CHAPTER FIVE

3.3K 69 0
                                    

“CESZ!” tawag ng kung sino bago pa man siya makapagtanong sa guard na nakabantay sa entrance gate ng San Juan Gym.

“Hi. Ikaw na pala 'yan,” bati niya kay LA.

“Hi. Kadarating mo lang?” tanong nito.

“Yep. Halos magkasabay lang pala tayo. Magtatanong na nga sana ako sa guard kung puwede na ba akong pumasok sa loob,” nakangiting sagot niya.

“Pasensiya ka na ulit kung hindi na kita nasundo. Sa susunod, babawi ako sa 'yo,” hingi nito ng paumanhin.

“'Sus, wala 'yon.”

“Kaya lang, medyo napaaga tayo. Tumawag kasi si Coach. Na-reset daw ang oras ng practice. Hindi naman na kita na-inform kasi na-low bat na ang cell phone ko. Kaya nga inagahan ko na rin ang pagpunta. Mabuti at naabutan pa kita dito sa labas ng gym,” kamot sa ulong sabi ni LA.

“Ayos lang 'yon. Kaya lang, hindi ba tayo makakapasok sa loob ng gym hangga’t hindi pa dumadating ang alas-tres?” tanong niya.

“Puwede naman. Kaya tara na sa loob. Doon na lang natin sila hintayin,” nakangiting yaya nito.

“Okay, let’s go,” nakangiti ring sagot niya.

Pagkatapos kausapin ni LA ang guard na nakabantay sa entrance ng gym, nakapasok na rin sila nito. Naupo muna sila sa bleachers. Kinuha nito ang nakitang bola sa sahig.

“So, how was your day?” tanong ni LA mayamaya.

“Okay naman. Hindi masyadong busy kasi nakatapos na ako sa isang requirements ko,” sagot niya.

“That’s nice,” sabi ni LA habang nilalaro-laro ang hawak na bola.

“Alam mo ba, sa tagal ko ng nanonood ng basketball, kahit minsan hindi ako natutong maglaro niyan? Hindi kasi basketball ang kinuha naming sport sa PE class namin, eh,” sabi ni Cesz habang nakatingin dito na nilalaro pa rin ang bola.

Napatingin si LA sa kanya pagkatapos ay nagtanong. “Gusto mo, turuan kita kahit basics lang?”

“Sige ba. Okay lang sa 'yo?” tanong pa niya.

“Oo naman. Halika dito at tuturuan kita,” sabi ni LA sabay hawak sa kamay niya para makatayo siya.

“Ang una kong ituturo sa 'yo ay kung paano ang tamang pagdi-dribble ng bola. Ganito 'yon,” sabi nito bago nagsimulang mag-dribble.

“Sa pagdi-dribble kasi, kailangang ang mga daliri ang gamitin hindi ang palad. Karamihan kasi ng mga naglalaro, doon nagkakamali. Pagkatapos, i-bend mo nang kaunti ang mga tuhod mo para kapag nag-bounce ang bola, hanggang sa waist level mo lang. Isa pang kailangang tandaan, kapag nagdi-dribble ng bola, huwag kang titingin sa baba o sa bola mismo. Kailangang deretso lang ang tingin o kaya, sa taong dumedepensa sa 'yo,” pagtuturo ni LA pagkatapos ay pinakitaan siya nito ng sample.

Habang tinuturuan siya ni LA, hindi mapigilan ni Cesz na humanga lalo dito. Kitang-kita sa mga galaw nito na isa talaga itong magaling na manlalaro. Hindi pa nga nag-sink in agad sa isip niya ang itinuro ng lalaki dahil nakatulala lang siya dito. Ilang sandali pa at hinigit siya nito na ikinagulat niya.

“O, ikaw naman ngayon ang mag-dribble,” sabi ni LA habang hawak nito ang kamay para i-guide siya sa tamang pagdi-dribble ng bola.
May munting kuryente na nanulay habang magkahawak ang mga kamay nila.

Oh, God, ito ba iyong madalas niyang mabasa sa mga romantic novels? Bakit ganito ang pakiramdam niya? Weird!

Hanggang sa dumating na ang mga teammates ni LA, naguguluhan pa rin si Cesz sa nararamdaman niya.

What Makes You BeautifulWhere stories live. Discover now