CHAPTER TWENTY-ONE

2.9K 60 0
                                    

ISANG linggo na ang nakararaan mula nang mailibing si Gian. Hindi nakapaglaro si LA noong game five ng finals dahil nakaburol ang pinsan nito. Dahil na rin siguro sa wala ang ace pointguard ng team, natalo na naman ang Beermen kaya naman extended pa rin ang finals hanggang game six.

Isang beses lang nagpunta sa burol ni Gian si Cesz. Iniiwasan rin kasi talaga niya si LA. Masyado pang masakit para sa kanya ang mga nangyari. Idagdag pa ang pagkawala ni Gian na kaibigan niya.

Pero kahit ayaw niya, napilit siya ni Yeth na manood ng live game ngayong game six. Sabi ng kaibigan niya, dapat daw niyang ipakita kay LA na okay lang siya kahit break na sila.

Para ngang naninibago pa si Cesz ngayong nanood ulit siya ng live game. Mabuti na lang at kasama niya si Jen mac na manood.

Noong una, tahimik lang siya pero ilang saglit pa at nakikisali na rin siya sa pagsigaw kasama ng iba pang mga fans. Old habits are hard to die talaga. Mas masaya talagang manood ng live game, mas ramdam mo ang excitement ng mga nanonood ding fans.

Kaya nga lang, minalas na naman yata ang Beermen, dahil natalo na naman ang mga ito. At dahil doon, extended na naman ang series sa game seven. It’s a do or die game for both teams kaya naman kailangan na talagang manalo ng Beermen.

Pagkatapos ng game ay niyaya siya ni Jen mac na sumama sa dug out para puntahan ang team, pero tumanggi si Cesz. Bakit pa, eh, makikita lang niya si LA. Hindi pa siya handang harapin ang lalaki.

Lagi pa rin niyang naiisip na masaya na si LA kasama ang bago nitong girlfriend. At masakit iyon para sa kanya.

Tinatanong niya nga minsan ang sarili niya kung bakit hindi na lang siya maging manhid para wala na siyang maramdaman pang sakit.

Dahil nagpunta na si Jen mac sa dug out ng Beermen, nagdesisyon si Cesz na puntahan na lang si Yeth sa dressing room ng mga ito. Pero bago pa siya makarating doon, may humarang sa kanya. Natigilan siya at napatingin na lang siya dito.

No! Bakit ngayon pa? Hindi pa siya handa na makipag-usap dito.

“Hello, Cesz, kumusta?” tanong nito.

Tiningnan lang niya si LA. Naisip pa niya na bakit parang wala lang dito ang nangyari sa kanila? Nagawa pa talaga nitong mangumusta sa kanya.

Tatalikuran na sana niya si LA pero hinawakan nito ang braso niya.

“Cesz, puwede ba tayong mag-usap? Please, kahit sandali lang,” sabi nito sa tonong nakikiusap.

“Okay, I’m giving you five minutes. So you better start talking now,” malamig na sabi niya sabay iwas ng tingin.

“First of all, I want to say I’m sorry. Sorry kasi alam kong nasaktan ka nang sobra. Pero hindi mo alam, kung nasaktan ka man, mas nasaktan ako,” puno ng emosyong sabi nito.

Nagtatanong ang mga matang tumitig si Cesz dito.

“Walang ibang babae. Palabas lang ang lahat. Pinalabas ko na may iba akong babae para magalit ka sa akin. Para sa ganoon, ikaw na ang kusang makipaghiwalay sa akin,” paliwanag pa nito.

“Bakit mo ginawa 'yon?” tanong niya.

“Dahil kay Gian. Alam kong mahal na mahal ka pa rin niya. Lagi niyang ikinukuwento sa akin ang tungkol sa inyo bago siya umalis papuntang America para magpagamot. It was a very hard decision for me. Mahal kita, alam mo 'yan, pero gusto kong mapasaya si Gian bago man lang siya kunin sa amin. At alam kong isa ka sa mga taong makakapagpasaya sa kanya. Kaya kahit mahirap, sinaktan kita para mas magkalapit uli kayo ni Gian,” malungkot na sagot nito.

“I got your point. Siguro kahit ako ang nasa katayuan mo, gugustuhin ko ring maging masaya isa sa mga kapamilya ko sa mga nalalabi nitong oras. But not to the point na isasakripisyo ko ang relasyon ko sa taong mahal na mahal ko. Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman ko? Dapat sinabi mo na lang sa akin na gusto mong pasayahin si Gian. Tutulungan naman kita, eh. Pero hindi 'yong sinaktan mo pa ako para lang may mapasaya ka,” naiiyak na niyang sabi.

