Chapter 2

18.7K 162 8
                                    

Owner

=°•°=

Katarina's PoV

Iminulat ko ang aking mga mata. Umupo ako sa kama ngunit napahiga ulit ako dahil sa sakit ng ulo ko. Ghad! Ang sakit! Uminom nga pala ako kagabi. May isa pa akong masakit...

Nanlaki ang aking mga mata at napatingin ako sa aking sarili. WHAT THE FVCK?! NAKAHUBAD AKO AT TANGING KUMOT LANG ANG PANTAKIP KO.

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napahawak ako sa aking bibig nang may mapagtanto ako.

"HOLY SH*T! MY VIRGINITY!"

Alam kong nakainom ako kagabi ngunit kahit lasing ako, may natitirang katinuan pa naman ako no'n. Oh my god! Sino 'yung lalaki--NAKAMASCARA SIYA KAYA 'DI KO SIYA MAKIKILALA.

Mangiyak-ngiyak akong napatitig sa kisame. Ano na lamang mangyayari nito sa'kin? Ano na lamang ang iisipin sa'kin ni Mom? Napakagat ako sa aking ibabang labi at pilit na inaalala ang itsura ng misteryosong lalaki.

Matangos ang ilong, mapupulang labi, magandang brown na mata, maganda ang katawan, 8 packs abs--TEKA! Napailing ako sa aking naisip. Naisapo ko ang aking noo dahil sa kalandian ko. Ano na lamang ang magiging regalo ko sa aking mapapangasawa?

Sinikap kong tumayo at indahin ang sakit ng aking ulo at ng aking perlas. Ewan ko ba kung bakit 'di ako nagagalit sa lalaking 'yon. 'Diba dapat nagagalit na ako ngayon? Nagwawala? Kahit ni isang katiting ay wala akong nararamdaman na galit sa kanya.

Naligo na ako at nagbihis. 'Di ko mahanap 'yung isa kong foot sock. Saan ko ba 'yon nilagay kagabi? Binuksan ko ang bawat drawer na nakikita ko ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin ang condoms, dildos at iba pang s*x toys pagkabukas ko ng isang drawer. What the sh*t? Sinarado ko agad 'yung drawer. BAKIT MAY GANO'N?!

Baka naiwan nung dating gumamit ng kwartong ito? Ew! Aish! Inalis ko na lamang sa aking isip ang aking mga nakita. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang isang babae.

"Good morning ma'am! I'm here to change your bedsheet for you. May I?" Napatango na lamang ako sa sinabi nang babae. Pumasok na siya at hinawi ang aking kumot. May nakita akong kulay pula sa bedsheet. Nanlaki ang aking mga mata ngunit inalis lamang 'yon nang babae na para bang sanay na siya. Nilagay niya 'yon sa dala niyang stroller. Pagkatapos ay nilagyan niya ng bagong bedsheet ang aking kama. Binigyan niya muna ako nang makahulugang ngiti bago siya tuluyang umalis.

Naiwan naman akong tulala. Pa'no niya nalaman na madumi na bedsheet ko? Tsaka bakit parang natural na lamang 'yon sa kanya? 'Di naman lahat nang hotel gano'n eh. Tsaka... Bakit gano'n siya kung makangiti? May alam kaya siya? Sinampal ko nang mahina ang aking sarili bago isarado ang pinto. Dumiretso na lamang ako sa kusina.

Bumungad sa akin ang sopas na nakalagay sa isang bowl at gatas. May iba't-ibang prutas rin at may pancakes. Sino ang nagluto nito? Impossible naman kung ako. Kumulo ang aking tiyan. Ghad nakakagutom! Umupo na ako at nilantakan ang mga pagkain. Ang sarap ng sopas! Tamang-tama at ang sakit ng ulo ko.

Pagkatapos ay naupo muna ulit ako sa aking kama. Sino kaya ang lalaking 'yon? Ano kaya ang pangalan niya? Ginulo ko ang aking buhok. Dapat galit ako sa kanya! Tsk! Rape--Matatawag nga bang rape 'yon? Ginusto ko ba 'yon? Pero... Nasarapan ako eh.. OH MY GOD ANO NA NAMAN BA 'TONG INIISIP KO.

Kailangan ko na nang bagong phone at trabaho. Kumusta na kaya si Mom? Sigurado akong hinahanap na ako no'n. Not because of she's worried but because of her company. Tsk.

Nagbihis na ako at kumuha ng pera galing sa aking ipon. Lumabas na ako sa aking kwarto at siniguro ko itong nakalock. Hahanap muna nga ako ng trabaho.

Yours Only [FULL STORY AVAILABLE ON HINOVEL] Where stories live. Discover now