"Pag lisan"

120 7 4
                                    

Sa walong taon, 

sampung bwan, 

dalawang linggo, 

apat na araw, 

pitong oras, 

tatlompu't dalawang minuto 

at anim na segundo ng buhay ko.


na naging parte ka...


naging parte ka ng bagong panimula,

naging pahina ng aking mga akda,

minsang naging pang habang buhay,

minsang nagbigay kulay sa magulong buhay,

naging pundasyon ng aking lakas,

at naging dahilan ng ating pag wawakas.


Ikaw ang titulo ng aking akda, 

na kaya kong alayan ng panimula,

ngunit naubusan ng tinta para sa huling pahina.


ang ating kabanata ay naiwang blangko.


hindi ko magawang mag patuloy dahil huminto na ang pag daloy.


ang pangako mong Sabay nating haharapin ang panibagong kabanata, ikaw ang bawat gabi, at ako ang bawat umaga.

ay nag mistulang isang masayang salita, ng ating masakit na alaala.


nagsawa sa pag suyo, pag intindi, at pag aaruga.

sa'yo aking sinta, na parang ang lahat ay bali wala.


napagod ng lumuhod at mag makaawa,

upang ikaw ay mag balik na.


naubusan ng lakas sa pag luha,

hindi naging sapat ang aking tapat na pag sinta.


ngayon ako ay lilisan, at palalayain ka,

sa pag-ibig na hindi na natin maibabalik pa.


ang lahat ng liham, letratong aking iiwan,

maaari mong ingatan at balik balikan.


ang tuluyang pag talikod sa ating nakaraan,

ay hindi magiging madali, ngunit magiging sandata sa aking daraanan.


pangako aking ginoo, 

na mananatili kang pang habang buhay sa pusong minsang tumibok para sa'yo.

hindi naging dahilan ang perpektong ating nasimulan,

upang matiyak na tutungo tayo sa walang hanggan.


pangako kong hindi ang pag bagsak ng ulan ang magiging dahilan ng aking pag lisan, o ang mga tala sa bwan,


ako'y lilisan dahil ang katagang "Mahal kita at Mahal mo ako." ay ang mga salitang babaunin ko.


salitang pag sintang walang hanggan,

salitang napaka sarap pakinggan,

at ngayon ako'y lilisan...

sapagkat hindi natin ito napanindigan.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Where stories live. Discover now