“'Yon nga siguro ang pagkakamali ko. Hirap na hirap din ako noon, Cesz. Mahal na mahal kita pero nandiyan si Gian na gusto kong mapasaya. At masaya ako na sa mga huling sandali niya, alam kong naging masaya siya dahil nakasama ka ulit niya,” sabi nito.

“At ngayong wala na si Gian, anong balak mo?” nanghahamong tanong niya.

“I want you back. Mahal na mahal pa rin kita, Cesz. Please, bigyan mo pa ako ng isa pang chance. Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ikakasakit ng damdamin mo. Please, bigyan mo lang ulit ako ng isa pang pagkakataon,” pagsusumamo nito.

“Sa tingin mo ganoon lang kadali 'yon? Sinaktan mo ako nang sobra, LA. I don’t think makakaya kong magtiwala sa 'yo ngayon. Oo, aaminin kong mahal pa rin kita. Pero what’s the use of loving you kung sa mga panahong ito, may doubt pa rin ako sa pagmamahal na sinasabi mo? I’m sorry, but I think mas okay na ganito na muna tayo.”

“Please, Cesz, mahal na mahal kita. Bigyan mo ako ng pagkakataon para ipakita at iparamdam uli sa 'yo ang pagmamahal ko. Please?” parang maiiyak ng sabi ni LA saka siya niyakap.

Ang totoo, gustong-gusto na niyang yakapin din ang lalaki at sabihing mahal na mahal niya rin ito. Pero alam niyang hindi ganoon kadali. Malalim ang iniwang sugat ng ginawang pananakit ni LA sa kanya. Kaya kahit mahal pa rin niya ito, she needs to heal first.

Umiling-iling si Cesz habang pilit tinatanggal ang pagkakayakap nito sa kanya. “Maybe, time will come na magiging magkaibigan ulit tayo at kung mahal pa rin natin ang isa’t isa, siguro doon palang natin puwedeng ayusin kung ano ang meron tayo,” sabi niya sabay talikod.

Eksaktong pagtalikod ni Cesz, saka niya hinayaang tumulo ang kanina pa niya pinipigilang mga luha.

Loving was indeed the best and the worst feeling in the world.

NAGKITA ulit sila ni LA sa game seven ng finals. Bahagya lang silang nagtanguan nito. Nami-miss niya ang mga panahong lagi silang magkasama at naglalambingan. Pero siya naman ang nagdesisyon na maging ganoon na lang muna sila kaya naman wala siyang karapatan na magreklamo.

Masaya naman si Cesz sa naging resulta ng game seven. Sa hinaba-haba man ng series, nagchampion din ang Beermen. Itinanghal na finals MVP si LA. Masaya siya para sa lalaki. She knows that he deserves that.

Binati niya ang buong team. Tuwang-tuwang parang mga bata na nagbubuhusan ng tubig ang mga ito sa dug out. Pati siya ay hindi pinatawad ng mga ito at binasa rin. Mabuti na lang at may dala siyang extra na blouse.

Ngayon na lang ulit siya nakatawa nang ganoon pagkatapos ng break up nila ni LA. Nagkatinginan pa nga sila nito at sabay na nagkatawanan. Ang saya lang sa pakiramdam ng ganoon. Sana nga, in time bumalik sila sa dati.

“O, Cesz, Jen mac at Yeth, walang mawawala sa inyo sa victory party ng team. Kailangan nandoon din kayo, ha?” sabi ni Coach Ryan na basang-basa na rin nang mga oras na iyon.

“Yes, Coach,” sabay-sabay na sagot nila. Nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay ring nagkatawanan.

Pagkatapos ng celebration nila sa Big Dome ay dumeretso pa sila sa isang restaurant para ipagpatuloy ang pagsasaya para sa pagkaka-champion ng team. Bumaha ang pagkain at alak para sa mini celebration nilang iyon. Nang medyo lumalalim na ang gabi ay nagpaalam na sila ni Yeth sa mga ito na mauuna nang umuwi. Nag-alok si LA na ihatid sila pero mabilis siyang tumanggi.

Hindi sa ayaw niya itong makasama kundi lalo lang niyang mami-miss at maiisip ang dati nilang samahan. Malungkot naman itong tumango na lang. Nag-commute na lang sila ni Yeth pauwi.

What Makes You BeautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon