FORTY

1.2K 44 11
                                    

Edge Miranda

4:26 PM

Edge : Lindsay, pupunta ka bang ospital?

Yeah, why?

Bibili lang ako ng fruits, saka imi-meet ko si Andrea after class. Ipapadala n'ya kasi 'yong damit nina Tita Adelle saka ni Andrei.

Seen, 4:28 PM

Edge : Sige, sige. Pupunta rin kami ni Claudine, eh. Gusto mo bang sumabay? Dala ko 'yong kotse ko.

Sure, sasabay na ako. Thank you.

Sina Ate Cara daw ba, sasama?

Edge : 'Yong mga pinsan mo?

Yes.

Edge : Ah, hindi ko lang alam. I'll ask Claudine. Wait.

Hmm. Sure, thanks,.

Seen, 4:34 PM

Edge : Hindi daw muna makakasama sina Cara. May ipinapatapos daw kasing paperworks si Ma'am Cordova sa kanila, isusubmit nila bukas.

Edge : Bukas na lang daw sila sasama. Pasensya na raw, Lindsay.

Oh, okay lang 'yon. Thank you, Edge.

Okay lang ba na tagpuin n'yo nalang ako sa labas ng campus?

Pupunta lang ako sa High School building. Kukunin ko 'yong ipinapadala ni Andrea.

Edge : Si Andrea ba, hindi sasama?

Seen, 4:37 PM

Kay Tito Art na lang daw s'ya sasabay.

Pupunta din daw sila mamaya, eh.

Namamahinga lang daw si Tito, so pagkadismiss daw ni Andrea, uuwi muna s'ya. Tapos sabay na sila ni Tito Art pagpuntang ospital.

Edge : Sige sige.

Edge : Linds! Tawagan mo nalang ako kapag nasa labas ka na ng campus, okay? Sasamahan ka na lang namin ni Edge bumili ng fruits. Claud here.

Sure, sure. Thank you sa inyo ni Edge, Claud.

Edge : Ano ka ba? Pababayaan ka ba naman namin ni Edge? Anong klaseng kaibigan ako no'n? Hahaha. Saka baka daw mapatay ni Andrei si Edge 'pag hinayaan ka n'yang mag-isa. Lol.

Bakit naman? Haha. Anyway, ingat kayo, hmm? Salamat ulit. ❤

Edge : Basta! Ang slow mo naman, Linds, eh. Haha. Sige na, pupunta na kami d'yan.

Seen, 4:50 PM

--

Andrei Uzzea

11:23 PM

Hi, Andrei.

Hindi ako sanay na hindi kita kausap sa chat. Hahaha.

Nagustuhan mo ba 'yong fruits? Sabi ni Tita Adelle hindi ka naman daw mapili sa kahit anong pagkain kaya fruits nalang ang binili ko for you. Para healthy! Hehe.

Hindi nga lang ako magaling pumili kung magandang klase ba ng mga prutas 'yong nakukuha ko. Buti nalang sinamahan ako kanina nina Edge and Claud.

Sobrang thankful ako kay God kasi medyo okay ka na. Ang sungit mo na nga ulit, eh. Haha.

Kaso naiinis ako sa'yo.

Bakit hindi mo ako masyadong pinapansin? 😭😭

Alam kong suplado ka at masungit, pero hindi ka na naman ganoon sa'kin. Haha. Or assuming lang ako? Ewaaan.

Kinakausap mo lang ako kapag may itinatanong ako sa'yo.

Ayaw mo na ba sa akin?

Am I too boring?

Sorry, Andrei, kasi ganito lang ako.

Sana, bukas, pansinin mo na ako.

Pakiramdam ko kasi hindi ka masaya na nandoon ako. Hindi ka masaya na inaalagaan kita.

I feel.. unwanted.

I miss you. Sana mas maging okay na 'yong pakiramdam mo bukas.

Buti nalang, 10AM pa ang pasok bukas, worth it 'yong pagstay ko nang late para mabantayan ka.

Goodnight, Andrei! 😘

--

Lindsay Navarez

12 minutes ago

Hindi pa nga kami nagsisimula, pakiramdam ko, ayaw na n'ya sa akin. I feel so unwanted. Hehe. I miss you so bad, baby. Praying for your fast recovery. I love you!

Claudine Pangilinan, Andrea Uzzea and 23 others like this

Claudine Pangilinan : Magpahinga ka na, Linds. Don't overthink. You're tired.

   | Lindsay Navarez : I will. Thank you, Claud. ❤

   | Edge Miranda : Claudine's right. Don't overthink. May topak lang siguro 'yong kaibigan ko kaya gano'n kanina.

   | Lindsay Navarez : Hehe. Sana nga, Edge. Anyway, thank you.

Cara Morales : Why? What happened? Sabihin mo lang kung sinasaktan ka ng Uzzea na 'yan, babalatan ko s'ya ng buhay, nako Lindsay, ha. Pero hindi nakalampas sa cute kong mga mata 'yong I love you mo. Hahaha.

   | Lindsay Navarez : Nothing serious, Ate Cara. Babalatan talaga ng buhay? Hahaha. Naaksidente na nga, eh. Ikaw talaga.

   | Cara Morales : You know me too well. Joke lang naman 'yong part na babalatan ko s'ya ng buhay. Hahaha. Sayang cuteness ko, 'no.

   | Lindsay Navarez : Okay, okay. Thanks, haha. Talagang naisingit mo 'yang cuteness chuchu mo, ah.

   | Razen Punzanal : Sasama kami bukas sa ospital.

   | Nestle Morales : Hoping for Andrei's fast recovery.

   | Lindsay Navarez : Thank you, guys.

--

Sobrang busy ko guys. 😭😭 Pinilit ko lang mag-update dahil tuwang tuwa at kilig na kilig ako sa mga nagcocomment sa TOD. Hahaha.

10 chapters to go. Anyway, should I really end TOD at chapter 50? May mga nagrerequest kasi na pahabain ko pa 'yong story nina Lindsay at Andrei. Hahaha. Magbe-base na lang po ako sa comments, tweets or pm n'yo sa twitter or sa facebook.

Feel free to ask or suggest about TOD. Thank you so much. Mahal ko kayo! ❤

Truth or DareWhere stories live. Discover now