Chapter 4

83 2 0
                                    

Kiss

Napagalitan kami ni Mrs. Hernan dahil hindi daw kami sumunod sa library policy. Six daw ang closing ng library pero hindi daw kami lumabas ng tama sa oras, which is tama si Mrs. Hernan.

At the same time ay nag-alala din ito sa pagkakakulong naming dalawa ni Tristan sa loob. Malamig ang sahig at walang jacket si Tristan kaya nanginginig ito nang magising kaming dalawa.

Sinabihan kami ni Mrs. Hernan na maghalf-day nalang sa klase at umuwi na muna. Siya na daw ang bahalang mag-inform sa professors namin. Dahil nilalamig din ay pumayag na ako.

"Max, I'll drive you home."

Napatingin ako kay Tristan. Maputla ang labi nito dahil na rin siguro sa lamig. Suot ko pa rin ang varsity jacket niya hanggang ngayon.

"Sige."

Saka lang ito nakahinga nang maluwag saka ngumiti at binuksan ang pintuan ng kotse nito.

He's indeed a rich kid son. Audi R8 ang kotse nito which I know was quite expensive.

Tahimik kami habang nasa biyahe. Parang gusto kong mailang kapag naaalala ko ang mga nangyari kagabi. Hindi ko alam kung paano aakto sa harap ng lalaki ngayon.

Nasa gate palang ng bahay namin ay nakita kong nakatayo na agad si Dad. Alam kong natawagan na agad ito ni Mrs. Hernan.

Galit ang nakabakas sa mukha nito. Binundol ako ng kaba sa isiping baka harap-harapan na naman niya akong ipahiya ngayon lalo pa at kasama ko si Tristan.

Ang galit sa mukha ni Dad ay nahaluan ng gulat nang makitang kasabay kong bumaba mula sa kotse si Tristan.

"Dad.."

Bumakas ulit ang galit sa mukha ni Daddy nang magbaling ng tingin sa akin.

"Bakit ngayon ka lang nakauwi?"

"Sir, about that. It's my fault, Sir. Kinausap ko kasi si Maxene kahapon. We lost track of the time so we were locked up inside the library. I'm sorry."

Hindi paman ako nakasagot ay inunahan na agad ako ni Tristan. Nagtataka ang mukhang tiningnan ko siya ngunit kay Daddy ito nakatingin ng diretso.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Daddy sa sagot ni Tristan.

"What did you two talk about that made you both lost track of time?"

Napatingin sa akin si Tristan. His expression tells me to trust him. That I need to trust him.

"It's about Myrene, Sir."

Para namang natigilan si Daddy sa sinagot ni Tristan. Unti-unti ay nawala ang galit sa mukha nito at napalitan ng saya.

"Really? Okay, then. Do you want to come inside?"

Tristan shook his head in response.

"Hindi na po, Sir. Maybe next time. I've taken too much of Maxene's time. Sorry again, for what happened."

Tumango lang si Daddy sa sinabi ni Tristan. Tristan nodded at me and waved me goodbye. Tulalang sinundan ko siya ng tingin.

"Pumasok ka na at mag-ayos ng sarili mo."

Tumalikod na si Dad at pumasok sa loob ng bahay habang ako ay nakasunod lang ang tingin sa kanya.

Ganun na lang iyon? Wala manlang tanong kung kumusta ba ako o kung okay lang ba ako? Kung hindi pa siguro sinabi ni Tristan na si Myrene ang pinag-usapan 'kuno' namin kahapon, siguro nasabunan at nabanlawan na naman ako ng sermon kanina.

I sighed in defeat and headed towards my room. Sanay na ako kaya hindi na dapat ako masaktan pa.

As usual, sa library ulit ako dumiretso pagkabalik ng school. Ten palang at mamayang three pa ang klase namin. May klase sana ako ngayon pero hindi ko na pinasukan pa.

Treacherous Love Where stories live. Discover now