kabanata 18

18 3 0
                                    

"Hoy bakit ka nakatulala dyan?"- pangalawang araw ko na ngayon dito sa Glamurhe Message Corp. Pagkatapos namin ni papa marco mamingwit ay napagpasyaan namin na pumunta sa bahay nila at doon ko nakilala si tatay Fidel na tatay nya at lolo ko sa panahon ko doon na din nila ako pinakain dahil ako din naman yung nakakuha nun pinadalhan pa nila ako ng ulam para kina nanay seny.



Maaga akong pumasok dito dahil ayoko munang makita si mama tina dahil baka di ako makapagpigil at magtanong kung anong ginawa nila ni Carlos kahapon. Pero kung ano ang kinaaga ko mas maaga papala itong si Sebastian nadatnan ko pa sya na natutulog kaya pinabayaan ko muna sya dahil di pa naman oras ng trabaho at ginising nalang sya noong work time na dahil wala yata syang balak gumising.



"Kasi naman ang aga-aga mukha ni Avella nakita ko." Napakunot noo ako dahil doon sa sinabi nya.


"Avella?".


"Tsk. Nakababatang kapatid yun ni ate Amanda, at kung anong kinabait yung naman ang kinabalikatad nung Samanta kala mo sya yung boss dito e nilalandi nya naman si Mr. Glamurhe."



Napakamot nalang ako ng ulo dahil may hugot yata to sa Avellaa na sinasabi nya, may past siguro sila at ganoon nalang yung kabwisitan nya well kutob ko lang naman yun pero saglit kahapon ko pa naririnig yung Mr. Glamurhe yun ba yung may-ari dito well Glamurhe nga malamang oo.


Di ko nalang sya pinansin dahil work hours na tsaka isa sa magandang ugali ni Sebastian pag oras ng trabaho ay oras ng trabaho well minsan naman nakikipagdaldalan sya saakin para din naman kami mainip dito. May mga kasama naman kami pero hanggang ngiti at simple hello o hi lang ang usapan pero okay na din yun dahil trabaho ang pinuntaan namin dito di chismisan.


"Hi ikaw si Maechie diba?"- napatigil naman ako sa pagkakabit ng mga liham sa mga lalagyan nila ng may dalawang taong lumapit saakin.


"Ah? Oo ako nga, anong maiitutulong ko?"- nakakapagtaka lang bakit nila ako nilapit at base sa itsura nila ay mga kasing edaran lang sila ni Sebastian.


"Nakakapagtaka lang ang ganda mo pero bakit si Sebastian ang kasama mo."


"Oo nga naman, dapat saamin ka sumama di sakanya."


"So ano yung pinupunto nyo?"


"Oh mukhang di mo pa alam ang kwento ng pamilya nya. Alam mo bang isang malanding babae ang nanay nya at iniwan sila ng ama para lang sumama sa ibang lalaki kaya di ka dapat sumama sakanya."

"Sumama din ang mama ko sa ibang lalaki pati na din pala ang papa ko, so ibig sabiin noon di din kayo pwede na kasama ko dahil nagsisama yung magulang ko sa iba."- napasinghap naman sila dahil sa sinabi ko at parang di makapaniwala.


"Sinasabi mo ba yan dahil naaawa ka kay sebastian?"


"Bakit naman ako maaawa kung tutuosin nga may tatay pa syang kasama kaysa saakin na iniwan nila ako mag-isa."

"Tsk..tara na nga pre wala tayong mapapala sakanya." Tinignan muna nila ako nang masama bago sila umalis, napabuntong hininga nalang ako dahil sa wakas umalis na sila istorbo kasi sila sa trabaho ko.


"Di mo na dapat sinabi yun kung naaawa kalang sa situwasyon ko. Totoo naman na iniwan na kami nang nanay ko at sumama sa iba." Napatingin naman ako kay sebastian na mukhang kanina pa sya nakikinig saamin, pero nagkabit balikat nalang ako dahil sa sinabi nya.


"Bakit, ano bang ginawa ko sinabi ko lang naman yung totoo sa kanila, tsaka bakit naman ako maaawa sayo kung may tatay ka pang kasama buti nga ikaw nandyan pa tatay mo e ako iniwan na nila." Mukhang medyo nagulat sya sa sinabi ko pero di ko nalang sya masyadong pinansin dahil pinagpatuloy ko na yung paglalagay ko ng mga sulat sa lalagyan nila.


"Iniwan ka na nila? Kaya ba nandito ka?"- tinignan ko sya sa mata at kita doon na may asa sa mga mata nya kaya  napangiti nalang ako ng mapait.


