CHAPTER 8

496 17 1
                                    

CHAPTER 8

Nanalo sina Paul at Keeno laban kina  Vlad at Chris. Dalawa ang lamang ng puntos. Kaya ganoon na lamang ang pagkainis ni Vlad dahil paniguradong aangasan na naman siya ng pinsan niya.

"Hanggang ngayon wala ka pa ring binatbat. Paano ba 'yan? Talo ka? Walang pakealamanan ha?"wika nito na may halong pagmamataas sa sarili at ngiti ng pagbabadya. Hindi nakaimik si Vlad sa nangyari kaya naman tinapik na lang siya ni Paul sa balikat at umalis.

"Lumaki na naman ang ulo ng ungas."bulong ni Vlad at sa pagakinis ay nagawa nitong pasingawin ang bolang hawak niya hanggang sa lumambot ito. Kasabay noo'y hinagis niya sa malayo dahil sa galit na naramdaman.

"Okay lang 'yan pare. Laro lang 'to."pagkalma ni Chris kay Vlad habang tinatapik-tapik nito ang balikat niya.

"Huwag mo akong hawakan. Napakawalang-kwenta mong kakampi!"inis na tugon ni Vlad.

"Aba ayos ka aah! Ako pa ngayon ang walang kwenta eh halos lahat ng puntos ako ang gumawa!"akmang susuntukin ni Chris si Vlad ngunit napigilan naman ito ni Keeno.

"Tama na 'yan pare. May panganib na paparating."pagbibigay-babala ni Keeno habang tinitingnan ang buong paligid.

"Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ni Chris. Tila kinabahan siya sa sinabi ni Keeno.

"Tss, diyan na nga kayo! Dami ninyong alam
"wika ni Vlad at bumalik na siya sa loob ng dormitoryo.

"Ang mabuti pa pumasok muna tayo sa loob, delikado tayo dito."babala ulit ni Keeno.

"Teka pare, ano bang naramdaman mo?"tanong ni Chris.

"Hindi ko alam, basta parang may gustong isunod si Julie. Pero hindi ko alam kung sino."seryosong tugon ni Keeno.

"Ang mabuti pa sa loob na tayo mag-usap."anyaya ni Chris kay Keeno.

Nang makabalik sila sa loob ng kanilang kwarto ay nadatnan nilang naghahanda si Vlad ng damit para maligo. Hindi nila ito pinansin. Sa halip, umupo si Keeno sa higaan at si Chris naman ay panay ang tingin sa bintana. Parehong balisa ang dalawa kaya ganoon na lamang ang pagtataka ni Vlad sa ikinikilos ng dalawa.

"Oh, bakit parang ang lalim ng iniisip ninyong pareho. Akala ko ba wala lang sa inyo yung game kanina? Bakit ngayon parang nalugi pa kayo?"tanong ni Vlad.

"Pwede ba? Manahimik ka na lang?"agad na tugon ni Chris.

"Tss, iligo n'yo na lang 'yan. Init lang ng katawan 'yan."wika naman ni Vlad sabay pasok sa banyo.

"Pare, kinakabahan ako. Hindi normal 'to."ani Keeno na panay ang kiskis sa kanyang daliri.

Samantala, nang matapos ang laro ay nagdesisyon naman si Paul na pumunta sa shower room ng eskwelahan. Eksakto namang siya lamang ang nasa loob. Pagkabukas na pagkabukas niya ng shower ay ramdam na ramdam niya ang lamig ng tubig na umaagos sa kanyang katawan. Ngunit maya-maya lang ay nagulat siya nang biglang mapalitan ng kulay pulang likido ang kanina'y malinis na tubig na inilalabas ng shower. Nagkulay-pula ang buong katawan niya na tila dugo ang lumalabas sa shower. Nagsimula na siyang kabahan. Nagpatay-sindi ang ilaw ng shower room at isa-isang nagbukas ang mga shower sa bawat cubicle. Laking pagtataka ni Paul dahil sa pagkakaalam niya ay siya lamang ang tao sa loob ng shower room.

"May tao ba riyan?"sigaw ni Paul na dahan-dahang lumabas ang cubicle kung saan siya naroroon at sinimulang obserbahan ang paligid. Ngunit wala siyang nakitang kahit sino sa loob ng mga cubicle hanggang sa may maaninag siyang anino mula sa may pinto ng shower room. Anino na parang babae na nakasuot ng school uniform ngunit hindi niya maaninag masyado ang mukha dahil sa patay-sinding ilaw ng shower room.

"Si-sino ka? Bakit ka nandito?"nanginginig sa takot na tanong ni Paul. Dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng babae upang maaninag ito ngunit sa sumunod na pagpatay ng ilaw ay nawala ito sa kinatatayuan niya. Laking gulat ni Paul sa nangyayari kaya ganoon na lamang ang takot niya sa nakita. Hangang sa muling pagkindat ng liwanag ay ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita niya ang presensya ng babae. Duguan ang mukha nito at tila namumutla na may nanlilisik ang mga mata. Kaagad nitong sinakal si Paul sa leeg. Hindi makapanlaban ang binata dahil sa taglay nitong lakas. Nagawa nitong iaangat ang binata at isandal sa pader. Kitang-kita ni Paul ang galit ng babae ngunit napansin niya ang salamin mula likuran nito. Unti-unting gumuhit ang pulang likido sa salamin ay sumulat ng mensahe.

"ALLOW ME TO KILL YOU..."

Ito ang mensaheng nakita niya sa salamin bago siya malagutan ng hininga. Hindi na niya magawang sumigaw dahil tila umurong ang dila niya sa pagkakasakal ng babae. Nang malaman ng misteryosong babae na wala nang buhay ang binata ay inihampas nito ang ulo nito sa pader dahilan para magdugo ito at kumalat sa sahig. Isang makahulugang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng babae, ngiting tila nagtagumpay sa pagnanais nitong kitilin ang buhay ng binata.

Sino kaya ang babaeng pumatay sa kaawa-awang binata?

Tila may nagbabadyang panganib sa mga susunod pang mangyayari.

ACADEMY OF DEATH(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon