The Aftermath.

15.6K 388 62
                                    

The Aftermath

Tumakbo si Lex habang nakapaa sa buhangin ng isang Private Island sa Cambodia. Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Ang

lahat ng nangyari ay parang panaginip na lang. Hindi ako makapaniwalang kami talaga sa huli.

"Come... come here." Laki ng tawa ni Lex habang inaabangan ang maliliit na hakbang ng anak namin.

Ako, picture nang picture sa kanilang dalawa. Ang dalawang lalaki sa buhay ko.

Tumawa siya ng malakas nang nahagkan na ang anak at hinawakan ito pataas tulad ng lagi niyang ganigawa.

"Superaaan!" Sabi niya.

Ako naman, hindi maalis sa mukha ang ngiti habang click nang click sa camera.

Inilapit niya ito sakin.

"I lub tu momy" Sabi ni Ciel.

"Aww. I love you too." Sabi ko at hinagkan siya.

Si Lex ang nagtuturo sa kanya ng mga ganun. Kahit di pa naman nakakapagsalita ng maayos si Ciel, tinuturuan parin nia.

Hinalikan ko si Ciel. Halos sabay nito ang paghalik ni Lex sakin.

"Pero wala ng makakatalo sa love ko sayo." Halik niya ulit with matching hug saming dalawa ni Ciel.

Ngumiti na lang ako. Di parin niya tinatanggal ang pagyapos niya samin.

"Hmmmp! Tumigil ka nga..." Sabi ko habang nararamdaman ang pag init ng pisngi ko.

"Wa'g ka na ngang mahiya kung kinikilig ka." Tumawa siya.

"Tse! Feeling." Pinandilatan ko siya ng nakangiti.

Hinalikan niya ako sa noo. Tatlong beses.

"Daddy." Ciel tried to stretch his arms to his Dad.

"Lika dito..." Kinuha naman 'to ni Lex. "I'm gonna miss you big boy." Hinalikan niya ito sa pisngi.

Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad papuntang hotel.

"Bakit? Miss?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit? Iiwan ba namin si Ciel?

Naaninaw ko ang yaya ni Ciel, mama ni Lex at papa niya sa harap ng hotel. Nagpapahinga sila pero mukhang hinintay kami.

"Come here..." Sabi ng mama ni Lex kay Ciel.

REMEMBERING SUMMER by JONAXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon