Chapter 11 - Naiihi

143 9 1
                                    

Readers:

 

May nareceive akong nakakatabang puso na message, kaya ako ginanahang mag UD.

 

Thanks to her. :)

VOTE.Comment.FOLLOW

Thank you (><)

******************************************************************

Mika’s POV

Matapos sigawan ni Love of my Life yung si gwapong tanda, bumitaw agad ito sa pagkakahawak sa kamay ko sabay hands up, para bang nahold-up.

“Whooh, whooh! Come on Klein, Chill... di na mauulit...” sabay kindat sa akin.

ANLANDEEHH!

Tinapik lang ulit ni Luke si gwapong tanda sa dibdib, sabay hablot sa kamay ko. Nakakailang harrassment na tong si love of my life ah!

Kinaladkad niya lang ako patungo doon sa bar na sinasabi ko sa inyo, nakasunod lang sina Cade, Cale, Bryan, Sky  at si gwapong tanda sa amin. Sa malapitan, mas lalo lang akong namangha sa dami ng tao, lalaki at babae, nag-iinuman, nagsasayaw. Tanghaling tapat, nagbabar?!

Tuluyan kaming pumasok sa loob, at talagang ang laki ng loob, typical set up ng bar pero halatang mamahalin. Umakyat kami sa second floor nung bar at halatang pribado. May sariling mga bantay sa may pinto ee, ma-ala The Rock pa ang mga katawan. Diyos ko! Katakot naman ng mga taong to!

Pagkabukas naman nung mga The Rock na bodyguard, bigla nalang...

“DADA KOOOOO~~!!!”

Take note, high pitch pa yan aahh, muntik nang mabasag tenga ko, closed room kaya, tapos kami kaya nasa unahan, kami una nakasalubong sa super sonic voice.

“MAMI KOOOOO~~!!!”

Gulat naman akong napalingon sa likod, bigla nalang lumusot si Sky mula sa likod at sinalubong ng isang power hug at KISS sa lips yung babaeng parang banshee....

“Urggh!” sinapo ni Luke ang kanyang noo. Halatang Bad Trip uli.

“Tagal niyo naman dada, kanina pa ako dito, gutom na ako!” reklamo nung babae sa unahan.

Lumapit narin kami at nabigyan ako ng mas malapit na vision sa babaeng banshee, at ako ay nga-nga!

Siya na siguro ang pinaka cute, pinaka puti, pinaka dollish face na babaeng nakita ko. Biglang pumasok sa isip ko, ANGHEL? Oo MALAMANG!!

Bigla namang napalipat ang tingin ni anghel sa akin, nahalata niya sigurong kanina pa ako nakatitig sa kanya.

“Anatawa dare?”

(trans: who are you?)

 

Huh?! Ano daw?

Napalingon naman ako kay Luke.

“P.A” sagot niya. Naubosan siguro ng boses kaya ang tipid.=__=

<strong

Cupid's Big Trick (ON-HOLD)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz