Hope35

171 16 0
                                    

Hope's POV

Gising na si Kian. Sadly, wala na si Kinn. Naubusan sila ng panahon kaka-away kaya hindi na kinaya ni Kinn.

"Nako pare kung nakita mo lang kung paano ako hinalikan ni Erika hahaha!" —Seyjer

"Gago Seyj! Wag mo nang ipaalala. Nakakahiya!" —Erika

"Ang ingay nyo! Manahimik ng kayo!" —Yiela

"Bitter si Yiela. Bakit kasi ayaw mo pa akong sagutin?" —Carlo

"Panget ka daw kasi, Carlo." —Joanne

"Joanne, lover's quarrel yan. Wag kang third wheel. Sakin ka lang." —Lorez

"Corny mo sa kaibigan ko Lorez. Kadiri." —Joeny

"Manahimik na nga kayo. Puro kayo kaharutan." —Xyna

"Aba Xyna! Ikaw ba, walang hinaharot jan?" —Adrien

"Hoy Adrien, FYI lang ha? Inilulugar ko ang kaharutan ko. Di katulad nyo!" —Xyna

"Uy sakit nun hahaha. Natamaan daw si Jordan." —Raffy

"Ulol mo Raf! Wag mo nga akong dinadamay!" —Jordan

"Puta edi si JM nalang. Diba babe?" —Raffy

"Ew Raffy. Ew." —JM

"Kawawang nilalang, kinamumuhian ng lahat. Aw." —Asha

"Hoy Asha! Manahimik ka nga! Dun ka sa Jordan mo." —Raffy

"Pakyu Raf. Sagad." —Jordan

"I Love You too, Jordan! Mwaa! Hahahaha!" —Raffy

Habang abala sila sa pagkukwentuhan, sinubukan kong lumabs muna kaso bigo akong magawa iyon.

"And where do you think you're going Miss Hope Ramos?" Wika nito. Hinarap ko sya bago ako sumagot.

"Sa Cr, tatae. Sama ka?" Tinawanan ako ng lahat maliban kay Kian. Di ata nagets na joke yun.

Tumalikod ako sa kanya tapos maglalakad na sana ulit kaso hinatak nya ako tapos sinamaan ako ng tingin.

"Hopeya, saan ka pupunta?" Sabi na e. Hindi nya nagets yung joke ko. Slow naman neto hahaha.

"Tatae nga. Kulit." Akmang tatalikod na ako nang hinigit nya ang braso ko na saktong pagharap ko ay nagtama ang aming mga labi.

Naramdaman ko ang kanyang malambot na mga labi na unti-unting pumoporma ng ngiti. Para akong glitch emoji dito dahil hindi ko alam ang dapat kong maramdaman ng mga oras na iyon.

Sa isang bagay lang ako nakasisiguro. Iyon ay mahal ko na 'tong ninjabui na 'to.

"Hindi ako papayag na umalis ka ulit sa tabi ko ng ganun ganun nalang. Kaya simula sa araw na ito, Hope Ramos, will you be my goddam badass girlfriend?" Narinig ko ba ng tama ang sinabi nya? Inaalok nya akong maging girlfriend nya?

Tumango ako kaya niyakap ako ni Kian ng mahigpit sa pinaikot-ikot.

"Yown naman! Buti pa sila. Happy ending na. Tayo kaya Yiela?"

"Gago ayoko sa'yo!"

"I love you, Hope." Bulong ni Kian sa akin.

HOPEWhere stories live. Discover now