Chap. 24

766 162 53
                                    

Mabilis na pinatakbo ni Darlyn ang kanyang sasakyan, tila nasa isang karerahan si Darlyn kung umarangkada sa daan, kulang nalang ay lilipad ito sa ere. Halos hindi maipinta ang mga mukha nina Kiray at Ferdy na kapit na kapit sa kanilang mga seat belt.

"Darling, huminahon ka. Wala namang humahabol sa atin eh. Makakarating naman tayo sa Guatavala na ligtas. Please, ayaw ko pang mamatay." nakikiusap si Ferdy. Ngunit tila walang narinig si Darlyn. Naalog alog na sina Kiray at Ferdy sa backseat, lalo na kapag liliko si Darlyn.

"Waaaaaaa!!!" nagsisigaw ang dalawa.

May kalayuan ang biyahe nila, maging si Ferdy ay nakapatay din ang cellphone kaya naman hindi sila matawagan.

Samantala, dahil naiipit sa oras sina Ellan at Elon napagpasyahan na ituloy ang kasal nila. 

"Do you accept Ellan as your wife?" Tanong ng judge.

"Yes....I...do." Pikit matang sagot ni Elon. Alam n'yang tapos na ang lahat..tapos na ang kasunduan nila ni Darlyn..Hindi n'ya maaring dugtungan. 

May saya sa mukha ni Ellan matapos marinig ang sagot ni Elon. Lalo pa't nagpapalakpakan na ang mga taong dumalo. Samantala, pilit ngumiti si Senyor Lyndon dahil inaalala nya si Darlyn.

"Papa, relax lang po kayo. Saka na natin harapin si Darlyn. Kakausapin natin sya ng maigi. Alam kong mauunawaan nya ang lahat." Sabi ni Biao.

"Biao, it's my fault. I didn't tell her about the truth." Sagot ng ama nila.

"Then, let us help you. Alam naming makikinig si Darlyn sa atin." Sagot ni Biao ulit.

"No, she's not. Alam n'yo naman ang kapatid ninyo, madaling magrebelde." Sabi ni Senyor Lyndon.

Inakbayan sa balikat ni Jerome ang kanilang ama.

"Natural na magugulat si Darlyn sa kanyang natuklasan. Papa, madadala sa usapan si Darlyn. Kaya huminahon kayo. I think this is the right time to clear everything. Matagal na napanahon na tinago n'yo ang lahat ito sa amin. At isa pa, desisyon ninyo nina Mama ito. Wala namang masasabi ang ina ni Ellan dahil tinupad mo ang pinagkasunduan. Hindi mo rin naman sila pinabayaan. The point is, we are still family after all. " Sagot ni Jerome.

Ngunit iba ang nararamdaman ni Lyndon sa mga sandaling 'yon lalo na't nakita n'yang parang may kakaiba ang dating ng pag-iyak ni Darlyn bago ito umalis.

Nang matapos ang kasalan, nagkaroon ng kunting salo-salo. Masaya naman ang lahat. Hindi inaalala ni Ellan ang nangyaring eksena bago sila kinasal ni Elon. Tanging inisip nito na nagtagumpay sila ni Elon sa kanilang plano. Napansin naman ni Ellan na tila hindi gaanong ngumingiti si Elon.

"Elon, may problema ba?" Tanong ni Ellan.

"Ha? Wala." Sagot ni Ellon.

"H'wag kang mag-alala. Maliliwanagan ang isipan natin mamaya. Ako man ay nalilito pero mamaya na natin sila tanungin." Sabi ni Ellan.

Tumango si Elon.

Sa kalagitnaan ng salo salo, lumapit si Senyor Lyndon kay Elon.

"I'm glad that you marry my DAUGHTER, Elon. And I'm happy that she's pregnant." Sabi ni Senyor Lyndon.

Makikitang may pagkalito si Elon sa mga sandaling 'yon at nais nya ng kasagutan. Nais man n'yang lumapit sa kanyang mga magulang subalit tila umiiwas sila sa kanya.

Maya-maya lumapit sina Jerome at Biao.

"Congratulation to both of you. Welcome to the family Elon." May pilit na ngiti na pinakita si Biao. 

"Pagkatapos ng okasyong ito, mag-uusap tayong lahat sa pribadong silid. Mas mainam na magkaliwanagan tayo." Sabi ni Jerome.

Tumango lamang ang dalawa. Sari -saring katanungan na ang nagsisimulang mabuo sa isipan ni Elon at Ellan.

SA PILING MOWhere stories live. Discover now