Chapter 9
Kasalukuyang naglalakad si Katherine sa pasilyo ng akademya nang bigla siyang mabangga ng isang binata dahilan para malaglag ang ilang librong nakapatong sa kanyang mga kamay.
"Miss, sorry. Hindi ko kasi alam na paparating ka."wika ng binata habang tinutulungan siya nito na ayusin ang mga librong tumapon sa sahig. Naka-jersey uniform ang binata na nakabangga sa kanya habang naglalakad. Tila kagagaling lang nito sa paglalaro kaya pawis na pawis ito ngunit hindi natinag ng pawisan nitong katawan ang pagiging simpatiko ng binata at hindi naman maikakaila ni Katherine na isang matipuno at guwapong nilalang ang binatang nasa harapan niya ngayon nang tingnan niya ito. Ngunit pumukaw ang kyuryosidad sa mga mata ng dalaga dahil tila ngayon niya lang nakita ang binata.
"Okay lang, pasensya na rin hindi ko kasi dala eye glasses ko kaya hindi ko gaano maaninag ang daan."pagwiwika ni Katherine. Nakakaaninag siya ng mga tao sa malapitan ngunit hindi niya gaanong makita ang nasa harapan niya kapag sampung metro o higit pa ang layo nito sa kanya. Kaya ganoon na lamang ang pagpapakumbaba niya nang mabangga siya ng binatilyo.
"Ganoon ba? Mag-ingat ka sa susunod ha?"wika ng binata habang isa-isang inaabot ang mga libro kay Katherine.
"Oo, salamat."tugon nito.
"By the way, I'm Paul Buendia."pakilala nito sabay abot ng kamay kay Katherine.
"I-I'm Katherine."pagpapakilala naman ng dalaga at kinamayan ang binatang si Paul. Ngunit ganoon na lamang ang lakas ng kabog ng dibdib ni Katherine nang hawakan nito ang kamay ng binata. Tila may panganib na paparating. Nakakita siya ng dugo sa mukha ng binata na kakikilala lamang niya. Agad napabitaw ang dalaga sa kamay ng binatang si Paul dahil sa nakakapanindig balahibong pangitain na nakita niya.
"Miss, is there any problem? Bakit parang nakakita ka ng multo?"nagtatakang tanong ni Paul kay Katherine nang bigla nitong bitawan ang kamay niya at takot ang bumakasa sa mukha niya. Naging normal muli sa paningin ni Katherine ang mukha ni Paul nang bitawan nito ang kamay niya. Ngunit hindi naalis ang takot sa mukha nito nang makita ang pangitain.
"Mag-ingat ka! Umalis ka na lang dito, please. Nakikiusap ako sa iyo!"pagmamakaawa ni Katherine kay Paul.
"Wait! Are you crazy?! Ano bang sinasabi mo?"nagtatakang tanong ni Paul.
"Please, may mangyayari sa iyong masama kapag hindi ka pa umalis dito! Umalis ka na please!"pagmamakaawa ni Katherine na tila takot na takot.
"Alam mo kung hindi ka lang babae kanina pa kitang napatulan. Ang ganda mo sana, baliw ka lang! Don't waste my time! Tss! Nakakatawa ka!"agad naglakad papalayo si Paul at naiwang nanginginig sa takot si Katherine. Gusto man niyang pigilan ang binata sa nais nitong puntahan ay hindi nito magawang maihakbang ang kanyang mga paa dahil sa unang pagkakataon nakakita siya ng pangitain ng taong mamamatay na. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay tsaka pa lamang niya napakalma ang sarili.
"Kailangan itong malaman nina Keeno at Chris."bulong nito sa sarili at nagmamadaling hinanap ang kuwarto nina Keeno at Chris. Kinatok nito ang pintuan ng kuwarto kung saan naroroon ang dalawang binata. Sigurado siya sa kuwarto kung saan narook sina Keeno at Katherine dahil ipinagtanong niya ito sa care-taker ng dormitoryo.
"Bakit ka nandito?"bungad ni Chris kay Katherine nang buksan niya ang pinto. Tumambad sa harapan ni Katherine ang hubad na katawan ng binata na pawis na pawis at tanging jersey-shorts lang ang suot. Napatikhim si Katherine sa nakita dahil ito ang unang pagkakataon na nakita niyang walang anumang suot pang-itaas ang binata. Inaamin ni Katherine na maganda ang hulma ng katawan ng binata. Malapad ang balikat nito na may maskuladong dibdib at tila inihalintulad sa katawan ni Machete ang katawan ng binata. Ngunit hindi lang si Chris ang nakapukaw ng atensyon ni Katherine.
BINABASA MO ANG
ACADEMY OF DEATH(Under Editing)
HorrorSubukan mong tumakbo... Subukan mong tumakas... Subukan mong lumayo... Ngunit hindi ka makakaiwas... Dahil ang bawat pasilyong papasukan mo ay may nakatagong lihim, handa ka bang pasukin ang bawat silid na may kakaibang lagim na dala? At bawat estud...