Simula

145 11 0
                                    

Napakaaliwas  ng panahon ngayon at tamang-tama ito para sa mga taong gustong mamasyal, nakatingin lang ako sa labas ng bintana , tinatanaw ang mga ibon na malayang lumilipad kasama ang iba pa .


Isa pa napakamaganda din gawin sa ganitong situwasyon ay ang matulog ng buong araw sa bahay , binalik ko na ulit ang tingin ko sa harapan para makinig sa aming guro ngunit mas lalo lang akong inantok dahil dun. kasi naman kung makapagturo itong teacher namin sa science parang nilullaby kalang.



Kaya kalahati ng mga kaklase ko ay tulog ,yung iba naman ay may kanya-kanyang mundong ginagawa.Napabuntong-hininga nalang ako at pilit na nilalabanan ang antok ko, at ilang saglit pa ay timunog na ang bell para sa uling subject namin ngayong hapon.


Nauna na akong lumabas sa kanila dahil may kukunin pa ako sa library na book para sa research namin , habang naglalakad ako patungo sa library ay kitang-kita sa mga studyanteng pakalat-kalat sa hallway na nagkakayayaan para mag libot ngayong araw na ito.


Alas dos palang ng hapon kaya malaya pa silang maglibot na parang walang problema sa mga project ,quiz,test at school works  nila, hindi sa katulad kong halos tinutuon ang buong oras sa pag-aaral , okay na din ang ganito atleast hindi na ako makakaproblema pag nagkataon.


Pagdating ko sa library ay agad kong hinanap ang kakailanganin ko para sa isang project namin, sa totoo nyan groupings ito pero mas gusto kong ako nalang ang gumawa dahil wala din naman nagagawa ang dalawa kong kagrupo at mas pinili na maglakwatsya kaysa tulungan ako.


Ilang saglit lang ay natapos ko na ito at binalik na amg mga libro sa kinalalagyan nila, alas kuwatro na din ng hapon so dalawang oras din pala ako dun , nagpaalam na ako sa librarian at nagthank you nandin.


Naglakad na ako para umuwi walking distance lang naman ang bahay ko dito sa school at 20minutes lang ang lakaran kaya tipid sa pamasahe , pero sa hindi inaasaan dinala ako ng mga paa ko sa isang mall? , huh? anong gagawin ko dito ?minsan din naiinis din ako sa mga paa ko dahil kung saan saan ako dinala ng mga ito, at dahil nandito nadin lang ako ay pumasok na ako sa loob , malapit lang din sa bahay ko ang mall kaya okay lang kahit ilang oras ako dito..


Naglibot lang ako sa buong mall , tumitingin sa mga bagong dating na damit , pumunta na din ako sa national book at bumili din ng libro para may libangan ako ilang oras din ako doon bago umalis at kapag sinuswerte ka nga naman talaga, nakasalubong ko pa ang dalawa kong kaibigan habang nagpapaikot-ikot sa mall.


"Omg, ikaw pala chie chie, anong ginagawa mo dito?"-parang tangang tanong ni louis na isa mga kaibigan ko.

"Oo nga, may paalam-alam kapang gagawa ng research kaya hindi ka nakasama pero ngayon nandito ka sa mall para maglibot din"-segunda pa ni paulin.


"Duh, tapos ko na kaya ang research NATIN, nahiya naman ako dahil yung dalawa kong kaibigan WALANG ginawa kong hindi maglakwatsya."-napapeace sila saakin ,naku kung hindi ko lang mga kaibigan to hindi ko sila isasali sa group .



"Ehehe,sorry naman chie chie alam mo naman na hindi kaya ng brains namin yung research na yun diba."


"Oo nga tama si louis"- tong dalawang to napaka baba ng tingin nila sa sarili nila.



"Oo na, kaya kayong dalawa ay ililibre ako ng pagkain ngayon so lets go"- masayang sambit ko at sinabit ang dalawa kong kamay sakanila...


