CHAPTER 63

328 16 3
                                    

RED...

"Uhmmm saraaaapppp! alam mo sinasabi ko na nga ba e masarap ka talagang magluto"

pamumuri at patuloy na pambobola ni jake ng matikman nito ang sinigang na baboy na niluto ni bebeng. nandito kaming apat ngayon sa kusina, kumakain ng hapunan.

"talaga, masarap? baka naman binobola mo lang ako niyan ha..."

sabi ni bebeng at todo naman ang iling ng mukhang bagets na manliligaw niya.

"siyempre hindi, bakit naman kita bobolahin e masarap talaga siya"

giit ni jake at napapangiti na parang kinikilig naman si bebeng dito.

"oh siya kung sinasabi mo na masarap nga itong niluto ko, kumain ka lang ng kumain okay. huwag kang mahihiya"

sabi ni bebeng sabay dinagdagan niya ng kanin at ulam ang pagkaing nasa plato ni jake.

napangiti si jake sa ginawang yun ni bebeng at ganadong-ganado ito ngayon sa pagkain.

"ay nakalimutan ko, siya nga pala. baka gusto mo ng patis na may sili jake? diba masarap yun sa sinigang na baboy na ulam. gusto mo ba ng patis ha? sandali at ikukuha kita"

nakakaalalang sambit ni bebeng at tumayo nga ito para ikuhanan sandali ng patis na may sili si jake.

mas lalong napapangiti si jake dahil sa ginagawang pagaasikaso sa kaniya ni bebeng. kaya naman dahil dun mas lalo nalang akong naiinis. tsk kakakilala lang ni bebeng sa mukhang bagets na manliligaw niya. kung asikasuhin niya ito ngayon para ba silang bagong kasal na mag-asawa.

seryoso? todo asikaso si bebeng ngayon kay jake samantalang ako parang wala na ngayon sa kaniya at kinalimutan na ata niyang nandito din ako kasama niya.

"heto jake oh. patis na may sili, masarap yan at match na match yan sa sinigang"

wika ni bebeng ng bumalik siya sa hapag kainan at dala na nga ang patis na may sili para sa jake niya.

"hhhmm the best! masarap talagang kumain ng sinigang na baboy kapag mayroong patis na may sili. alam mo bebeng masarap ka talagang magluto. kapag lagi siguro tayong magkasama at lagi mo akong ipagluluto, siguradong tataba ako dahil sayo.. alam mo hindi ko sinasabi ito kasi binobola kita ha, sinasabi ko ito kasi yun talaga ang totoo. nga pala one day kung gusto mo ikaw naman ang ipagluluto ko"

"ipagluluto mo ako? bakit? marunong ka bang magluto?"

hindi makapaniwalang tanong ni bebeng dahil sa sinabi ni jake.

"oo naman marunong akong magluto. at sa maniwala ka man o hindi, marunong din akong mamalantsa, maglaba ng mga damit at saka maglinis ng bahay.. kapag wala ngang pasok sa school dati nung bata ako at saka ngayon kapag wala akong trabaho or walang gig ang banda namin tinutulungan ko si mama sa mga gawing bahay"

pagmamalaki pa ni jake at mukhang namamanghang tatango-tango naman si bebeng sa nalaman.

"wow.... grabe ha, as in.. hindi ako makapaniwla na marunong ka din pala sa mga gawaing bahay. usually kasi sa pagkakaalam ko, kayong mga lalaki hindi kayo masiyadong interesado sa mga gawing bahay kasi ang isip niyo para samin lang na mga babae ang gawain na yun---"

"uy insan hindi naman lahat. kita mo nga ako oh lagi akong nasa bahay natin dahil sa mga gawaing bahay"

kontra ni kulas sa sinabi ni bebeng at pagsingit nito sa usapan ng dalawa.

"alam ko noh saka bakit, may sinabi ba akong kayong lahat na mga lalaki? wala naman diba... ang sabi ko lang usually kayong mga lalaki hindi intersado sa mga gawaing bahay. hindi ko naman sinabing ayaw niyo talaga"

Ang True Love Ni BebengWhere stories live. Discover now