CHAPTER 12

438 15 6
                                    


Chapter 12

"Gusto mo ba talagang malaman kung sino ako? Sige. Pagbibigyan kita."wika ng babaeng nakamaskara at dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang maskara. Unti-unti, nakikita ni Katherine ang mukha ng babaeng nakamaskara. Tila nagiging pamilyar sa kanya ang lahat. Ngunit sa isang iglap, hindi inaasahan ni Katherine ang nangyari. Napabalikwas sa kama at nagising si Katherine sa isang bangungot. Naalimpungatan siya nang maaninag ang liwanag na sumisilip sa kwarto niya.

"Panaginip lang pala."bulong nito sa sarili habang mumukat-mukat na bumangon sa kama. Napahilamos na lang siya sa mukha nang malaman na isang panaginip lang pala ang nangyayari. Nagdesisyon na siyang bumangon sa kama at pumunta ng banyo upang maglinis ng katawan. Alas siyete na ng umaga kaya naman nakahanda na ang almusal nang bumaba na siya mula sa kanyang kuwarto. Nadatnan naman niyang nasa kusina ang kanyang ama't ina na nakapangpormal na damit habang nasa mesa at kumakain.

"Good morning Mom, good morning Dad."bungad niya sa kanyang magulang habang bumebeso.

"Good morning hija. Kumain ka na."wika ng kanyang ina at umupo siya sa kabilang bahagi ng bilog na mesa ng kanilang hapag-kainan.

"So, how's your immersion? Masaya ba?"tanong naman ng kanyang ama habang hinihiwa ang bacon sa plato niya.

"It's okay, Dad."pagsisinungaling nito sa kanyang mga magulang.

"Kath, hija. May dumating na letter coming from Dalton Academy."anunsyo naman ng kanyang ina at kinuha ang isang sulat sa kanyang bag na nasa tabi lang nito.

"Anong sabi, Mah?"nagtatakang tanong ni Katherine. Napakunot ang noo niya dahil sa narinig.

"Ang sabi sa sulat, compulsary daw na sa dorm kayo tumira every weekdays. Then kada weekend lang kayo pwedeng umuwi. So I don't see anything wrong with that kasi wala ka namang kasama dito sa bahay tsaka hindi ka na mahihirapan sa byahe everyday 'di ba?"paliwanag naman ng kanyang ina.

"Tsaka may assurance na hindi nagbubulakbol ang mga estudyante."dagdag pa ng kanyang ama. Inabot naman ni Katherine ang sulat na hawak ng kanyang ina at binasa ang kabuuan nito. Hindi siya makapaniwala na magagawa ng Dalton Academy ang ganitong bagay at ang nakakabilib ay sumang-ayon lahat ng magulang ng mga batang nag-aaral sa akademya ng ganoong patakaran. Naging seryoso ang mukha ni Katherine. Hindi niya magawang kumontra sa mga magulang niya dahil alam niyang wala siyang magagawa sa mga nais nito.

"By the way. I heard that someone take you here yesterday. Is he your boyfriend?"usisa naman ng kanyang ina na mula sa seryosong mukha ay napalitan ng pagkagulat dahil sa narinig.

"What! No Mah, he was just a friend..."tugon naman ni Katherine habang iniiwas ang tingin sa mga magulang.

"Are you sure hija? kasi kung boyfriend mo 'yun siguraduhin mo lang na mabuting tao 'yun. Kasi kung hindi, malalagot siya sa akin."pagbabanta naman ng kanyang ama.

"Dad, relax... I asure you he was just my friend."wika naman ni Katherine.

"Gusto ko lang manigurado. Ayaw ko lang masaktang ang princess ko."dagdag pa ng kanyang ama.

"Si daddy talaga. Kumain ka na lang."paglalambing naman ni Katherine.

"I'm done, let's go hon. Male-late na tayo sa office."ani ng kanyang ama at sabay tumayo ang dalawa para maghanda.

"Goodbye hija, don't skip your meal. Okay?"paalala naman ng kanyang ina.

"Okay Mah, 'bye Dad. Take care."wika naman ni Katherine sabay beso sa kanyang mga magulang bago ito umalis. Nang masigurado niyang wala na ang kanyang mga magulang ay bumalik ang kanyang atensyon sa sulat na natanggap ng kanyang mga magulang sa Dalton Academy. Kaagad naman niyang kinuha ang kanyang telepono at nag-dial ng numero.

ACADEMY OF DEATH(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon