Chapter 27

2.7K 62 24
                                    


“I want to hurt them as much as they hurt me.”

Warning: SPG

Gabe’s POV

AGARAN ang naging pagbangon ko nang makaramdam na naman ako ng pagkaduwal. Dali-dali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto ko. Nagtatakbo ako papuntang banyo habang nakatakip sa aking bibig. Ganoon na lang ang gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ng banyo ay nadoon pala si Ali at naliligo. Gusto ko sanang umatras at sa lababo sa kusina na lang dumuwal kaso ay hindi ko na kayang pigilan pa. Agad akong lumuhod sa harapan ng toilet at sumuka nang sumuka.

Naiiyak ako habang dumuduwal. Pakiramdam ko ay masasama na pati bituka ko. Narinig ko ang pagsara ng shower. Finlush ko ang toilet at kumuha sa nakarolyong tissue doon. Nakita ko ang mga paa ni Ali sa gilid ko habang pinupunasan ko ang aking bibig.

“What’s wrong? May sakit ka?”

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatapis na ng tuwalya ang pang-ibaba niya. Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Dahan-dahan akong tumayo at nagulat ako nang umalalay siya. Tumikhim ako.

“M-Masakit ang tiyan ko.” Pagsisinungaling ko.

Hindi na ako makatingin sa kanya lalo na’t nanunuri na ang kanyang titig. Nang mapatingin ulit ako sa kanya ay dumapo ang mga mata ko sa kanyang labi. Lumunok ako. I miss his lips. It’s been a while since we last kissed that his lips look so foreign now.  Napalunok muli ako bago nag-angat ng tingin sa mga mata niya. His eyes look so amused now like he finds me so funny. Lalo kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko. Bago pa ako ma-distract ng tuluyan ay nagsimula na akong humakbang.

“M-Maghahanda na ako ng p-pagkain.”

Hindi ako nilubayan ng mapaglaro niyang mga mata hanggang sa tuluyan akong makalabas. Pinakawalan ko ang naipong hangin sa baga ko nang makalabas ng banyo. Nagdire-diretso ako sa kusina at nagpakulo sa thermos. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ni Ali. Napapikit ako at napabuntong hininga. Hanggang kailan ba ako makakaramdam nito? Buong siyam na buwan ba? Patagal nang patagal ay nahihirapan akong magpigil!

Habang hinihintay kumulo ang tubig ay pumasok ako ng banyo at naghilamos muna doon. Nagsipilyo rin ako at nagsuklay ng buhok. Pagkalabas ko ay nandoon na si Ali sa kusina, naglalabas ng pagkain mula sa ref. Dahan-dahan akong lumapit at agad niya naman akong naramdaman kaya nilingon niya ako.

“Ako na ang magluluto. You have a ten AM class, right? Mabilis lang ‘to.”

Umawang ang bibig ko. Until now… he still memorize my class schedule? Nag-init ang sulok ng mga mata ko pero paulit-ulit akong kumurap upang mapigilan ang tuluyang pagtutubig ng mga mata. Masyado akong nagiging emosyonal dahil sa pagbubuntis ko. Hindi iyon maganda.

Lumapit pa ako hanggang sa nasa tabi ko na ang mesa. Ang malapad niyang likod ay nakaharap sa akin habang naghihiwa ng kung ano.

“Siya nga pala, Ali. Baka bukas… pauwiin na kita sa inyo.” Hindi ko naiwasan ang tabang sa aking boses.

Nakita ko ang pagtigil niya sa ginagawa. Nilingon niya ako at tinitigan na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ko. Maya-maya ay tumango siya at muling ipinagpatuloy ang paghihiwa. Ngumuso ako. Kung pwede lang na hindi ko na siya ibalik sa kanila. Kung pwede lang na magsama na lang kami. Bigo akong bumuntong hininga at nilapitan ang lagayan ng pinggan. Kumuha ako doon ng dalawang plato at habang kumukuha ng mga kutsara ay naramdaman ko ang dibdib ni Ali sa likod ko.

Nakita ko sa gilid ko ang pagsuksok ng matikas niyang braso sa lagayan ng pinggan upang kumuha rin ng isang plato. Nahigit ko ang aking hininga sa init ng presensya niya sa likod ko. Saka lang bumalik ang normal kong paghinga nang makalayo siya. Kinuha ko na ang dalawang pares ng kutsara’t tinidor at mabilis na naglakad sa lamesa. Inilapag ko doon ang mga kasangkapan bago ko siya muling nilingon. Mukhang naramdaman niya na naman ang titig ko kung kaya’t lumingon rin siya sa akin pero agad na binawi.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon