Chapter 3

4 0 0
                                    

Natapos na din kami sa pagkain. Napansin ko abala si cean at rose kumuha ng mga gata ng gulay.

"Anong gagawin niyo jan?" Tanong ko.

"Magpipinta po kami" sabi ng dalawa.

Anooooo? Magpipinta silaaa? Oh nooo! Kailangan ko na talagang umalis.

"Ahh ganon ba" sabi ko nalang. Dahan dahan naman akong lumakad palabas baka kasi aayain nila akong magpinta.

"Ate gusto mo sumali?" Sabi ni rose.

P-A-T-AY! as in DEAD.

"Ahh di na mamamasyal muna ako sige pakasaya kayo jan" at don tumakbo na ka agad ako.

Buti nalang nakaiwas ka agad ako.

-

Tumayo na ako at lumakad para bumili ng prutas, buti nalang binigyan ako ni aling rosa ng ilang pera para naman makabili ako ng pagkain.

Habang naglalakad may napansin akong note ata? Basta papel na nakapaskil sa ding ding ng bawat bahay. Ang nakasulat ay:

Sino ang gustong maging kapartner ng prinsipe sa darating na Araw ng Sining? Kung sino ang intresado pumunta lang kayo sa palasyo.

Charot naman neto! Siguradong marami ang pupunta ngayon sa palasyo para maging kapartner lang ang prinsipe.

Hay nako naman ang haba siguro ng pila ngayon sa palasyo, bakit ba kasi sila nagpapakapagod para lang makapartner yan, sabagay nga naman prinsipe nga naman kaya atat silang maging kabiyak ng prinsipe. Eh kung ang prinsipe ay walang mudo?

Madami na kasi akong napanood na mga ganyan, yung prinsipeng feeling gwapo pero gwapo namn talaga sila pero yung mahangin na ganon, ah basta mga bwesit sila. Sorry ha!

-

Nandito ako ngayon sa daanan papuntang palasyo kung saan ko nakita ang kwentas.

"Paano ko kaya to maisasa-uli? Kung hinahanap nila to edi sana ipinaskil na nila na may nawawala silang kwentas. Ahh basta maisasa-uli rin kita sa amo mo pangako yan" sabi ko sa sarili habang hawak hawak ko ang kwentas.

At FYI, di ako pumunta rito para pumila kasama nong mga babae na kitang kita ko ngayon na nagsisiksikan sa palasyo para lang makapartner ng P na yan.

Pabalik na sana ako sa bayan ng biglang may narinig na naman akong tunog...

"Alam kona to ah, parang narinig ko na to" lumingon ako at tama nga ako, papalapit na naman yung lalaki na nakasakay sa kabayo. Di ako umatras, ni hindi nga ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Tabiii" sabi nong lalaki.

Bahala ka nga, hinding hindi ako aalis sa kinatatayuan ko, gusto kung tumigil ka para naman mapatay kita. Ayan na siya papalapit naaaa!

"Tigiiiiil" bigla siyang tumigil. Oh diba? Tama ako, titigil din siya.

"Hooy baliw! Magpapakamatay ka ba?" Sabi nung lalaki.

"Eh kung sabihin ko sayong Oo" sigaw ko pabalik.

"Edi wag dito, dun ka sa dagat. Magpakalunod ka run. Baliw"

"Ikaw kaya tong baliw, di man lang marunong humingi ng patawad"

"Edi patawad! Oh masaya kana? Tas bakit andito ka pa? Alam ko naman na pipila ka kasama nong mga babae sa palasyo ah".

"Nakuu, bwesit ha! Anong akala mo sa akin katulad nila? Chee! Di ko naman pinangarap maging kapartner nang prinsipe na yun kasi alam kung katulad mo siyang walang mudo" di ko na napigilan kumuha ako ng maliit na bato tsaka binato sa kaniya. Tanga di man lang umilag, parang nakakita ata ng multo eh. Bigla kasi siyang natulala.

Are You Real?Where stories live. Discover now