Chapter 5

8 0 0
                                    


DANIEL/EUIGEON's POV☆

Kanina pako wala sa sarili ko. Lutang ang isip ko. Ewan ko ba pero nawalan ako ng gana magmula nung makita ko si Ocean na may kasamang lalaki.

Maybe i just feel bad because of what i've said to daehwi? Malay ko ba kung umasa pala siya. Syempre sino ba ang hindi magkakagusto kay Ocean?

Maganda siya, Sexy, Mabait, May kaya sa buhay, Medyo boba nga lang minsan.

Oo maganda siya. Syempre kadugo ko yun eh. Lahat ng kadugo ko eh nagmana sakin. Magaganda at Guwapo. Hehe

"Ano ba! Ang sikip ah!" Saad ni minhyun-hyung saka pinagtulakan kami.

"Ano ba? Pag nakita tayo nila eh!" Naiiritang saad ni sungwoon-hyung

"Hay. Matagal pa bayan? Inaantok nako" Napapapikit na saad ni guanlin.

"Sino ba kasing nagsabi na sumama ka?" Pagtataray ni jaehwan dito

"Ah--"

"Shhh!" Saad ni daehwi saka tumingin sa direksyon nila Ocean. Nanahimik naman kami ng magsalita si ocean

"Bye~" Masayang saad nito sa lalaki

"Bye babe! See you tomorrow~" Saad naman ng lalaki saka nag flying kiss dito.

"Ew. Ako lang talaga ang may kayang gumawa nun na napapainlove ang mga fans ko!" Saad naman ni seongwoo-hyung.

His and his arrogant attitude. -,- 

"Haha. Sige na una nako!" Saad ni ocean saka niyakap yung lalaki. Anak ng teteng. Sa harap pa talaga ng bahay namin naglandian?

"Bye babe! Love you~" Saad ng lalaki saka kinindatan pato. Mas hot at sexy pako sa kanya kung kumindat

"I hate you too~ haha" Saad ni ocean saka nagwave na sa lalaki at pumasok na ng bahay. Good girl, ocean

Pagkaalis ng lalaki ay Lumabas na kami sa pinagtataguan namin. Ang sikip don, kanina pa nga kami binibigyan ng judgemental look dito ng mga taong nadaan.

"So confirmed nga. May boyfriend na si ocean!" Malungkot na sabi ni guanlin. Gago bato? Eh ang dami-dami pa naman nitong babae sa buhay niya.

"Oo nga. Sayang. Nakipag break pa naman ako sa mga girlfriend ko!" Saad pa ni sungwoon. Isa patong pandak kong hyung nato.

"Oh siya. Mauna nako sa inyo! Bye~ see you tomorrow!" Saad ko at tumalikod na sakanila at pumasok na sa bahay. Nakaka pagod ang araw nato

"Sir. Andito na po pala kayo" Bati sakin ng isa sa mga maid. Hindi wala pako dito. Anino ko lang to e -ω-

"Nadyan napo sila ma'am at sir. Kayo na lang po ang inaantay." Dagdag pa nito.

Hindi ko na lang to pinansin at nilapag ang bag ko sa sofa at dumiretso sa dining room.

"Oh, hijo. Maupo ka na" Bungad sa akin ni tita.

Sinunod ko naman to at nakisabay na sa pagkain nila ng hapunan.

"Uhm, Ocean. Kamusta ang school?"Pagbabasag ni tito sa katahimikan

"Ok naman po 'pa. Ganun pa din kagaya ng dati" Saad naman nito saka uminom ng tubig.

"Talaga ba? Wala ka pang boyfriend?"Tanong naman ni tita dito. Doon naman nabulunan si Ocean.

"Oh? Syempre ma wala---"

"Edi sino pala yung jinyoung?" Tanong ko dito

"Jinyoung? Sino yun?" Tanong din ni tita.

"Ah? Si... si jinyoung po. Yung childhood bestfriend ko?"

"Wala ka pang nababanggit samin na jinyoung noon. Ngayon nga lang namin narinig yung jinyoung na yan eh" Saad naman ni tito. Haha

Huli ka ngayon ocean. Hahahaha

"Uhm...*gulp* BestFriend ko lang po yun."

"Bestfriend pero nagtatawagan ng bab---" Hindi nako natapos sa sasabihin ko dahil sinubuan na niya ako ng kutsara na may lamang kanin. Saka nilakihan ako ng mata.

"Wala pa po akong boyfriend ma. Kayo po talaga oh" Saad nito saka tinanggal na ang kutsara niya sa bibig ko.

"Ah tito, tita. Mauna na po ako. Madami pa po akong sasagutan na assignments eh. Thanks for the food" Saad ko saka kinuha na ang bag ko sa sofa at umakyat papuntang kwarto ko.

"Opps!" Saad ni ocean saka hinarangan ng kamay niya ang pinto.
Tinitgan ko lang to at tinaasan ng kilay.

"Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa" Saad nito saka huminga ng malalim

"Sino ba kasi ang nagsabi sayo na boyfriend ko si Jinyoung ha?"

"Nakita ko kayo" Maikling sagot ko dito

"Huh? Saan?"

"Don sa may bench. Ang sweet nyo nga eh. Nagsusubuan pa kayo ng Donut"

"Eh ano naman? Bawal na ba gawin yun ng mga magkakaibigan ngayon?"

"Oo"

"Bakit? May batas ba na ganun? May batas ba na nagsasabi na bawal na maging sweet ang magkaibigan?"

"Wala. Pero may mga taong mamimisunderstand kayo. "Babe? "Love you?" "Miss na kita?" "Baka pinagpalit mo na ko?" Sa tingin mo. Normal ba yung mga salitang yan para sa magkaibigan?"

"Oo. Normal para samin ni jinyoung. Saka ano bang pake mo kung tawagin ko yun sa kanya?"

"Kasi ayaw nila tita na magka boyfriend ka na"

"So ano? Nasa tamang edad narin naman ako ah? Anong masama kung magboyfriend nako?"

"Nasa tamang edad? Eh high-school ka pa lang. Saka Ayaw nga nila tita!!"

"Puro ka ayaw. Wag mo na kong kakausapin ah. I hate you!!" Sigaw nito sakin saka tinalikuran ako at pumasok na sa kwarto nya.

Huminga lang ako ng malalim saka pumasok na din sa room ko. Ano bang masama kung magcare lang sa cousin ko? Wala naman diba?

Ay... mga babae nga talaga. Napaka moody. Kanina lang ang saya saya niya kasama si jinyoung tapos pagdating sakin sisigaw sigawan ako. Anak ng...

"Edi magsama kayo!!" Sigaw ko. Ewan pero naiinis ako sa kanilang dalawa. Bakit nagagalit siya sakin? Dahil lang sa jinyoung na yun? Eh mas gwapo pa nga ako dun eh. 

Psh. Ewan. Itutulog ko na lang to. Nakakabadtrip tong araw nato. Nakaka inis yang jinyoung na yan.












Author Note:

Waaaa. Nababaliw nako. Wing wing wing wing~ Boomerang~ 

SOOOORRRYYY NGA PALA DAHIL ANG IKKLLLIII LANG NG CHAPPIE NA TO!!

PLEASE SPARE ME. LOL. 



LieWhere stories live. Discover now