Chapter 13 - Bwesit!

106 7 4
                                    

 

Sorry po ngayon lang ako nakapag-UD, medyo busy lang po talaga ako sa school >___<

Hope you like the Update.

VOTE.Comment.FOLLOW

Thank you (><)

******************************************************

Mika’s POV

“Teka lang demonyo! Ano naman ba problema mo” hilang hila parin niya ako papalabas.

“Ikaw!” sagot niya, pero di siya humarap sa akin. patuloy lang niya akong hinila.

Tingnan mo to?! parang kanina lang ang ganda nang mood, ngayon na naman, parang ewan at bigla-bigla nalang nagagalit. Pasalamat talaga siya love of my life ko siya kundi matagal ko na siyang iniwan.

Chos! parang nobyo ko lang? Ambisyosa ka talaga Mika..--*bOGS*

Aray ko naman! ang bilis-bilis maglakad bigla bigla namang humihinto! Ang tigas kaya ng likod niya, buti nalang mabango.. hohoho

 

“Ano na naman ba trip mo at bigla ka---“ hindi ko na maituloy ang sanang sasabihin ko nang pilit niya akong takpan at hinawakan ng mahigpit sa kamay ko.

“What are you doing here Asshole?!” busad niya sa kung sino man yung nasa harap niya. Pilit parin niyang ipwesto ako sa likod niya.

 

“Aren’t you happy to see me Luke?” sagot naman nang kausap niya. Di ko parin makita kasi nga pilit akong pinapatago sa likod ni Luke, dagdag pa ang liit ko, kaya di ako makasilip.

“No, so scram! Nabubwesit ako sa pagmumukha mo.”

“Whoh! ang sakit naman nun dre, baka nakakalimutan mo, may race pa tayo mamaya” sarkastikong sagot nung kung sino man yon. Tch! lang ang narinig kong sagot ni Luke.

Cupid's Big Trick (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon