TWENTY-SEVEN

1.3K 67 21
                                    

Andrei Uzzea

12:23 PM

Andrei : Stick-o.

Hmm?

Andrei : Ugh, wala.

Ah, sige.

Andrei : Stick-o.

Oh?

Andrei : Tsk. Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?

Ah, okay naman na. Nakapahinga na ako, eh.

Napagod lang talaga siguro ako kahapon, kaya bagsak na ako n'ong nasa byahe tayo pauwi.

Salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa'kin nung neck pillow mo, ah? Nabanggit ni Andrea sa'kin kagabi n'ong pababa na 'ko ng car.

Ibabalik ko na lang sa'yo sa Tuesday.

Andrei : Nah, it's fine. Sa'yo na 'yan.

Hala? Hindi!

Lalabhan ko naman bago ko ibalik sa'yo.
'Wag ka mag-alala, hindi naman 'to marumi!

Andrei : Silly. Haha. Sa'yo na nga 'yan.

Stick-o.

Ano ba yaaan. Bakit ba stick-o?

Andrei : Mukha ka kasing stick. Ang payat mo kasi.

Andrei : Hahahaha.

Wow, ah. Tuwang-tuwa ka sa pang-aasar sa akin, ha! Tuod ka naman!

Andrei : Tsk. Mga natututunan mo talaga kay Edge.

Hahaha. Tuod!

Andrei : Bakit naman ako naging tuod?

Eh, kasi, ewan ko kay Edge. Hahaha.

Siguro kasi hindi ka palaimik, tapos hindi ka palangiti. Hahahaha. Tapos lagi ka lang nakayukyok sa armrest mo. 😂

Andrei : Palagi ba kayong magkausap ni Edge?

Hindi naman, sakto lang.

Bakit?

Andrei : Sabi ko sa'yo before, 'wag kang masyadong malapit kay Miranda.

Woah! Bakit naman? Kaibigan mo naman si Edge ah, pero bakit kung makapagsalita ka parang wala kang tiwala sa kanya?

Andrei : Sira. Kaibigan ko nga 'yon. Kaya kilalang kilala ko. Lalaki pati 'yon.

Hindi ko gets. Hahaha!

Alam kong lalaki s'ya. 😂

Andrei : Naturingang matalino, slow naman.

Grabe ka talaga sa akin! Pero ano nga 'yong kay Edge?

Andrei : Tsk. Ayoko lang dumating sa point na may pagkakasiraan kami.

Oh, tapos?

Anong connect n'on sa pag-uusap namin ni Edge?

Hindi ko talaga gets.

Andrei : Tsk. Ganyan ba talaga kayong mga babae?

Eh hindi ko talaga ma-gets, eh! 🙅

Andrei : Hayaan mong oras ang tumulong sa'yo para malaman kung anong sinasabi ko.

Andrei : Hindi ko gustong may kahati ako sa kahit ano.

Oh, eh, anong gagawin ko?

Hindi naman kita hinahatian sa kahit ano ha!

Seen, 12:36 PM

Andrei! Hindi ko talaga maintindihan!
Ganyan ba talaga kayong mga lalaki? Hahaha. Kainis! 😠😠

Seen, 12:39 PM

Nakakainis talagaaa. Ano ba 'yon? Ayaw pa kasing diretsuhin, eh!

Seen, 12:43 PM

Argh. Bahala ka nga! Kainis. 😢😢

Seen, 12:45 PM

Andrei : Malalaman mo rin 'yon. At sisiguraduhin kong sa oras na dumating 'yong pagkakataong 'yon, wala kang magiging ibang response sa akin kundi oo.

--

This is dedicated to someone who's handsome daw. Hahahaha. Atat s'yang mag-update ako. So, eto na po. Enjoy reading!

Truth or DareWhere stories live. Discover now