Prologue

21.6K 160 0
                                    

Escape

=°•°=

Katarina's PoV

"What was that Katarina?!" Sigaw ni Mom sa akin. Nanatili akong tahimik habang nakaupo sa aming sofa.

"What?! Tutunganga ka na lang ba?! Answer me young lady!" Halos mapapikit na ako sa lakas ng kanyang boses. Kinagat ko ang aking ibabang labi.

"M-Mom please calm down."

"Your behavior in front of your fiancé is unacceptable! You did that not just in front of yout fiance but in front of his parents too and you expect me to calm down?! My god Katarina!" Sermon niya.

Sinungitan ko lang naman kasi ang napakaprecious na anak ng magiging partner ni Mom sa business. I did mean things to him like spilling water on him, shutting him up whenever he's opening a conversation with me, ignoring his existence and many more. Ipinakita ko talaga kung gaano ako 'di interesado sa kanya. Curse this f-cking arrange marriage. Uso pa pala 'to. Psh.

"Mom, I already told you that I don't like him! I don't want to marry a f-cking stranger." Sabi ko na mas nagpagalit kay Mom.

"Watch your mouth young lady! Naririnig mo ba ang sarili mo ha? Pinag-usapan na natin 'to at--"

"At 'di ako pumayag! Mom for once, just for once please hear me! All these years I've been following your orders. Please just for this once, can I please make a decision of my own?" I beg and look her on the eyes. She clenched her fist and looked at me with anger.

"No! Bukas na bukas, sa ayaw at sa gusto mo, hihingi ka ng pasensya sa kanya at sa magulang niya. Make sure that you'll make it up to them!" And with that, she walked away with her heels tapping on the floor. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha at napasandal sa aming sofa. I'm so sick of this life. So sick of following orders.

Fvck this life!

Tumayo na ako at umakyat papunta sa aking kwarto. I opened the door and slammed it shut. I jumped towards my bed and screamed at my pillow to release my frustration. Nang makaramdam na ako ng pagod, tumigil ako at tinitigan ang kisame.

Simula ng bata ako, 'di ko man lang naramdaman ang pagmamahal galing sa aking mga magulang. Si Dad may bago nang pamilya at tuluyan na kaming iniwan. Si Mom naman ay pokus na pokus sa trabaho. 'Di man lang ako kausapin o kamustahin. Magkasama kami sa iisang bahay pero pakiramdam ko, ang layo-layo namin sa isa't-isa. Kakausapin niya lang ako upang sabihin ang mga dapat kong gawin kahit labag sa akong kalooban. Isang halimbawa ay itong p-nyetang arrange marriage.

Gusto kong lumayo sa lugar na 'to. Gusto kong mabuhay ng mag-isa. I'm so tired of all this sh-ts. I want to be free. Napatingin ako sa aking closet nang may maisip akong ideya. Nagmadali akong tumayo at pumunta dito tsaka ito binuksan. Bumungad sa akin ang aking mga damit.

"I'll be free soon enough." I whispered and smirked.

Kinuha ko ang aking maleta at nag-impake. Lahat na damit ay dinala ko pati ang aking mga sandals at sapatos. Kinuha ko rin ang aking ipon at ang aking credit card. Bahala na kung putulin man ni Mom ang aking bank account. May pera naman akong naitabi.

Sumapit ang alas-dose ng hatinggabi. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng aking kwarto at ito'y sinarado. Tiningnan ko muna kung may tao at mabuti naman dahil wala. Nagmumukha akong magnanakaw sa aking ginagawa. Magandang magnanakaw.

Nagmadali akong bumaba ng hagdan bitbit ang aking maleta at lumabas ng bahay nang walang ingay. Sumakay ako sa aking kotse at ito'y pinaandar.

"Goodbye hell." Bulong ko at pinaharurot ang aking kotse.

Yours Only [FULL STORY AVAILABLE ON HINOVEL] Where stories live. Discover now