CHAPTER 64

337 15 4
                                    

BEBENG...

"Gusto mo ako? s-seryoso ka? tama ba yung narinig ko sinabi mo saking gusto mo ako?"

kay lakas ng kabog ng dibdib ko na tanong ko kay Red ng sabihin nito saking gusto nga niya ako. gusto ko ang magwala ngayon sa tuwa dahil sa sinabi saking yun ni Red pero kailangan ko na munang pigilan ang matuwa ngayon hangga't hindi nito inaamin sakin 100 percent na pareho talaga kami ng nararamdaman sa isa't-isa.

mataman lang na nakatitig sakin si Red. medyo parang nagulat din siya sa biglaang pag-amin niya at mukhang bumubuwelo pa ata siya kung paano siya tuluyan talagang aamin sakin.

makalipas ang ilang segundo ng hindi pa din ito sumasagot. muli ay tinanong ko si Red.

"Red, so ano tama ba yung narinig ko? sinabi mo saking gusto mo ako?"

ulit ko at mariin namang nakagat ni Red ang kaniyang ibabang labi sabay huminga ito ng malalim bago siya umimik.

"oo gusto kita.. gusto kita kasi----"

"kasi ano?"

"kasi----- uhmmm---- kasi mabait ka, thoughtful ka at saka------"

"at saka ano?"

"at saka tinutulungan mo kasi ako kay lola... so yun, yun ang dahilan kung bakit kita gusto. at para sakin para na kitang nakakabatang kapatid.. i mean, diba nga mas matanda ako sayo ng ilang taon so ng dahil sa mas nakakatanda ako sayo. concern lang ako sayo kaya ako ganito sa mga lumalapit sayong lalaki. gusto kitang protektahan sa kanila at para sakin, para na kitang----- LITTLE SISTER"

 gusto kitang protektahan sa kanila at para sakin, para na kitang----- LITTLE SISTER"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

biglang gumuho ang pag-asang nasa puso ko dahil sa sinabing yun ni Red. seryoso? Little sister? ako? kaya siya ganun sakin kasi concern lang siya at gusto lang niya akong protektahan sa mga lalaking lumalapit sakin!

"Little Sister? ako? kaya ka nagkakaganyan kasi gusto mo lang akong protektahan sa mga lalaking lumalapit sakin?"

ulit ko at marahan namang tumango sakin si Red.

nakagat ko din ng mariin ang ibabang labi ko dahil sa sinabi sakin ni Red. at hindi ko matanggap na little sister lang pala ang tingin niya sakin.

gusto ko ang manapak, gusto ko siyang sipain at suntukin dahil paasahin ba naman niya ako! kala ko gusto talaga niya ako tapos yun pala gusto lang niya akong gawing Little Sister!

sa aking buwisit na nararamdaman imbes na magalit ako, tinawanan ko nalang ang sarili ko dahil kanina e todo asa ako sa sinabi ni Red na gusto din niya ako.

"grabe little sister! little sister talaga ang tingin mo sakin kaya ka nagkakaganyan kina jake at gabe?!"

parang luka-lukang tawa ng tawa na saad ko kay Red at mukhang na-we-weirduhan nalang ito dahil sa pagtawa ko.

"a-alam mo tama ka.. tama ka diyan! oo nga noh mas matanda ka sakin ng mga ilang taon so dapat pala ang itatawag ko din sayo KUYA.. tama! dapat pala ang itatawag ko sayo KUYA RED diba! alam mo kuya thank you.. maraming salamat sa concern mo at na-appreciate ko talaga yang concern mo sakin promise! salamat din kasi ng dahil sayo natupad yung pangarap ko na magkaroon ng sarili kong kuya. alam mo yun.. si kulas kasi hindi ko siya puwedeng tawaging kuya kasi halos magkasing edad lang naman kami. si arianne naman, for sure hindi papatawag sakin yun ng kuya kasi ang gusto niya ate.. kaya alam mo natutuwa ako. i am happy! so verry verry happy kasi ngayon may kuya na ako dahil sa katauhan mo. thank you so much kuya Red! salamat sa concern mo at gusto mo akong ituring na little sister!"

Ang True Love Ni BebengWhere stories live. Discover now