8th. Summer: I'm new here talking to an old friend

8.1K 168 6
                                    

8th~

Summer: I'm new here talking to an old friend





Dali-dali akong pumasok sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung excited ako o natatakot ako. Linsyak din naman kasi tong schedule sa skul na to! To Be Announced lang yung nakalagay sa mga instructor kaya hindi ko alam kung sino ang magiging professor ko. Kung si Lex ba o hindi.

"And aga natin ah?" Nakangiti si Dave habang papalapit sa akin.
"Uh, excited lang." Sabi ko. I tried to smile.
"Excited? For school?"

Tumango ako.

"You've really changed a lot, Summer." There's a weird look in his face.

Nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin.

Parang wala lang sa kanila si Dave na artista ah. Siguro dahil araw-araw din naman nila siyang nakikita dito.

"Anyway, dun ako uupo." Sabay turo sa upuan malapit kay Lindsay - yung ka loveteam niya. "Dun ka na rin sa tabi ko!"
"Uhm, wa'g na. I'm okay here." Ngiti ulit.
"You sure?"

Malayo ako sa whiteboard, nasa pinaka huling upuan ako. Samantalang nasa harap naman ang upuang tinuturo ni Dave.

"I'm really okay here."
"Okay." He grinned.

Dumami na ang mga kaklase ko. Halos di ako mapakali sa kabang nararamdaman ko.

"Pssst, hi!"

Ang tagal naman ng professor namin.

"Miss, hi!"

Napatingin ako sa group of chinito boys sa right side ko. Nakangiti silang apat habang kumakaway sakin. Mga loko 'tong mga to ah? Pinagtri-tripan yata ako?

"Hello!" I smiled my sweetest smile.

Halatang mga anak mayaman. Mga intsik siguro. Inayos ko ang buhok ko sabay pangalumbaba sa desk ng upuan.

"Sige kayo... pagtripan niyo pa ako. Akala niyo ha..." Bulong ko sa sarili ko.

Ngiting-ngiti parin ang apat kahit napapalibutan na sila ng magagandang babae.

Hindi ko na lang pinansin. F4? Sus. Not my type.

"Good afternoon class!"

Biglang pumasok ang professor namin.

Napatayo ako para lang makitang hindi si Lex ang professor ng klaseng ito! I sighed, sat down again.

Dissapointing. :(

Alfonso Sebastian.

Matanda na yung professor namin, mga 40+ na siguro ang edad. Paano magiging si Lex yan?

The next class... hindi parin.
Another class... hindi parin.

"Wow this day is so disappointing!" Sabi ko kay Gette sa cellphone.
"You still have one last subject right? At may subjects kapa bukas. Maaring si Lex ang prof mo dun diba?"
"Oo nga. Sana nga! Naiisip ko kasi baka nakealam yung Kyla na yun tapos pinigilan niya si Lex na ihandle ang classes ko."

Nasa loob ako ng classroom habang nakikipag usap kay Gette sa cellphone.

As usuall, nasa pinakahuling upuan ulit ako. Andun si Dave sa malayo, pasulyap-sulyap sa akin. Nandun naman yung F4 malapit kina Dave pero kada isang minuto isa sa kanila eh tumitingin sa akin. Nginingitian ko na lang. Goodluck!

"Excuse me, miss." May isang mestisong lumapit sa akin.
"Yes?" Sabay tingin ko sa kanya.
"May nakaupo ba dito?" Tanong niya.

Mejo nabigla ako dun ah. Nakakapag tagalog pala.

"Uhm, wala." Ngumiti ako.
"May I?"
"Sure."

Ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

"Who's that?" Tanong ni Gette nang ilinagay ko ulit ang phone ko sa tenga ko.
"Idunno. so... I-"

"So..." He cleared his throat. "Are you new here?"

"...wait."

Napairap ako sa kawalan at tumingin sa mestisong nakaupo sa tabi ko.

"Yeah. I'm new here talking to an old friend over the phone. Kita mo?" Sabay pakit ko sa cellphone ko.

Nakakainis eh! Kita niya ngang may kausap yung tao sa telepono. Istorbo.

"I really think being a new student makes you popular!"

Napatingin ako sa harapan para tingnan ang nagsasalita. Nabigla ako ng nakita ko agad ang mata niyang nakatingin din sa akin.

"Omigosh. Gette, talk to you later." Binaba ko agad ang cellphone ko.

It was LEX!

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon