Prologue

8.8K 218 31
                                    


[Mature Content is not just always about sex.]

SOMEONE slapped my face, so I suddenly woke up and immediately got back to my senses. I felt so invalid and weak. Ni hindi ko maigalaw ang aking katawan sa kadahilanan na nakatali ang mga kamay ko sa aking kinauupuan, pati na rin ang mga paa ko.

"Salamat naman at gising ka na, Señorito. Sayang, bubuhusan pa naman sana kita ng kumukulong tubig upang magising."

Tuluyang napamulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pup'wedeng magkamali. That was her voice.

Nagtama ang mga mata namin at dahil doon... napangisi siya. Hindi ko naiwasang pangilabutan sa paraan ng pagngisi niya sa akin. Para bang isang estranghero ang kaharap ko. Kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa kan'ya ang ngising ganoon. Tila ba hindi siya ang babaeng kilala ko.

I roamed my eyes around the place. Isa itong kwarto base narin sa malaking kama na nakita ko. This room looked so old—very antique. The cabinet, the window, and the other furniture were antique. Where was I? Mukhang nasa luma at abandonadong bahay ako. Bakit din ako nakatali rito? What the hell was really going on? Anong balak niyang gawin sa akin?

Muli akong napatingin sa kan'ya. She looked mad. My forehead creased. What's with her this time? Was this some kind of a prank?

Kinuha niya ang isang monoblock sa tabi at hinila ito sa harap ko. Umupo siya roon at ngayon ay magkaharap na kami.

"How's your sleep, Ali? Did you sleep well, my dear?" she asked me.

Nakangisi siya ngunit matalim ang mga tingin niyang ibinibigay sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito siya ngayon. She was acting really weird and strange right now. Hindi naman siya ganito—anong nangyayari?

May nagawa ba akong mali? Anong kasalanan ko?

Bumuntong hininga siya, sumandal sa kan'yang upuan at humalukipkip. Hindi natanggal ang matalim niyang tingin sa akin na kulang na lang ay magbato ng kutsilyo ang mga mata niya.

"You know what, Ali? Hindi ko naman gustong gawin ito, e. Pero kasi... kayong mga lalaki ang nag-uudyok sa akin para gawin ito. I'm not a bad person, you know that, right? Pero kayo rin ang dahilan kung bakit nagiging demonyo ako," muli na naman siyang ngumisi.

Wala akong kaalam-alam sa mga nagyayari. Ang tanging naaalala ko lamang ay pabalik na sana ako sa bar kung nasaan ang mga pinsan ko nang bigla na lamang may pumukpok sa ulo ko at dito na nga ako nagising.

Siya ba ang may gawa no'n? But why? Hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng tao ay siya pa ang nandito sa mukhang abandonadong bahay na ito. Na kung bakit sa lahat ng tao ay sa kan'ya ko pa mararamdaman ang sobrang-sobrang takot ngayon.

Bakit ako natatakot? Bakit ako kinakabahan? Bakit pakiramdam ko ay nalulungkot ako sa mga mangyayari? At bakit pakiramdam ko ay... malapit na ang katapusan ko? Bakit pakiramdam ko ay magagawa niya akong saktan?

Bakit siya pa?

"What is this? What are you doing?" tanong ko dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit tila kinidnap niya ako nang ganito.

May dinukot siya mula sa kan'yang likuran na ikinalaki ng aking mga mata. Isang kutsilyo.

"It's payback time, honey."

Nagngiting demonyo siya na ngayon ko lamang nakita sa kan'ya bago niya saksakin ang kanang hita ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hello! I hope you'll support this second story of mine ;) Gagandahan ko ito, promise! Lovelots! :*

-Miss Anne

Femme FataleWhere stories live. Discover now