Chapter Twelve

366 28 0
                                    

CHAPTER TWELVE

Journal Entry No. 260

I REMEMBER the day Leo found out. Pumunta kami sa bayan para bumili ng groceries. Madilim na sa campus nang makabalik kami. Naabutan namin ang Dart Pins na papunta sa abandoned music room. Hindi ko naririnig ang iniisip ni Leo. Pagod na kasi ang utak ko. Alam ko, dapat na niyang malaman kung sinu-sino ang mga vigilante. Inudyukan ko siyang sundan sina Arietta.

Nang bumalik siya sa kwarto namin, naabutan ko ang galit niya at nagdudugo niyang kamao. I knew he wouldn't take it so well at first.

"Matagal mo nang alam kung sino ang mga vigilante, Oscar. Ba't hindi mo sa akin sinabi na si Arietta Golding ang leader nila?! Matagal ko nang tinutugis ang Dart Pins!"

"I know the secrets of everyone. Alam ko ang tungkol sa Dart Pins. Ako ang nagbibigay ng tip sa kanila, Leo. I created the vigilante group."

Lumambot ang kunut sa noo ni Leo at hinagit nito ang hininga. Bumagsak ang balikat nito at nakinig. Umalsa ang galit at hinanakit sa dibdib ko. Kailangan kong ibuhos kay Leo.

"I am so tired of the evil roaming around the hallways. Rinig ko ang bawat motibo, bawat kasalanan na tumatakbo sa isip ng mga tao! Nasisipsip ko ang maitim na budhi nila. I know about their wicked hearts and evil plans. At wala akong magawa para pigilan sila. Kapag nabunyag kung sino ako, kukunin ako at gagamitin sa kasamaan. I need the four of them. I'm so tired of doing nothing to stop the evil around me! I can't let that happen, Leo!"

"But the school!" singhal ni Leo, "Sina Principal Santos, ang mga teachers, pwede ka nilang tulungan, Oscar! Hindi natin kailangan ng vigilante! Mga outlaw sila! You can't extinguish fire with another fire!"

"Tingin mo ba hindi ko naisip 'yan?! Ang mga adult na sinusunod mo, mga pundidong bumbilya sila! They grew up! Suddenly, the light inside them went out. All I can hear from them is viciousness. All they care about is their interests. Wala silang paki. It's as simple as that."

Wala nang sinabi si Leo. Naiintindihan niya ang pinagdadaanan ko. Nirerespeto niya ang desisyon ko noon na wag tumulong para tugisin ang vigilante group. He thought I was being neutral. Ang totoo, pinoprotektahan ko ang grupo na binuo ko.

Umalis siya ng kwarto namin at naghanap ng peace of mind na three weeks from now, hindi pa rin niya nakukuha.

Narinig ko ang iniisip niya sa lumipas na araw. His mind was chaotic like colors mixing, creating ugly hues. Galit siya dahil nagsinungaling si Arietta Golding sa kaniya. Galit siya dahil sa tinagal naming magkasama, naglihim ako. Naiipit si Leo. Bilang Corps Commander ng C.A.T. malaking problema ang nadiskubre niya tungkol sa Dart Pins.

Narinig ko. Iniimagine niya si Arietta sa loob ng dungeon at hahatawin ni Principal Santos ng wooden patpat. Ang sakit daw sa puso. Higit sa lahat, expulsion ang kakaharapin ni Arietta. Palalaysin ito sa school. The feeling was as close as the bell jar experience. Wala nang isip-isip si Leo. Tinikom niya ang sariling bibig.

At dahil sa pinili niyang desisyon, narinig ko ang struggle niya araw-araw na labanan ang konsensiya niya. Hindi siya nagiging tapat sa tungkulin bilang Cadet Officer. He suddenly felt unworthy of being a Corps Commander.

Bukas na ang Meeting de Avance at eleksiyon sa campus. Lumalalim na ang gabi, wala pa rin si Leo sa kwarto namin. Weird. Maaga siya laging bumabalik sa kwarto. Lalo na dapat ngayon. Busy siya bukas sa program at eleksyon.

Pumatak na ang ten PM. Bigla akong nag-alala. Lights out na at sarado ng ang Wi-Fi. Humihina na ang ingay mula sa utak ng ibang estudyante. Tulog na sila. Wala pa rin si Leo. Strict ang adherence niya sa lights out. Madalas siyang magalit kapag maingay pa ang ibang estudyante sa ganitong oras.

Arietta GoldingWhere stories live. Discover now