-69-

27.4K 696 61
                                    


"We wanted to see you as soon as we heard that you are alive." Mama said. Hinaplos niya ang pisngi ko. "But your Lolo suggested na hintayin ka muna daw naming makaalala para hindi ka maguluhan." 


"Ayos lang naman po sakin yun, pumunta po ako dito para sabihin sa inyo na hindi ko kayo sinisisi sa nangyari sa akin. Pa, hindi ako galit sayo sa mga naging desisyon mo kasi kung may isip na ko noon pipiliin ko ring isakripisyo ang buhay ko para kay Christian." 


"Maxene." Malamlam ang mga mata nito. "I was weak, I was financially and emotionally uncapable of supporting you. I gave up on you, I'm sorry." 


"Pa, it's okay. I am fine now. Kumpleto na ako, buo na ako. It was not a pleasant journey but here I am." I held their hands tightly and smiled at them. "Buhay po ako. If you didn't give up on me baka hindi niyo na ko nahahawakan ngayon." 


"Thank you Maxene..." They both smiled at me at niyakap ako. "Marshan, we're very sorry, wag ka ng magtampo sa amin anak." I slightly pulled away from them to look at Marshan. Namumula lang ang mga mata nito. Kanina pa kasi siya tahimik.


"Ang sakit lang po kasi, kayo yung inaasahan kong susuporta sakin pero kayo pa ang naunang nag-isip na nababaliw na ko..." She cried. I pressed my lips tightly as I watched them. Hinawakan siya sa kamay ni Mama and slightly squeeze her hand.


"I'm so sorry anak. Ang hirap na ring magexplain kasi mali yung ginawa namin sayo." 


"Well, si Maxene nga napatawad kayo, ako pa kaya?" She chuckled at yumakap na rin kina Mama habang nagpupunas ng mga luha.


"But that doesn't mean na titira na ulit ako dito, gusto ko pong magpakaindependent na." Masiglang sabi ni Marshan. 


"As long as you're happy, bibisita ka naman eh." Mama smiled. Muntikan na kong napairap sa kawalan. 


"Naku Ma, mukhang madadagdagan na naman ang mga apo niyo." I said at nakaramdam naman ako ng paniniko kay Marshan.


"Well, the more the merrier, ewan ko ba dito kay Christian, kung kailan niya aayaing magpakasal si Monique." Mama chuckled. Napatingin kami kay Christian na agad na umasim ang mukha.


"Ma... That's not the issue here..." Nakasimangot na sabi nito. 


"Oo nga naman Ma, kami muna ang ibaby niya bago siya gumawa ng sarili niyang baby." I teased him na agad namang ikinamula nito. 


"Tatanggapin ko na lang lahat ng pang-aasar niyo sakin, what's important is kumpleto na tayong tatlo." He said at niyakap kaming dalawa ni Marshan. We hugged him back as we giggle. 


Nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga bata. Masayang naglalaro ang tatlo na nakaupo sa isang picnic blanket dito sa garden. Kahit kailan hindi ko nakitang ganito kasayang makipaglaro si Hansel sa iba. Siguro dahil pinsan niya si Clarence. Habang si Gretel ay nakikitawa lang sa dalawa. 


"DADDY!!! DADDY KO!!!" 


Nanlaki ang mga mata ko when we saw Waldrin walking towards us. Sabay niyang binuhat sa mga braso niya yung dalawa at pinupupog ang mga ito ng halik. Binaba niya ang mga bata at sinabihang maglaro muna bago dumiretso sa amin. 

The Mafia's Slave Part 1 & 2Where stories live. Discover now