"Para sa aking hinaharap"

148 4 0
                                    

kung ang pag lubog ng sikat ng araw,
ay ang pagkakataong ikaw ay aking matanaw.

walang ibang nais kundi ikaw,
maari ba kitang isayaw.

sa umaga man o sa gabi,
b

umagyo man o hindi.

maaraw man o malilim,
maliwanag man o madilim.

kung mayroon man akong matagal ng hinihintay,
gusto kong malaman mong ikaw ang nag bigay kulay.

sa mundong dati ay wala ng buhay.
nais kong hawakan ang iyong mga kamay.

sa lahat ng katanungang gumugulo sa isipan,
ikaw ang nag iisang kasagutan.

maaari nila akong iwan,
ngunit hindi ko kakayanin kung ikaw ang lilisan.

wala pa man sa aking dalangin,
ikaw ang magiging patuloy kong panalangin.

sa aking masakit na kahapon at nakaraan,
nais ko ng kalimutan at talikuran.

salamat dahil ikaw ang aking magiging kasalukuyan.

salamat dahil sa dinami rami ng tao, ikaw ang natagpuan.

sa'yo iikot ang mundong aking gagalawan,
sayo iaalay ang tala at ang buwan.

muling susubuking mag tiwala,
kahit walang kasiguraduhan.

walang ibang pang hahawakan,
kundi ang pag-ibig mong walang hanggan.

sabay nating talikuran ang mundong ito,
kumapit ka at ako ang magiging simbulo,
ng tatahakin nating daan hanggang sa marating ang dulo.

kung ikaw ang magiging pang habang buhay,
at walang hanggan.
sa'yo ibibigay ang pag-ibig ng walang pag aalinlangan.

kung ang pag inda sa lahat ng sakit,
ng kirot at ng pait,
ay ang pagmamahal mo ang magiging kapalit.

kakayanin ko para tuluyan kang makamit.
ikaw na laging laman ng aking panaginip.

sisimulan kong isulat ang pamagat ng ating storya.

hawakan mo ang kamay kong para sa'yo sinta,

at sabay nating lakbayin ang pang habang buhay nating dalawa.

Before We Surrender. (A Poetry Book)Where stories live. Discover now