"Shet, mukhang mabubutas ang bulsa nating dalawa pau"


"Oo nga, baka maubos ang allowance ko neto." -napatawa nalang ako sa kanila ahahaha,


Pagkatapos namin kumain ay nagsipag-uwian na nakami dahil naggagabi na din, reklamo ng reklamo ang dalawa dahil daw inubos ko ang pera nila ahaha, hindi ako nakukunsensya sa ginawa ko dahil alam kong wala lang sakanila yun.


"Nandito na po ako." Hindi na ako mabibigla dahil sa natadnan ko sa bahay na ang magulang ko ay nag-aaway nanaman.



Napabuntong-hiningan nalang ako, araw-araw ganito ang palaging senaryo sa bahay pero mukhang mas malala ito ngayon. Dahil may balak yata na umalis si mama, walang pasabi-sabi na binitawan ko ang bag ko para pigilan si mama na umalis.


"Sige umalis ka celestina, at wag ka nang babalik."-galit na sigaw ni papa.


"Talagang aalis ako marco dahil sawang-sawa na ako sayo."- naiiyak na ako dahil sa nagyayari sa pamilya ko ngayon.


"M-a, saan po kayo pupunta?"-hinawakan ko ang maleta nya para pigilan sya, lumundas nadin ang luhang kanina pa gustong kumawala.


"Im sorry , maechie pero hindi ko natalaga kaya ang papa mo."- imiiyak na din sya katulad ko.



"Pero ma, paano ako at tsaka baka pwede nyo pa itong ayusin" pagmamakaawa ko para lang hindi sya umalis.


"No, hindi na ito maayos, at tsaka hirap na hirap na ako."


"Maechie, tumigil ka na dyan ,babayaan mo sya kung gusto nyang umalis then umalis sya"


"So ganon , ganon nalang yun mag-hihiwalay kayo na hindi nyo iniisip na may tao kayong iiwan , ganon ba okay sige maghiwalay ,kayo ikaw diba atat na atat kanang umalis, alis na kana dahil ito ang gusto nyo diba." Para na akong sasabog dahil sa nararamdaman ko ngayon , ayoko ,ayokong umalis si mama . Napahawak naman ako sa kaliwang pisngi ko dahil sa pagsampal nya saakin.

"Hindi kita pinalaking ganyan maechie ,tandaan mo nanay mo parin ako"-napahawak naman ako sa pisngi ko kung saan ako sinampal ni mama.


"T-alaga lang , wala nga kayo nung panahon na kailangan ko kayo ." Kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil baka makulong ito at habang buhay kong dadalhin.


"Im sorry, im sorry, maechie" napatawa naman ako dahil dun , lalapitan na sana nya ako pero umiwas ako.


"Pa, ano masaya kana, nasira na ang pamilya natin oh, ang galing lang dahil sa pagiging ireponsable mo nasira mo ang isang buhay ng tao, sana hindi nalang kayo ang naging magulang ko." Pagkasabi ko nun ay umalis na ako dun at pumasok sa kwarto ko para magkulong, ilang saglit lang ay narinig ko na ang kotse ni mama na patunay na umalis na sya...


Wala na sira na ang pamilya ko, pero bakit, bakit nagyayari sa buhay ko to.. Lumipas ang ilang araw ay umalis na na din ang papa ko at sa pagkakaalam ko ay sumama na sya sa iba nyang pamilya , mukhang matagal na syang may iba , nakakatawa lang dahil ganito ang sinapit ng pamilya ko , walang araw at gabi na hindi ako umiiyak noon,  naging mababa din ang mga grades ko dahil sa palagi akong absent , wala naman akong pake kong bumagsak ako dahil wala na ding kwenta ang buhay ko.


Sana sa susunod kong buhay ay hindi sila ang maging magulang ko para hindi ko na maramdaman ang sakit na ibinigay nila saakin...


~~~~~~
Another story again. Ahem promise tatapusin ko na talaga ito.

Back to your Time (COMPLETE)Where stories live. Discover now