Epilogue

237 21 0
                                    

Paki play nung vid. Kamsaaa~

After 9 years...

3rd Person's POV

Nagtipon ang tipon lahat ng lalaking barkada ni Kian sa kwarto nya. Pagpasok nila, sinalubong sila ni Kian ng isang malaking ngiti.

"Tol congrats!" —Vince

"Tangina pare! Hindi pa ako sinasagot ni Yiela, ikakasal ka na! Unfair!" —Carlo

"Siguraduhin mong busog ako mamaya sa reception." —Seyjer

"Marami bang invited na chikababes jan? Pahingi naman!" —Adrien

"Sabi ko na nga ba e! Kayo rin susunod samin ni JM. Hahaha."—Raffy

"Ako naman sunod!"—Lorez

"Lol ang tahimik nung single oh hahahaha."—Jordan

"Mga gago!"—Leo

"Tama na nga yan! Ang tatanda nyo na, di parin kayo tumitino! Hahaha." Sabi ni Kian. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito.

Sa kabilang banda, kausap ni Hope sa telepono ang kapatid ni Xyna na si Psalmo.

"Huy ano na?! Di ka pupunta sa kasal ko!?" Bulyaw nito nang masagot ni Psalm ang tawag.

"Ikakasal ka na, amazona ka parin. Hahaha."

"Bwisit. Pumunta ka!" Pinatay ni Hope ang telepono saka bumalik sa mga nagaayos sa kanya para ikabit ang belo.

"Beshiwaaaps! Omg! Me is so proud of youuu! Dati immature ka pa tapos ikakasal ka na ngayon! Huhuhu." Nagiyak-iyakan pa si Xyna habang sinasabi iyon kaya binatukan sya ni Hope.

Nagtawanan ang dalawa dahil sa kabaliwan ng isa. Tumabi si Xyna kay Hope at nag-selfie muna bago iwan ang bestfriend.

"Ano ka ba, ikaw rin naman no. Ikakasal ka rin. Weyt mo lang."   Sagot ni Hope.

Hope's POV

5...

Nandito na yung sasakyan sa harap ng chapel.

4...

Tinulungan ako ni Daddy na bumaba sa kotseng sinakyan namin hanggang sa loob.

3...

Naglalakad na ang mga abay.

2...

Bago buksan ang pinto, narinig kong humikbi si daddy. Umiiyak na siguro hahaha.

1...

Ako na. Hinawakan ni daddy ang kamay ko at inalalayan akong maglakad papunta kay Kian. Papunta sa taong pakakasalan ko. Papunta sa taong mahal ko.


"You're so beautiful in white, Hope." Bulong ni Kian. Kinamayan muna sya si daddy bago nya ako kunin.

"Kian Castro, do you take this woman, Hope Ramos, to be your lawfully wedded wife?"

"Yes. I do."

Unti- unting nagflashback lahat ng memories namin simula sa pinaka-una naming pagkikita sa panaginip.

Yung may hawak syang barik sa subdivision namin tapos inakyat nya yung bahay namin kaya hinampas ko sya ng litterbox ni Meng hahaha.

Tapos yung niligtas nya ako sa mga panget na zombies, ginamot nya yung sugat ko tapos inalagaan nya rin ako nung nagka-lagnat ako.

Naaalala ko pa nga yung magkasama kami sa sasakyan ni daddy tapos bumabaril kami ng zombies— ay ako lang pala. Nagda-drive kasi sya non.

Tapos nung pinagalitan nya ako na masyado akong mabilis magtiwala sa #TeamSurvivors pero naging barkada naman nya.

Ang daming bumalik na ala-ala sakin. Pero yung pinaka tumatak?

Nung binigyan nya ako ng dalawang doughnut. T^T

"Hope Ramos, do you take this man, Kian Castro to be your lawfully wedded husband?

107.5 Win Radio— Pinagiisipan pa ba yan?

"Yes, Ne, Oo, Oui. Ano pa bang language? Ofcourse I do."

Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan namin; simula sa pagiging coma ng three years, pagiging in a relationship namin for six years. (Oo! Six years!) Nalagpasan namin lahat ng hadlang dahil sa faith kay God, love sa isa't isa at syempre ako. Hope. Pagasa na balang araw, pagkatapos ng lahat ng 'to, kami na talaga ang para sa isa't isa.

Dear Diary,

This is Hope Ramos–Castro, newly wedded wife of Kian Castro; signing out.

Mrs. Castro,
Hope

PS. Sogo mamaya! Yieee! Excited na akooo! Char!

HOPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon