15th. Summer: you broke my heart

8.4K 183 5
                                    

15th~

Summer: you broke my heart





Hinabol niya akong hanggang labas ng hotel. Nagtago ako. Napasandal ako sa wall na tinataguan ko at di ko na mapigilang umiyak. I knew it!



Simula palang alam ko nang maaaring mangyayari 'to sa kanila at sa akin. I never thought it would hurt this way.



"May nakita ba kayong babae, uhh, she's this tall and wearing shorts, pretty..."


Mukhang tinanong niya sa guard.



"Doon yata siya tumakbo, sir."



Tumakbo pa ako palabas na talaga ng hotel.



"Summer!"



Pagkalabas ko sa hotel, tumakbo ako noong papatawid sa kalsada.



*PIIIIIIIIIIIIP!*



Muntik pa akong masagasaan! Pero nang nakarating na ako sa kabilang lane, naisipan kong sana nasagasaan na lang ako.



Lex was there. Shouting my name but too blurry to be seen. Lumandas ang luha sa mga mata ko habang pumapara ng taxi at pumasok.

Di siya nakatawid papunta sakin.


I knew it would happen but I didn't see it coming this early. Akala ko magtitiis muna siya at mawawalan ng pag-asang mabalik ulit ang alaala niya saka niya 'to gagawin. I don't think this is the first time they'll do that. They have done it before, they may again. Pero sana naman, di sa mukha ko. Hindi naman sa big deal sakin ang ganung bagay.

Ang big deal sakin ay ang pag asa kong hihintayin niyang makaalala bago niya gagawin ulit yun.



Lex is successful and old enough to walk in the aisle. Kyla, too. I'm too young and unsuccessful. Too immature. God, I'm hopeless!

Bakit pa ako umasa? Alam ko namang wala akong pag-asa!

Kung di ako dumating, ginawa na nila yun! OH GOD! WHY?




Tatlong araw akong di pumasok. Di ko sinabi kina mama kung bakit kasi mag-aalala lang yun. Alam ko, di na ako bata para magwala na naman.



Gusto kong palipasin muna ang lahat. Di ko kayang pumunta dun at magkunwaring wala lang!



"Summer." Sabi ni Aliyah. "Let's dance!"

Nasa Core kami gabi gabi sa tatlong araw na yun.

Nakapangalumbaba lang ako habang tinitignan ang pang hindi mabilang na tequila ko.

"Di na, I'll just stay here."



Namumugto ang mga mata ko, alam ko yun. Dahil mabigat at mahapdi ang pakiramdam ko nito.



"Look who's here!" May biglang tumabi sakin pagkaalis ni Aliyah.

Yung mestizo sa klase ko!



"I'm not in the mood." Sabi ko.



Pero pagkatapos nun, di ko na maalala kung bakit nagtatawanan na kaming dalawa dun sa table habang lagok nang lagok!

"Let's dance!"


"Oo bah!!!"



I guess it was something inside me. I want to get away, to break free from all the heartaches that Lex gave me. Ganun pa man, di parin mawala sa isip ko. Habang sumasayaw kami, napapapikit ako.



"WOOOH!"



As if I'm having fun when all I can ever think was him. I've decided. I should stop. Whatever happen, happens! I'll do my best now! Go to school, try to be successful. But before that, I need this.



You need to lose yourself in order to find it.

May mabilis na humawak at humila sa braso ko paalis sa dancefloor sa gitna ng maraming tao.



"Ano ba!" Nasabi ko.



Akala ko naman isa sa mga bouncer or waiter. Ang lakas kasi ng pagkakahila. Sapilitan.


"Lex, ikaw pala!"



Ngumisi pa ako, di ko alam kung bakit. Bunga na rin siguro ng impluwensya ng alak. Matagal na akong umiinom kaya kaya kong magpakatino kahit maraming nainom.

Napawi ang ngisi ko nang sinigawan niya ako sa parking lot, labas ng Core.



"WHAT WERE YOU THINKING!!?"



Halos mabingi ako kaya umayos na lang ako.



"Nag-absent ka para lang mag bar hop? Uminom? Maglasing?"



Tinignan ko ang seryoso at naghuhuramentado niyang mukha.



"Stop acting like you didn't know the reason, Lex!"


"Stop being immature!"



At ngayon, parang nawala ang effect ng alak sakin! Bumalik sakin ang lahat!



"Immature? Don't get me wrong Lex! Hindi ako nag ha-hyperventilate dito coz of you..." tinuro ko ang dibdib niya, sa inis ko! "making godamn love with her! It's not of a big deal for me! My point is... pinaasa mo ako! Akala ko hihintayin mong makaalala ka!"



Lumandas ang luha ko sa pisngi.


"And then now? Hindi pa nga nag wa-one week!? Sana di mo na lang pala nicancel ang engagement niyo!"


"Listen, Summer! We did not do it, okay?!" Sabi niya.



Akala mo kontento ako dun? GRRR!



"You didn't do it coz I was there!!! Kung wala ako, edi nagawa niyo! Same story! Don't chase me anymore, Lex! I wanted you to remember, true. Pero now? Hell it's okay without your memories!"



Tahimik lang siya nakatingin sakin. Walang magawa kasi walang maalala tungkol sa babaeng nagwawala sa harapan niya.



"Forget it, Lex! You don't have to remember!"


"I'm sorry I broke your heart! Pero di mo alam kung ano talaga ang tunay na nangyari..."


"I don't care about anything anymore! Just... just forget it... okay! Oh right, di na kailangan kalimutan kasi wala ka naman palang naaalala. You broke my heart and the new you can't fix it."



REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon