Chapter 20

1.8K 47 10
                                    


"If they play dirty, then I play dirty."

Gabe's POV

NAPAHALUKIPKIP ako habang kunot-noong binabasa ang isang pangungusap na nakasulat sa pader gamit ang pulang lipstick. In capital letters were the words: "KUNG AYAW MONG MARAMI PA ANG MADAMAY AY TUMIGIL KA NA!"

Napabuntong hininga ako at napairap sa kawalan. Kanina, pagkaalis na pagkaalis no'ng taong pumasok dito ay agad kong tinawagan si Carlson at Daddy. Agad-agad pumunta si Carlson at si Daddy ay nagmadali ring umuwi. Doon pa lang ako naglakas-loob na tingnan kung ano ang mayroon sa guestroom na pinasukan no'ng taong iyon kanina.

"Pangalawang beses na itong may pumasok dito sa bahay, Carlson. Pareho lang ang kasuotan-nakaitim at nakatakip ang mukha," sabi ko habang nakatingin pa rin sa pader.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Carlson. Tulad ko ay halatang naguguluhan din siya sa nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung para kanino ang mga salitang ito na iniwan niya sa pader ng guest room. Para sa akin ba? Saan niya ako pinapatigil? At ano ba talaga ang kailangan niya sa akin?

"Malamang ay iyon ang kidnapper ni Ali. Ano kaya ang ibig niyang sabihin dito?" tanong ko pa.

Nilingon ako ni Daddy.

"Baka dahil sa pagsama-sama mo sa imbestigasyon nina Carlson?"

Sa sinabing iyon ni Daddy ay napaisip ako. Ngunit hindi pa lumalalim ang pag-iisip ko ay nagsalita na naman siya.

"Hindi ba't madalas kang sumama sa imbestigasyon upang mahanap si Ali, anak? Sigurado akong alam niyang kumikilos ka rin upang mahuli siya kung kaya't ngayon ay binalaan ka niya at tinakot."

"Iyon na ang pinakaposibleng dahilan ng taong iyon, Gabe. Tinakot ka niya upang siguro ay matigil ka sa pangingialam. Mukhang ayaw talaga niyang may humahadlang sa mga aksyong ginagawa niya," si Carlson habang mariin ang titig sa akin.

"Carlson, how can I not meddle with the investigation? Si Ali ang pinag-uusapan dito!" Napasapo ako sa ulo ko dahil sa stress.

"Mukhang ayaw niya talagang ibalik si Ali nang ganoon ganoon na lang. She sees us as threats. Natatakot siya sa mga kaya nating gawin na pup'wedeng makatukoy sa kan'ya kung kaya't pinapasok niya ang mga bahay natin at tinatakot tayo."

Napabaling ako sa kan'ya. Ganoon din si Daddy na mukhang nagulat pa nga.

"Why, Chief? That person also entered your house?" tanong ng Daddy.

Hindi agad sumagot si Carlson at mukhang nag-isip pa. Pero nang matanto siguro na ganoon ang ipinaparating ng kan'yang sinabi sa amin ay napakamot ito ng kilay.

"Yes, Mr. Norschmith. Pinasok din ang bahay ko at tinakot ako na tumigil na sa imbestigasyon." Nagbaba siya ng tingin at nang mag-angat muli ay tumama sa akin ang mga mata niya.

Napailing-iling ako dahil sa frustration. Muli kong nilingon ang pader at tinitigan ang mga salitang naroon. Kumunot ang noo ko. Kung titingnang mabuti ay isang klase ng Matte lipstick ang ginamit na pangsulat dito.

Lumapit pa ako at bahagyang itinapat ang ilong ko roon upang maamoy ang lipstick at doon ko naamoy ang isang pamilyar na mamahaling brand ng lipstick. I just don't remember where I smelled it or who among the people around me were using that kind of Matte lipstick.

"This lipstick smells familiar." Nasambit ko.

"Ano sa tingin mo ang tatak niyan?" tanong ni Carlson bago kinuha ang isang maliit na notepad at ballpen sa kan'yang bulsa.

"Hmm, I'm not sure, but maybe MAC or Nars. It's just either of the two."

Agad isinulat ni Carlson ang sinabi ko sa kan'yang notepad. Bumaba na kami at inutusan na lamang ang mga kasambahay na linisin ang guestroom. Dito ko na pinakain ng tanghalian si Carlson at habang kumakain kami ay may sinabi siyang balita.

Femme FataleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon