-30-

27.6K 637 16
                                    

M A X E N E 

"Sigurado ka bang hindi natin kailangan ang mga underlings namin?" Xander asked me. I threw a glance at him and he gestured like zipping his mouth. 


"Feeling ko nga pati tayo hindi na rin kailangan dito." Blake chuckled. Hindi ko na lang sila pinansin as we continued to enter the Underground Hall. Dito kadalasang ginaganap ang Gang War, mahigpit na pinagbabawal ang pag-ambush sa kalaban sa labas ng hall. 


Nakapatay ang ilaw sa loob. We need not to conceal our identities, tama na ang pagpapanggap. Ramdam namin na marami ng tao sa loob pero wala kaming maaninag dahil nakapatay pa ang mga ilaw. 


Parehas kami ng suot ni Marshan, we're both wearing leather shorts and knee length leather boots, on top is a black sleeveless na pinatungan namin ng leather vest. Hindi ko na tinakpan ang mga tattoo ko sa katawan, hindi rin naman kailangan. 


Nakasukbit sa balikat ni Marshan ang isang M6 Rifle and a bullet belt around her waist. 


I grasped my chest and breathed heavily. Nanginginig ako at kinakabahan sa pwedeng mangyari, sa kung ano mang magiging reaction nila. 


*slow clap* 


Naalerto kami ng makarinig ng mabagal na palakpak kasabay ng pagtutok ng spotlight sa isang sulok ng Hall. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang Lord of Venom na naglalakad papunta sa direksyon namin. 


Narinig ko ang pagkasa ng baril ni Marshan kaya agad kong iniharang ang braso ko sa kanya. 


"Wag kang magpadalus-dalos Marshan! We don't know what traps he set up!" I hissed at her. Nanginginig ang buong sistema ko habang papalapit siya samin, I want to kill him right now at this very moment. 


Biglang bumukas ang ilaw sa buong hall...


Hindi na ko nagulat sa agad na pagbabago ng reaksyon nina Waldrin ng makita kami- from fierce, to shock, to questioning looks. Nasa higit sa isang daang gangsters ng Venom ang naririto habang lima lang kami mula sa McNeils. 


Bahagya akong nagi-iwas ng tingin. Kasing lawak din ng isang basketball court ang pagitan namin. I may not have heard his voice but I know in my heart that he just uttered my name. 


"Now! Now kiddos, look what we have here!" Lord smirked. Kahit nasa kabilang dulo siya ng hall ay rinig na rinig namin ang boses niya. Nakakapangilabot, nakakasuka.. Nasa tabi niya ang bago niyang kanan at kaliwang kaway, sina Dos at Tres. 


Magkakasama kami noon sa Venom, but we never get along dahil naiinggit sila sakin. 


We walked towards the center at ganun din ang ginawa ng mga Venoms, I tried my hardest not to glance at them pero hindi ko magawa. Dinudurog ang puso ko sa klase ng tingin na pinupukol nila samin, they looked hurt, mad and disgusted. 


"Everyone! I want you all to meet my prodigal daughter! Uno!" Lord of Venom exclaimed, nakagat ko ang ibabang labi ko at bahagyang napayuko. We can't attack unless we're given the signal. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Where stories live. Discover now