Hope34

137 16 0
                                    

Kian's POV

Nahanap namin ang gamit ni Hope sa isang abandonadong building pero si Hope at yung pusa nya, wala doon.

"Kinn, Lorez at Vince, maghiwahiwalay tayo ng mga kwartong pupuntahan." Sabi ko. Sinunod agad nila yung sinabi ko kaya pati ako, gumalaw na rin.

Lahat kami naghanap. Yung ilan, nasa ibang floor naghahanap.

Yung pinasok kong kwarto ay parang isang buong bahay sa sobrang lawak. Doon ko rin nakita yung lalaking nakasuot ng itim na t-shirt.

"Sino ka?" Tanong ko. Pinigilan kong mautal dahil sa kabang gumagapang sa katawan ko.

"Tanging ikaw nalang pala at yung kaibigan mong si Kinn ang natitira dito..." Usal nito. Ano bang sinasabi nito? Kaming dalawa nalang daw e samantalang lahat kami, naghahanap sa building na 'to.

"Ako si Evan. Ang susundo sa inyo." The heck?

3rd Person's POV

Habang naguusap si Evan at Kian  sa isang silid, ang mga kasama naman niya ay nabaril na ng pampatulog gaya ng binaril kay Hope.

Sa mundo ng realidad, halos lahat ng mga estudyanteng na-coma ay gising na maliban kay Kian at Okinnai. Isa na lang ang natitirang gamot para sa kanilang dalawa kaya naga-away ang pamilya ng dalawang binata.

Pumasok sa silis ni Kian si Hope at dumiretso ito sa binata.

"Kian... Lumaban ka please. Malakas ka. Kaya mong gumising kahit wala yung gamot. Kian gumising ka..."

Kian's POV

"Hindu pa kayo natuturukan ng gamot dahil pinaga-awayan pa ito ng pamilya nyo. Kung gusto mong makaalis dito, pumili ka..." Gamot? Aalis? Ano ba talagang nangyayari?!

"Comatose kayo ng kaibigan mo at iisa na lang ang natitirang gamot. Pag namatay ang kaibigan mo, sayo ituturok ang gamot at ikaw ang magigising. Pumili ka Kian." Sinugod ko sya ng kamao ko pero agad itong nawala sa harapan ko.

"Nagaaksaya ka lang ng panahon mo. Pumili ka na." Sinugod ko ulit sya ng parang bula at nakalipat sa ibang lugar.

"Kian... Lumaban ka please. Malakas ka. Kaya mong gumising kahit wala yung gamot. Kian gumising ka..." Si Hope! Kinakausap nya ako pero paano?

"Hinahanap ka na ng kaibigan mo, Kian. Pumili ka na." Kinuha ko ang baril ko at itinutok yun kay Evan.

"Paano kung ikaw ang mamatay? Anong mangyayari?" Hindi sya nagpakita ng kahit anong bakas ng kaba. Sa halip ay ngumisi pa ito sa akin.

"Alam mo bang isa ako sa dakilang utusan ni Death? Hindi mo ako basta-basta mapapatay. HAHAHAHA." Argh!

Pinutok ko ang baril ko sa direksyon ni Evan. Gaya ng laging nangyayari sa kanya, naglaho muli ito ng parang bula...

At si Kinn ang natamaan ng bala.

"Oh shit shit shit. Sorry Kinn—"

"It's okay. Zombie na rin naman si mommy kaya okay lang."

"No Kinn. You don't understand. Hindi pa sila zombie. This... This whole damn place is just our consciousness." Nakita ng dalawang mata ko kung paano bumagsak ang katawan ni Kinn sa harap ko.

Nahihilo ako.

Inaantok ako.

Pati ako, bumagsak na rin dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko. Ipinikit ako ang aking mga mata dahil sa sobrang hilo.

HOPEWhere stories live. Discover now