ang resort, patakip silim na.  Walang imikan at pansinan sina Kiray at Ferdy. Panay irapan ang nangyayari sa dalawa. Nakisabay si Ferdy kay Darlyn habang si Kiray kay Elon. PUmunta si Darlyn sa information desk at kumuha ng dalawang cottage. Bigla nalang tumakbo si Ferdy sa tabi ni Elon at kinabig ang bisig ng binata.

"Elon, iisang silid tayo ha?" Tanong ni Ferdy.

"Okay, basta ba't h'wag mo akong hahalayin." Parang nag-aalangang sagot ni Elon.

"Ha ha ha ha ha..Virgin ka?" Tanong ni Ferdy.

"Ha?" Napanganga ang binata sa tanong ni Ferdy at napatingin kay Darlyn.

SA PILING MOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon