Chapter 2

101 0 0
                                    


"Ocean hwaiting~!" Sabi ko sasarili ko bago pumasok sa room namin. Maaga pa naman kaya wala pa dito si daehwi

Anyway, si Lee Daehwi ay ang Top 1. Valedictorian siya nung gumraduate siya sa elementary. Crush ko na siya since elementary pa lang kami. Ang talino kasi eh. Andami na nga nyang nasalihang contest sa paaralan.

Naupo na ko saka nilabas ang libro sa math. Kailangan kong mag review. Laging nagpapa quiz yung teacher namin sa math.

"Pano ba to? Huhu" Ang sakit sa ulo. Naghahalo halo yung mga numbers. Kapag ba itong x------

"Ay Butiki!" Gulat kong sigaw. Pano ba naman kasi may biglang humawak sa kamay------ Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Si d-daehwi!? Hawak yung kamay ko? Mygosh!!

"Mukha ka kasing problemado. Tulungan na kita gusto mo?" Isa pa sa mga pogi points niya sakin ay yang kabaitan niya. Pati yung... smile niya. Kyaaaaa~ tama na daehwi. Yung puso ko.

"A-ah? O-ok lang. Kaya ko na. Hehe" Nauutal na sambit ko saka nginitian to. Omygas sana naman hindi ako mukhang tanga.

"Sure ka?"

"Eh.. sige. Itong part lang nato. Ang hirap kasi eh."

"Ah sige. Wait" saad nito saka inusog ang upuan niya na kaharap ko lang at naupo sa tabi ko. Daewi enebe grebe ke eh! Kenekeleg eke. Ehehehe

Ay jongina. Ang landi ko ah

Hinawakan ulit nito ang kamay ko saka tinulungan akong magsulat ng ganto na ganyan. Pero mas lalo kong hindi na intindihan. Kasi masyadong malapit yung mukha niya sakin kaya mas nadidistract ako.

Buong pag tuturo niya sakin ay wala akong naintindihan. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong titigan ang napakagwapo at napakakinis niyang mukha.

Ang mga mahahaba nitong pilikmata. Color brown na mata. Matangos na ilong. Kulay pink at kissable na mga labi. Maputi at makinis nitong kutis. Ahhh. At yung amoy niya. Sobrang bango. Hindi nakakasawang amuyin.

"And that's all"

Sana ganto na lang kami. Magkatabi. Huhu. Ang bango niya talaga

"Ocean?"

And yung boses niya. Napaka sexy. Ahhh. Daehwi. Bakit mo to ginagawa sakin? T^T

"Haerin!?"

"Ah!? Ah.. ano tapos na? Ah. Oo thank you" Sambit ko saka nginitian to. Omygosh. Ano bayan. Nahuli niya ko.

"Good morning class!"

Andito na pala yung teacher namin. Bumalik na si daehwi sa pwesto niya saka ginreet ang teacher namin. Aish. Hindi ko napansin na nandidito na pala yung mga classmate namin at may mga nakatingin na sakin ng masama. Aba. 

Kelan ko kaya mabibigay sa kanya yung chocolate? Huhu. Baka matunaw na to.

☆•☆•☆•☆

"Uhm... daehwi? Uhm... kung pwede sana..." omygas bakit ba hindi ko masabi sa kanya ng maayos? Argh!

"Hmmm?"

Lunch na at gusto ko sanang yayain siya na sabay maglunch. Kaso hindi ko masabi ng maayos

"Gustokosanangmagsabaytayonglunch" mabilis kong sabi dito. Ano bayan Ocean.

"Eh? Sabay tayo maglunch?" Paniniguro nito. Buti na lang at naintindihan niya. Tumango na lang ako.

"Ok. Tara?" Sabi pa nito saka pinauna na ako palabas. why so gentleman? ::>_<::

LieWhere stories live. Discover now