Tagalog Entry 1

3 0 0
                                    

Nakaupo sa may gilid, pinalilibutan ng mga kaibigan. Nagdadaldalan, nagtatawanan, ngunit siya ay nanatiling tahimik at problemado. Makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata at ni isang joke ay hindi siya matawa. Hindi pa rin nila matiyak kung ano ba ang dahilan at nagkaganyan ang kaibigan. Nanatiling nakatingin ang tahimik na babae sa kaharap nitong upuan-- blanko, walang nakaupo.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang pinakahihintay nito.
"Nandito na ako, mahaba kasi ang pila." Sabay lapag ng pagkain sa babae. "Gutom 'yan mahal." At sabay na kumain na may mga ngiti na sa labi.

Meander JournalWhere stories live. Discover now