CHAPTER 42

395 14 2
                                    

RED...

Habang abala ako sa mga ginagawa kong trabaho sa opisina. hanggang ngayon hindi pa din mawala-wala sa isipan ko ang nangyari kanina. naiinis ako. iniisip ko, anong nakaraan kaya meron sina bebeng at gabe noon kaya ganun na lamang ang tuwa nila kanina ng magkita sila.

hindi kaya ex ni bebeng si gabe?

nah.. imposibleng maging ex ni bebeng ang lalaking yun e mismong siya pa nga ang nagsabi sakin noon na never pa talaga siyang nagka-boyfriend kahit kailan.

so, kung hindi ex ni bebeng si gabe.. hmmm isa lang ang sigurado.. dati niyang manliligaw ang bago kong empleyado.

sa aking huling naisip. marahas akong napa-buntong hininga at itinigil ko muna ang ginagawa kong trabaho.

damn! ano ba ang nangyayari sakin? mahal ko na nga yata talaga si bebeng dahil kung hindi ko siya mahal, hindi naman siguro ako mag-iisip ng mag-iisip ng tungkol sa kanila ni gabe at kanina e parang gusto ko ng tanggalin din agad sa kaniyang trabaho ang bago kong empleyado dahil sa inis ko sa kaniya.

oo naiinis ako.. naiinis ako sa GABE MAGTANGGOL na yun! naiinis ako sa kaniya yun ay dahil----

"Riley---"

narinig kong pagkatok at sambit ni audrey sa pangalan ko at hindi ko na nga naituloy pa kung ano ba yung iniisip ko, naitirik ko na nga lang din ang mga mata ko dahil sa totoo lang, bumibigat ang pakiramdam ko sa tuwing magkikita kami ng sekretarya ko.

"come in"

walang kagana-ganang sambit ko at agad namang pumasok si audrey.

"hi---"

tipid ang ngiting sambit ni audrey at kapagkuwan may ibinigay siya saking mga papel na kailangan kong pirmahan ng siya ay makalapit sa desk ko.

seryoso ang mukha kong kinuha yun sa kaniya. at habang pinipirmahan ko ang mga papeles na ibinigay nito. ramdam na ramdam ko ang mataman na pagtitig sakin ni audrey.

"alam mo--- may pakiramdam akong hindi maganda ngayon. feeling ko mukha yatang may gusto ang fiance mo doon sa bagong empleyado"

maya-maya ay narinig kong sabi ni audrey habang pinipirmahan ko pa din ang mga papeles na ibinigay nito.

"im so sorry to say this to you RED ha pero malakas ang kutob ko na mukha ding may nakaraan ang bebeng mo at ang Gabe magtanggol na yun noon. ano kaya sila dati? ex bestfriend? ex lovers or ex live in partner? what do you think?----"

"i think it is none of your business para isipin pa o ang pakiilamanan pa ang buhay ng ibang tao.. yun ang opinion ko sa mga sinasabi mo ngayon audrey. look, sinabi ko na sayo diba. kung gusto mong mag-usap tayo ng maayos. pagusapan natin ang tungkol lang sa trabaho. here tapos na ako sa mga kailangan kong pirmahan. umalis kana at bumalik kana sa trabaho mo dahil marami pa akong gagawin"

rude kong saad kay audrey sabay iniabot ko uli sa kaniya ang mga papeles na napirmahan ko na ngunit hindi nito yun kinuha.

"sabihin mo nga sakin red. ano ba talaga ang meron ang bebeng na yun at ganyan kana lang kabaliw sa kaniya? ano ba ang ginawa niya sayo at parang kahit na ano pa ang gawin ko o sabihin ko e nahihibang kapa din sa babaeng yun? what? mas magaling ba siya sakin? mas magaling ba siya sa kama at mas gusto mo ang image niya na kunyari pa-sweet at pa-inosente pero pagdating sa sex, mas wild pa pala siya sakin"

"damn it audrey! wala kang karapatan na magsalita ka ng ganyan kay bebeng dahil hindi mo siya kilala! hindi mo alam ang sinasabi mo! matinong babae si bebeng at hindi siya katulad ng iniisip mo----"

"hindi siya katulad ng iniisip ko? e ano yung nakita ko kanina? oh come on Red huwag ka ngang tanga! kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mag-ngitian at magtitigan ang fiance mo na sinasabi mo at ang gabe magtanggol na yun na bago mong empleyado.. sa tingin ko may malalim silang pinagsamahan noon.. at sa tingin ko din may nararamdaman ang bebeng mo sa gabe na yun-----"

Ang True Love Ni BebengWhere stories live. Discover now