+ tahanan

2.9K 89 75
                                    





  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 


0 1 

 t a h a n a n

u n i q u e  s a l o n g a 


  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬  





Malalim na ang gabi.

Tumingin ka sa kalangitan habang ang mga kamay mo ay nakahawak ng mahigpit sa iyong cellphone. Malakas ang hangin at ito'y bumabalot sa nanlalamig mong katawan. Kahit pa maganda ang mga ilaw mula sa iba't ibang establismento, mas napili mo pa ring pagmasdan ang mga tala.

Nakita mo ang libo-libong mga tala na nagniningning sa itaas. Na tila ba walang pakialam kung sila man ay mapansin ng mga tao sa ibaba. Natawa ka nalang sa iyong isipan nang maisip mong ito'y kabaligtaran sa nararanasan mo ngayon.

Napabuntong hininga ka nalang nang matandaan mo ang rason kung bakit ka amdito sa terrace ng bahay niyo ngayon. Bigla naman tumunog ang iyong cellphone at mas mabilis pa sa alas quarto mo itong binuksan, umaasang siya iyon. Umaaasang hindi nanaman siya gagawa ng rason kung bakit hindi pupuwede ngayong gabi.

Mabilis ang tibok ng puso mo at tila nanlalamig ang mga kamay mo habang nakatambad ang kanyang pangalan sa iyong cellphone. Nagdadalawang isip ka pa kung babasahin mo ba ito at sasaktan muli ang sarili mo o hahayaan nalang at matutulog dahil gabing-gabi na at kanina ka pa nag-aantay. Kanina ka pa nag-aantay sa kanya.

Ngunit isang parte ng sarili mo na nag-uudyok sa iyong basahin nanaman ang kanyang rason ngayon. Kasi naman, sa bawat pagkakataon, iba-iba ang kanyang dahilan. Sa katunayan nga, ika'y bilib sa kanya sa paggawa ng mga rason. Sa kasawiang palad, mas pinili mong basahin ito. Malay mo naman may matino siyang rason ngayon.

From: Unique

Pasensya na hindi ako makakapunta sa inyo ngayon. May rehearsal pa kasi kami ngayon. Puwede ba bukas nalang tayo magkita?

Hindi ka na nagulat sa sagot niya. Ano ba ang bago? Lagi naman ganito ang nangyayari, eh.

Sinabi niya kasi sa'yo nung isang araw pa na pupunta nalang siya sa bahay niyo para naman makapag-kita kayong dalawa. Madalang nalang kasi kayong nakakapag-usap ng personal dahil nga sa unti-unting pagsikat ng banda niya kaya sunod-sunod ang mga gig at ikaw naman ay nasa kolehiyo na at ang iyong napiling kurso ay talagang kumakain ng oras mo.

Ipinikit mo ang iyong mata habang ang iyong puso ay unti-unting nagsimulang kumirot. Mas naramdaman mo ngayon ang paglamig ng simoy ng hangin at ang pakiramdam na nag-iisa ka nanaman.

Sa gitna ng nanginginig mong mga daliri, pinilit mo pa ring magtype ng maisasagot sa kanya.

To: Unique

Okay lang. Naiintindihan ko naman. Mag-ingat ka diyan.

Pinindot mo ang Send at napabuntong hininga nalang. Naiintindihan mo naman eh. Naiintindihan mo siya, naiintindihan mo ang sitwasyon niyo. At sa katunayan, masaya ka nga para sa kanya eh – para sa kanyang banda. Nakakalungkot lang isipin na sa unti-unti niyang pagkamit ng kanyang pangarap, ay tila nawawalan na siya ng oras para sa inyong dalawa. Pero ni minsan ay hindi mo siya sinisi dahil doon. Ayaw mo naman kasing maging dagdag sa kanyang mga problema.

IV OF SPADES ImaginesWhere stories live. Discover now