"AKO ANG SUMAYANG"

299 13 4
                                    

Ng mga panahong aking kamay ang hawak mo,
Pag bitaw ang natatanging hangad ko.

Habang ikaw ang nasa tabi,
Ibang pangalan ang lumalabas sa aking mga labi.

Sa twing tinititigan mo ako,
Ang mga mata niya ang nakikita ko.

Bawat regalong inaabot mo,
Ay kinukumpara sa mga bagay na galing sa ibang tao.

Bawat ngiti na ipinakikita ko,
Ay gusto kong malaman mong hindi totoo.

Ang lahat ng oras, pagod at panahon na inilaan mo para sa akin, ay hindi naging sapat na dahilan para tuluyan kitang mahalin.

Ikaw na nag mahal saakin ng totoo,
ng walang bahid na ano mang panloloko,
ay itinulak ko palayo.

Ikaw na malinis ang intensiyon,
Ay hindi napukaw ang aking atraksyon.

Ikaw na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako,
Ay pa ulit ulit na nasaktan ko.

Ikaw na laging may baong panyo,
kada papatak ang luha sa mga matang ito...

Hindi ko nagawang pahalagahan,
Ang taong pag-ibig ay saakin inilaan.

Lumipas ang araw, buwan, at taon.
Hindi na kita muling nakita pa.
Hindi ako malungkot,
pero hindi rin ako masaya.

Gusto kong malaman kung kamusta ka na kaya,
Kung may bago ka bang dahilan ng pag tawa.

Gusto kitang yakapin,
sa huling pagkakataon,
pero hindi ko magawa.

Sapat na ang sugat na idinulot ko sa'yo,
para hindi na kita muling guluhin pa.

Minsan sa buhay ko,
pinag sisisihan kong pinakawalan kita.
Pero kahit anong pag sisisi,
ang lahat ay tapos na.

Sinukuan mo ako,
dahil binitawan kita.

Ang mahaba mong tula,
na noon ay pangalan ko ang naka tala,
ngayon ay letra na ng pangalan niya.

At ngayong nalaman kong masaya ka na sa iba.

Ang tanging gusto ko lang ay sana siya na talaga.

Dahil minsan na kitang nakitang umiyak ng sobra,
at ayokong ma ulit yun dahil baka bumalik ako para muling bawiin ka.

Wala akong karapatan, pero sa pagkakataong ito, ay kaya na kitang panindigan.

Pagkakamali ang araw na pinalaya kita.

Ako ang sumayang, pero ako ang nang hinayang.

Ngunit kahit masakit saaking makita kang may kasamang iba,
alam kong karapatan mong sumaya...

At hindi ako ang babaeng magiging dahilan ng muli mong pag tawa.

Kaya magiging masaya na lang ako, dahil masaya ka na.

Sa huling pagkakataon,
pinag sisisihan kong bumitaw ako,
kaya naka hanap ka ng iba.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Where stories live. Discover now