Chapter 5

74 2 0
                                    

Gusto

Mas dumalas ang pagpunta ni Tristan sa bahay namin. Since the incident at the library, hindi na kami nakapag-usap pang muli.

Pareho kaming nag-iwasan, kahit sa loob ng classroom. Akala ko mawawala ang crush na nararamdam ko para sa kanya pero hindi pala. Walang nabago, bagkus mas lalo pang lumala kahit anong iwas ang gawin ko.

"Maxene, para sayo nga pala."

Nagkatinginan kami ni Lyra sa inabot na bulaklak ni Darius, kablock namin. Bakas ang gulat sa mukha ko.

"Ha? Seryuso ka, Darius? Para saan to?"

Halata ang kaba sa ngiti nito habang nagkakamot ng ulo. Usap-usapan na may gusto daw sa akin si Darius mula pa daw noong first year palang kami. Pero hindi ko naman binigyang pansin kasi wala naman siyang paramdam noon. Well, hindi ko lang alam ngayon.

"May gusto sana akong sabihin sayo."

Napatingin ito kay Lyra. Tila naintindihan naman ng kaibigan ko ang gustong ipahiwatig ni Darius, kusa na itong umalis pagkatapos magpaalam sa aming dalawa.

"Yes? Anong sasabihin mo, Dar?"

Pilit ang ngiting binigay nito sa akin sabay kamot ulit ng ulo. Konti nalang talaga at iisipin kong may kuto ang taong ito.

"Kasi.."

Napataas ako ng kilay. Mabait si Darius. Matalino at President ng Math Club. Actually, isa siya sa mga kateam ni Tristan sa University Basketball Team. Aminado naman ako na gwapo din si Darius.

"Ano?"

Impatience can be sensed in my voice. Mukha namang naalarma si Darius nang kabakasan ng inip ang aking boses, nagpakawala siya ng malalim na hininga saka ngumiti.

"Gusto ko sanang magpaalam kung puwede ba akong manligaw sayo?"

Diretso ang titig niya sa aking mga mata. I was half expecting that he'll tell me this pero iba pa rin pala kapag narinig ko na mula sa mga labi niya. Nakakailang, at the same time, nakaka-flattered din.

Maraming babaeng nagkakagusto kay Darius at hindi ko alam kung bakit ako pa talaga ang napansin niya sa lahat.

Nevertheless, alam ko namang hindi ako pwedeng magpaligaw. Not until I was able to prove myself to my parents, the way they want me to.

"I'm sorry, Darius. Hindi pa kasi ako pwedeng magpaligaw."

Darius looked a bit down upon hearing my indirect rejection. Kahit naman kasi pwede akong magpaligaw, hindi ko parin yan pagtutuunan ng pansin. Madami pa akong kailangang gawin para sa sarili ko.

"Ganun ba? I can be your friend, perhaps?"

I was caught off guard. Hindi naman kasi pwedeng sagutin ko siya ng hindi. Hindi rin naman bawal makipagkaibigan.

Well, the rule applies only to Tristan.

Pilit ang ngiting binigay ko kay Darius. Mahirap ireject ang isang taong walang pinakita sayo kundi kabaitan.

"Sure. Walang problema doon, Darius."

"Hatid na kita sa labas?"

Kimi akong tumango. Sabay kaming pumihit papuntang pintuan pero agad din akong napatigil. Nakasandal sa may pintuan si Tristan, nakahalukipkip habang nakatingin sa aming dalawa ni Darius.

Ilang sandaling nagtama ang aming mga mata. His eyes screamed of darkness and sensuality.

"Maxene?"

Treacherous Love Where stories live. Discover now