Chapter Six

429 32 5
                                    


CHAPTER SIX

IT was a stormy Wednesday. Sabi ng PAG-ASA, pumasok sa area of responsibility si Bagyong Pedring at kasalukuyan itong nasa area ng Luzon. Cancelled ang pasok sa paaralan from all levels sa buong Metro Manila at Southern Luzon. Kasama sa Southern Luzon ang Camarines Norte kung saan naroon ang Green Knoll Academy.

Happy life ang estudyante from all over Luzon dahil walang pasok. Pwera na nga lang kung nag-aaral at nagtuturo ka sa isang boarding school. Konting kembot lang nasa campus ground ka na agad. So what's the harm kung may typhoon? Tuloy ang klase!

But today was a special day. Wala kaming klase ngayong Wednesday dahil sa Presidential Debate ng Student Council Election. Safe and sound ang lahat ng students (from all levels) at guro sa loob ng auditorium.

Pumapasok na ang audience sa auditorium. Ang mga Presidentiables, abala sa backstage kasama ang political party nila.

Apat ang tumatakbong party sa election. Si Arietta Golding ang natatanging babae na tumakbo bilang President. Dalawang lalaki from 12th grade ang karibal ni Leonardo at Arietta; may kani-kaniyang plataporma rin. Excited na ang mga estudyante na makilala nang lubusan ang mga manok nila sa election.

May sabong na magaganap mamaya. Magtatagisan ng katalinuhan ang mga candidates. Manggagaling ang mga tanong sa estudyante. Si Principal Santos ang host ng debate mamaya.

Cool and collected si Leonardo Alejandro. Suot niya ang school uniform dahil ito ang attire sa debate. Inaayos niya ang cuff ng long sleeves polo. Handang-handa na siya. Wala siyang ibang pinangarap noong 7th grade kundi maging Corps Commander at Student Council President.

Hindi niya problema ang dalawang lalaking kalaban niya sa Presidential Debate. Sus! Singit lang ang mga 'yon! Parang tinga sa ngipin. Walang impact ang plataporma nila at sobrang cliché. Nilalangaw ang campaign booth nila. Mas nangangatog si Leonardo sa isang higante na nagpapanggap na kuneho.

Nahanap ng malikot niyang mata si Arietta sa backstage. Nagset-up ng tukador ang political party ni Arietta. May bumbilya sa edges ng salamin. Nagrerebelde si Arietta sa cosmetic na inilalagay sa mukha nito.

"Makapal na masyado!" ungol ni Arietta sa make-up artist na estudyante, "Lamay ba itong pupuntahan ko, ha?! Ibuburol niyo ba 'ko? Kapag nagmukha akong bangkay, ililibing ko kayo ng buhay."

"Shut up, Arietta," sabat ko, "Now, look up! Lalagyan ka namin ng eye liner."

"For cryin' out loud, Diamond," ungol ni Arietta, "I'm a woman of substance!"

"But this isn't Chemistry. Hindi natin kailangan ng substance ngayon."

Humagikgik si Leonardo sa munting eksena na 'yon. Ang mga babaeng todo make-up, wala nang igaganda dahil naka make-up na sila. E, si Arietta kaya? Ano kayang itsura nito kapag inayusan?

"And besides," dagdag ko, "Kung dominated ng lalaki ang school, might as well use your face as a weapon! Let's follow male logic! Iboboto nila ang candidate na tinuro ng kanilang male genitalia."

"EWWW!" daing ni Arietta.

Pumalatak si Leonardo at tinignan ako nang masama. Tinagis nito ang bagang. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Ano bang iniisip ni Diamond, nasa loob ng pantalon ang kukote namin? TSK!" bulong niya sa hangin. Asar na asar si Leonardo. Annoying isipin na pinagnanasaan ng ibang lalaki si Arietta.

Bumaba ang tingin ni Leonardo sa hita ni Arietta na pinapakita ng mini-skirt nito. May suot bang stockings si Arietta o talagang makinis ang balat nito? Makikita ng buong school ang kutis ni Arietta. Asar! Baka pagnasaan siya ng ibang lalaki.

Arietta GoldingWhere stories live. Discover now