CHAPTER 11

415 18 0
                                    



Chapter 11

Lahat ng estudyante sa Dalton Academy ay nakatanggap ng video clip mula sa hindi kilalang tao. Lahat ay nagsimula nang matakot sa nangyayari.

"Nakatanggap din ako ng video clip mula kay Killer's Game."

"Sino ba siya? Bakit ganoon ang pagababanta niya?"

"Natatakot na talaga akong pumasok dito. Parang gusto ko nang magtransfer sa ibang sachool."

"Pero baka naman prank lang ito ng isang estudyante na gusto lang magpapansin. You know, famewhore moves."

Ito ang mga bulung-bulongan ng mga estudyante habang naglalakad sila sa pasilyo ng eskwelahan. Parang virus na kumalat ang video kaya ito naging usap-usapan. At ito ang nilalaman ng video clip na natanggap nila...

"Kamusta mga estudyante ng Dalton Academy? Ako nga pala si Miss X. Ang magpapatakbo sa buhay ninyong mga bata sa loob ng campus."wika ng isang babae na nasa video na nakasuot ng school uniform ngunit nakatakip ang mukha ng puting maskara na tanging bibig lang ang nakikita. Mahaba ang buhok niya at may katamtamang tangkad.

"Lahat ng mga estudyante ay bibigyan ko ng challenge araw-araw. Pero kapag hindi nagawa sa loob ng isang araw ang challenge ay mamamatay. Huwag n'yong tangkaing mandaya. Dahil sa oras na malaman kong dinadaya ninyo ang ipinapagawa ko. Hindi lang kamatayan ang parusa ko sa inyo."isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa mukha ng misteryosong babae.

"This is not normal, sino ang babaeng ito?"turan ni Keeno matapos nilang panoorin ang video mula sa telepono ni Katherine.

Magkakasama ang apat sa loob ng isang abandunadong classroom na naging hide-out na nila. Naroroon si Chris, Keeno, Vlad at Katherine.

"Seryoso ba kayo? Naniniwala kayo sa ganyang hoax? Malay ba natin na nagpapapansin lang 'yang babaeng 'yan para sumikat?"pagdududa ni Vlad na aminadong nakatanggap din ng Video pero hindi nasindak sa napanood.

"Pare, kung hindi siya seryoso. Bakit niya ginawa ito? I mean hindi ganoon kadaling magsend ng video isa-isa sa mga facebook accounts ng mga estudyante dito? Kung ako ang tatanungin mo. Pwedeng mangyari talaga ang sinasabi niya."paliwanag ni Chris.

"I can't believe it. Nadadala ka sa mga ganyang klaseng pakulo?"tugon ni Vlad na tinatawanan lamang ang nangyayari.

"Shut up! Tingnan na lang natin ang gagawin niya sa mga susunod na araw kung talagang gagawin niya nga ito."pag-awat naman ni Katherine. "I hope nothing will happen at sana nga hoax lang ito."dugtong niya.

Natahimik ang apat sa loob ng silid. Tila may kabang nangibabaw sa kanilang nararamdaman. Ngunit may kalituhan dahil hindi alam kung totoo nga ba o isang malaking kalokohan ang kanilang nakikita.

Lumipas ang ilang araw na walang kahit anong nangyayari sa mga estudyante kaya naging haka-haka na baka isang panloloko lang ang video clip na natanggap nila. Sabado nang umaga, ang lahat ay pinayagan nang makauwi kaya masayang-masaya ang mga estudyante dahil karamihan sa kanila ay sinundo ng kani-kanilang mga magulang ang ilan naman ay may kani-kanilang sasakyan kaya hindi nahirapan sa kanilang pag-uwi. Kasalukuyang naghihintay si Katherine ng taxi dahil nagtext ang kaniyang ama na hindi siya masusundo dahil nasa business trip ito. Habang ang kanya namang ina ay nasa isang board meeting. Panay ang tingin ni Katherine sa kanyang relos habang palingon-lingon sa harap ng tarangkahan ng Dalton Academy. Walang kahit na anong sasakyan ang dumadaan. Alas kuwatro na ng hapon pero hindi pa rin siya nakakasakay nang biglang may tumigil sa harap niya na isang magarang kotse. Kulay itim ang kulay nito at tinted ang salamin kaya hindi niya nakita agad kung sino ang nasa loob. Nagtataka si Katherine dahil wala naman siyang inaasahan na susundo sa kanya. Ilang sandali lang ay nagbukas ang salamin ng sasakyan mula sa shutgun seat at bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng nagmamaneho.

ACADEMY OF DEATHWhere stories live. Discover now