CHAPTER SEVENTEEN

2.6K 57 2
                                    

“SABI ko na nga ba at ikaw 'yan, Cesz. Long time no see. Kumusta ka na?” tanong ni Gian habang nakatitig sa kanya. Makikita sa mga mata nito ang paghanga.

“I’m good. How about you?” naiilang na balik-tanong niya. Hindi sila nagkaroon ng magandang closure kaya naman hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ngayon si Gian.

Nagulat talaga si Cesz nang makita niya ito. Hindi niya kasi naisip na darating ang panahon na magkikita pa uli silang dalawa. Kaya naman hindi niya napaghandaan ang pagkakataong iyon. Pero mas ikinagulat niya ang hitsura ni Gian ngayon. Ang laki dmg ipinayat nito ngayon. He used to be buff and fit. Pero ngayon, mukha itong may sakit.

“Teka, magkakilala ba kayong dalawa?” naguguluhang tanong ni Neya.

“Yeah, way back in college. May common friends kami kaya nagkakilala kami.” Si Gian ang sumagot sa tanong ni Neya.

“Really? What a small world,” parang natutuwang sabi ni Neya. “Maupo ka muna, Kuya Gian, sali ka sa kuwentuhan namin,” yaya pa ni Neya..

Umupo si Gian sa tabi niya, sa upuang binakante ni LA. Nailang si Cesz, pero hindi niya iyon ipinahalata sa mga kasama niya sa table. Nagkunwari siyang okay lang at patuloy na nakipagkuwentuhan sa mga ito. Mayamaya ay may nagyayang sumayaw kay Neya kaya naman naiwan silang dalawa ni Gian sa table.

“Really, how have you been, Cesz?” pagbasag ni Gian sa katahimikan na namagitan sa kanila.

“Ito, buhay pa naman. Naka-survive after ng ginawa mo sa akin,” puno ng sarkasmong sagot niya. Wala siyang pakialam kung magtunog bitter man ang sagot niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya.

Bumalatay ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata nito. “I know it’s long overdue, but I’m really sorry, Cesz. Hindi ko binalak na saktan ka nang sobra. Totoong minahal kita, pero…” naiiling na sabi nito.

“Pero mas mahal mo 'yong ex mo. Don’t worry, wala na sa akin 'yon,” sabi niya.

“That’ not really true,” halos pabulong na sabi ni Gian na nakaabot sa pandinig niya.

“What do you mean by that?” tanong niya.

“May dahilan kaya ko ginawa iyon. If you really know me, alam mo naman na lahat ng ginagawa ko, pinag-iisipan kong mabuti,” malungkot na sagot nito sa tanong niya.

“Puwede ko bang malaman kung ano ang dahilan na 'yon? May karapatan naman siguro akong malaman 'yon, 'di ba?”

“Kailangan pa ba 'yon?” mahinang tanong nito. “Okay ka naman na, 'di ba?”

“But I still need to know that damn reasons of yours!” sabi niya.

Ilang sandaling natahimik si Gian bago nakatungong nagsalita. “Kasi may sakit ako. May brain tumor ako. 'Yon ang dahilan kaya ako nakipaghiwalay sa 'yo. Walang ibang babae. Pinili ko na maghiwalay na lang tayo dahil hindi ko alam kung gagaling pa ako,” mahinang paliwanag nito.

Parang nabingi si Cesz sa sinabi ni Gian. Kaya pala ang payat-payat nito ngayon. May sakit pala ito. At wala daw ibang babae. Ibig sabihin, nagalit siya dito ng wala naman talagang dapat ikagalit.

Parang biglang nanghina ang mga tuhod niya. Mabuti na lang at nakaupo siya nang mga oras na iyon.

“Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit kailangan mong maglihim at magsinungaling?” mahina rin niyang tanong.

“Dahil ayokong kaawaan mo ako. Hindi ko rin alam kung gagaling pa ako. You see, hanggang ngayon, under medication pa rin ako. Ayokong paghintayin ka. Baka bigla rin akong mawala. Mas maganda na 'yong ganito,” sagot ni Gian na may malungkot na ngiti sa mga labi.

Hindi pa rin alam ni Cesz kung ano ang mararamdaman dahil sa nalaman niya. Mayamaya ay nagtanong ulit siya.

“May gusto pa akong malaman.”

“Ano 'yon?” balik-tanong ni Gian.

“Bakit sa dinami-dami ng araw, bakit debut ko pa?” walang halong panunumbat na tanong niya.

Nag-iwas ito ng tingin bago sumagot. “Naisip ko kasi na sobra mo 'yong ikakagalit. Ginusto kong saktan ka nang sobra para magalit ka sa akin. Para madali mo akong makalimutan. Para 'yong pagmamahal na nararamdaman mo sa akin ay mapalitan ng galit,” sagot nito bago muling tumingin sa kanya.

Speechless na naman siya. Iyon pala ang totoong dahilan nito kung ganoon.

“Cesz, alam kong ilang taon na rin ang nakalipas, but I want to take this opportunity para mag-sorry. I’m sorry if I’ve cause you so much pain. I didn’t want to do that, but I was left with no choice,” matapat na sabi ni Gian habang nakatingin sa mga mata niya.

“Aaminin ko, nagalit talaga ako. Nasaktan ako, eh, natural lang 'yon. Hindi ko naman kasi alam ang tunay na dahilan mo noon. Huwag kang mag-alala, matagal na kitang napatawad,” may ngiti sa mga labing sabi niya.

“Thanks, Cesz. Napakabait mo talaga,” nakangiti ring sabi nito.

“Walang anuman. So, kumusta ka naman ngayon? I mean, how’s your health na?” pangungumusta niya.

“Ito, under medication pa rin. So far, okay naman ako. 'Ayun nga lang mahirap kapag sumusumpong ang sakit ko,” tipid ang ngiting sabi nito.

“I will pray for your fastest recovery,” matapat na sabi niya.

“Salamat, Cesz. I heard kayo na raw ni Kuya LA. Are you happy with him?” tanong pa nito.

“I am. Sobrang happy ako sa kanya. Mahal niya ako at mahal ko rin siya. I can see my future with him,” matapat na sagot niya.

“Well, I’m happy for you.”

“Am I missing something here?” tanong ni LA na hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila.

“Hey, baby, nandiyan ka na pala. Tapos na ba kayong mag-usap ng lalaking kasama mo?” tanong ni Cesz.

“Yeah, katatapos lang,” sagot nito sabay tingin kay Gian. "Nagkakilala na kayo ng pinsan ko?" tanong pa ni LA.

“Yes, Kuya LA. Nice to see you again, Kuya,” bati ni Gian kay LA.

“Hey, man! Ang tagal mong nawala, ah. Kumusta ang America?” tanong ni LA sa pinsan.

“'Ayun, America pa rin,” natatawang sagot ni Gian.

Nagkuwentuhan pa ang magpinsan tungkol sa mga nangyari sa mga ito sa nakalipas na taon. Siya naman ay tahimik lang na nakikinig.

Nang marinig ni Cesz ang familiar na kanta na tinutugtog ng banda ay napatingin siya kay LA. The band was playing You Got It All ng The Jets. Napatingin din sa kanya si LA at napangiti.

“Care to dance, baby? It’s our theme song, you know,” sabi nito while grinning widely.

Nakangiti siyang pumayag. Nagpaalam muna si LA kay Gian bago siya tinangay papunta sa dance floor.

What Makes You BeautifulNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