"Well oo, tara na tapos kana ba? Gutom na ako."- tumango nalang sya kaya nginitian ko nalang ulit at nilagpasan sya para pumunta sa kantin pero bago ako umalis ay may sinabi sya na kinatigil ko.


"Wag kang mag-alala maechie habang nandito ka di kita iiwan palagi lang ako nasa tabi mo."



"Talaga sabi mo yan ah."- tamango sya at hinila nya na ako papunta sa kantin.


Pagkatapos naming kumain sa kantin ay di ko parin maalis sa isip ko yung sinabi nila anggie na nandito daw yung anak ni mr. Glamurhe na hanggang ngayon ay pilit ko paring sinisikap isipin kung saan ko ba narinig yung apelido na yun. Mukhang nag-uulyanin na yata ako pero kasi saan ko ba narinig yun. Dahil yata sa sobrang lalim ng iniisip ko ay pagkaliko ko sa isang pasilyo ay bigla nalang ako nabunggo sa pader.


"Aray ko po."- napahawak ako sa ilong ko dahil yun yung nasemplang sa pader pero bakit ganon bumango yata yung pader tsaka mapapango pa yata ako ng wala sa oras pero buti nalagg di nahulog yung mga dala ko.


"Tumingin ka kasi sa dinaraanan mo."- automatic namang bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa biglang may nagsalita mukhang di pader ang nabunggo ko dahil pag-angat ko ng ulo ay yun naman kinalaki ng mata ko dahil sa kulay asul na pares ng mga mata ang sumalubog saakin.

"C-arlos? Anong ginagawa mo dito?"- yun nalang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla, di naman sya mukhang nabigla sa nakita ako dito para ngang inaasaan nya na magkikita kami pero baka guni-guni ko lang yun.

"Just wondering around"- kumunot noo naman ako dahil sa sagot nya.


"Just wondering around? In this kind of place, oh common just tell me the truth. So again what are you doing here, are you stalking me because you realise that you like me now."- taas noo kong sabi sa kanya di ko din alam kung saakin ko nakuha ang lakas na loob ko para sabiin yun kahit na in the first place kinakabaan nako sa presenya nya.

"I don't know that you have that kind of guts but i'm sorry for disappointed you lady but am not stalking you like what i said i'm just wondering around."- nakangisi nyang sabi kaya yung kaba ko kanina ay napalitan ng inis dahil napahiya yata ako.

"Tsk... are you kidding me? E bakit sa lahat ng lugar dito ka naisipan mamasyal bakit anak ka ba ng may-ari tsaka wait ano pala ang ginawa nyo ni tina kahapon saan kayo pumunta?"- kagabi ko pa to iniisip kung saan sila pumunta dahil napahiya ako nang kaunti lubos lubusin ko na. Magsasalita sana sya ngunit may biglang tumawag sa kanya na kinatigil ko.

"Mr. Glamurhe, nandito pala kayo kanina ko pa po kayo hinahanap."- umaagos naman na lumapit sa pwesto namin yung isang lalaki. Nagsink in naman sa utak ko sa sinabi nung lalaki Mr. Glamurhe, ngayon alam ko na kung bakit pamilyar ang apelidong yun dahil Carlos Glamurhe pala si Carlos shit bigla tuloy nagflashback saakin yung mga pinagsasabi ko kanina sakanya. Napapikit nalang ako ng mariin o lupa lamunin mo na ako please.

"Carlos kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala, o hi mr. Lacap and sino tong kasama nyong babae."- huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa kanila natigilan ako saglit dahil sa babaeng kadarating lang mukhang si Avella ito ayon kay Sebastian nginitian ko muna sila bago mag salita.

"Pasensya na pero mauuna na po ako may gagawin pa po kasi ako."- yumuko muna ako magbigay galang bago ako magsimulang maglakad pero nakailang hakbang palang ako ay may humawak saaking braso dahilan ng pagkatigil ko.

"I'll wait for you when you done to your work, sabay na tayong umuwi mamaya." Wala ako sa sarili ko dahil sa mga nalaman at kahihiyan ko ngayong araw kaya napatango nalang ako. Ngumiti nalang sya at ginulo ang buhok narinig ko naman napasinghap ang mga kasama namin kahit na ako ay napanganga dahil sa bigla nyang pag-ngiti.


"Good, see you later."



Naiwan naman akong nakatunganga, habang paalis na sila narinig ko pang tinanong nung avella kung kilala nya ba ako bakit ganoon nalang ang pakikitungo nya saakin pero di ko na narinig yung sinabi ni Carlos, bumalik lang ako sa sarili ko ng bigla akong tinignan ng masama ni Avella kaya napakamot nalang ako ng ulo ko at nagsimula ng kumilos.

Back to your Time (COMPLETE)Where stories live. Discover now