Chapter 6

8 0 0
                                    



"Ya!! Ocean!?" Napabalikwas ako sa pagtawag ng pangalan ko ni halmeoni.

"Bakit ang lalim ng iniisip mo? May problema ba?"

"Ah... wala po halmeoni"

Ewan ko ba. Naiinis pa din kasi ako kay daniel. Bakit kailangan niyang sabihin yun kila eomma? Sinisira niya image ko eh. Alam ng nagpapalakas ako kila eomma eh. Hehe.

"Walang problema? Eh bakit ginawa mong asukal ang asin? Tignan mo ang alat ng kape ko" Saad naman nito.

"Huh? S-sorry halmeoni. Di ko po napansin" Omygas. Asukal to asin? Haha. Nawawala nako sa sarili ko

"Sige ipagtimpla mo ulit ako doon"

"Sige po" Saad ko saka pumasok ulit sa kitchen. Binisita kami ni halmeoni. Ewan. Dapat gatas ang iniinom niya eh. Ayaw naman niya nun. Ay naku!

"Halmeoniiii~!" Pakantang tawag ni daniel kay halmeoni. Buti pa sila close T^T. Haha. Takot kasi ako kay halmeoni eh. Ewan natatakot ako sa kanya. Haha

"Niel~ apo ko! Kamusta ka na?" Saad naman nito habang yakap yakap pa ang binata. Sige sila na sweet.

"Ganun padin po halmeoni. Gwapo pa din. Haha" Saad nito saka nag pogi-sign pa.

Naubo ako don ah.

"Ganun pa din po halmeoni. Gwapo pa din. Haha." Bulong ko saka ginawang sarcastic ang pagkakabigkas.

"Baka kamo, Ganun pa din po halmeoni. Dugyutin pa din haha" Saad ko saka nagtatawa.

"May sinasabi ka ba Ocean?" Nalaglag ko ang baso sa sobrang gulat. Narinig ako ni halmeoni? Ok. I'm dead. Daniel spare me please. Bwahaha

"Aishh!! Ah. Wala po halmeoni" Saad ko saka naupo upang pulutin ang nabasag na baso.

"Ouch!" Pabulong ko sa sarili ko. Kung hindi din ako tanga eh no? Bakit ko pupulutin kung may dust pan naman? Bakit ba ang bobo ko? Haha.

Patayo nako pero hinila nako ni tae palayo don saka winalis ang bubog. Sige. Magpakitang gilas ka pa kay halmeoni. Tinarayan ko na lang to saka umakyat na sa kwarto ko

"Mag-ingat ka naman kasi minsan haerin. Napaka clumsy mo talagang bata ka" Narinig ko pang sigaw ni halmeoni sa kusina.

Sus. Sabihin na lang niya na kahit anong mangyari, mas better para sa kanya si daniel. Aigoo~ Lagi na lang si daniel. Kahit ang hindi naman nila alam. Na bulakbol yan sa school. Buti nga di ko sinusumbong eh. 

Kumuha ako ng damit ko saka doon pinunas ang dugo sa kamay ko. Waaa. Nasugatan ang napakaganda kong kamay. Charot

"Bakit kasi ang tanga ko? Aish! Di ko pa muna nahugasan! Bwisit!!" Sigaw ko sa sarili ko. Pa walk-out walk-out pa kasing nalalaman---

"Ay alien!!" Sigaw ko sa sobrang gulat ng buksan ni daniel ang pinto ng kwarto ko.

"Bakit?" Tanong ko dito matching taas kilay. Hindi ako nito pinansin saka pumasok na ng kwarto ko. Aba. Sino nagbigay sakanya ng permiso na pumasok----

Napapiksi ako nang inagaw niya sa akin ang nasaktan kong kamay. Ano nagpapakabayani nanaman ba siya?

Hinila ko ulit yun saka tinago sa likod ko. "Ano ba kasing kailangan mo?" Tanong ko ulit dito.

"Amina. Wag ka ng maarte pa!" Saad nito saka muling kinuha ang kamay ko, bago pa ko makapagreklamo ay kinuha na niya ang alcohol na nasa medicine kit ko at ibinuhos sa sugat ko.

"Punyeta kang alien ka!!!" Sigaw ko dito habang namimilipit sa sakit. Aba kung hindi din tanga eh? Ang hapdi nyeta.

"Arte mo tanga. Parang alcohol lang takot na takot ka na!" Saad pa nito saka nilapag na ang kamay ko.

Siya kaya buhusan ko sa mata ng alcohol ng malaman niya kung gano ka hapdi yung ginawa niya? At ako pa talaga ang naging tanga?

LieWhere stories live. Discover now