CHAPTER 13

411 15 0
                                    



Chapter 13

"Rommel Landicho, napakarami na niyang records at iba't ibang disciplinary actions na rin ang ginawa sa kanya. His classmates said that he was a bully. Lahat ng oras pinagtitripan niya ang mga kaklase niyang mahihina ang personalities..."paliwanag ni Vlad habang inilalahad lahat ng nalalaman niya sa binatilyong unang naging biktima ni Miss X. Seryosong tiningnan ni Keeno, Chris at Katherine ang mga nakalap na impormasyon ni Vlad. Matapos ang klase nila pumunta kaagad sila sa kanilang hide out.

"Paano mo nakuha lahat ng 'to nang ganoong kabilis?"nagtatakang tanong ni Katherine.

"I have all the connections."pagmamayabang naman ni Vlad habang nakasandal lang sa pader at nakapamulsa.

"Sa nangyari sa kanya maaaring isipin ng iba na may taong may kagagawan sa pagkamatay niya..."teorya naman ni Keeno habang hawak ang isang papel kung saan nakarecord ang mga masasamang gawain ng binatang namatay.

"Maaari nga. Pero hindi lang siya ang dapat nating balaan. Marami pang mga estudyante dito ang mabibiktima niya. Naalala n'yo ba 'yung estudyante na namatay kamakailan lang? Hindi ba may nakasulat sa salamin na dugo ang ginamit? Sa tingin ko may kinalaman 'yun..."dagdag naman ni Chris.

"Bullies are not allowed..."napaisip sandali si Katherine nang maalala kung ano ang ibig sabihin ni Chris.

"Wait! Does it mean na mga bullies lang ang binibiktima niya?"tanong naman ni Vlad.

"Oo, maari nga. Maari rin na may koneksyon si Julie at si Miss X."tugon naman ni Keeno.

"Pero paano sila nagkaroon ng koneksyon? Maaari kayang may iba pang nakakakita kay Julie bukod sa atin?"nagtatakang tanong ni Katherine.

"Siguro..."tugon ni Keeno.

"Pero sino?"muling tanong ni Katherine.

"That's what we are need to find out."wika ni Chris na naging seryoso ang tingin kay Katherine.

Tila magiging sunud-sunuran ang mga estudyante ng Dalton Academy. Naging mundo nila ang takot sa loob ng akademya. Walang magawa kundi ang sumunod at maghintay ng mga nakakasindak na pangyayari. Ayaw man nila ng nasasaksihan sa loob ng paaralan ay wala silang magagawa dahil hawak ni Miss X ang mga buhay nila.

Ang lahat ay abala sa kung ano man ang ginagawa sa loob ng campus. Ang iba ay nakatambay at ang iba naman ay ginagawa ang mga nakasanayan nila kapag walang klase hanggang sa sabay-sabay na nagtunugan ang kanilang mga telepono. Isang mensahe na naman ang natanggap nila sa kanilang facebook account mula kay Miss X.

"Hello Daltonians! It's me again! Kamusta ang araw niyong lahat? Naging masaya ba?"sarkastiko nitong wika habang nakangiti ng nakakaloko"...may bago akong proposal sa inyo. I-like ninyo ang link ng facebook fanpage na nasa ibaba ng video clip na ito. Ang fanpage na ito ang magsisilbing koneksyon nating lahat, oh 'di ba ang saya? Dito sa fanpage ko ilalagay lahat ng challenges na ipapagawa ko sa inyo. But wait there's more..."tumawa nang malakas si Miss X na parang demonyita bago muling nagsalita."...lahat ng challenge na ipapagawa ko bawat isa sa inyo ay naka-live stream. Instant celebrity ka na may naging action star ka pa. Oh hindi ba masaya? Kaya mag-like na kayo kung ayaw ninyong isunod ko kayo. Remember, I have all the records ng mga pumapasok sa Dalton Academy kaya huwag ninyong subukang umiwas sa link and another reminder. Huwag n'yong subukang gumawa ng dummy account. Matutunton ko kayo kahit saan kayo magtago..."nanginginig ang lahat matapos mapanood ang pangalawang video clip na natanggapa nila. Kaya kaagad nilang binuksan ang link ng fanpage at ni-like ito.

Killer's Game

Ito ang pangalan ng facebook fanpage na nakapaloob sa link. Tanging ang mga estudyante lang ng Dalton Academy ang puwedeng mag-like ng facebook fanpage na ito kaya naman walang ibang makakaalam sa ipapagawa ni Miss X sa kanila.

ACADEMY OF DEATH(Under Editing)Where stories live. Discover now