Chapter 20

48.3K 1.3K 83
                                    

Chapter 20

"Hoy, tingnan niyo. Dali!"

"Hala! Diba siya iyong naging face of the night?"

"Oo at kasama niya pa ang president!"

"Nakita niyo ba ang lalaking kulay brown na buhok? Sa tingin ko ay destined talaga na malaglag ang panty ko ngayong araw!"

"Wow. Parang isang Korean superstar at isang international model, pinapagitnaan ang isang dyosa sa'n kapa mga 'te?"

"They're so noisy," narinig kong inis na sabi ni Spade at saka humakbang palapit sa akin para akbayan ako.

   Napalingon naman siya kay Iverson na pekeng umubo at pasimpleng inalis ang braso niya sa balikat ko. Hinigit ako ni Iverson palapit sa kaniya at hinawakan ang kamay ko. Napabusangot ako nang hinigit naman ako ni Spade palapit sa kaniya.

   Galit kong hinablot ang magkabilaan kong braso mula sa mahigpit na pagkakahawak nila. Ang payat ko po at ang laki ng katawan niyo. 'Wag niyo naman sana akong gawing lubid sa tug of war niyo.

   Nagsisisi na yata ako kung bakit pa ako pumayag sa kasunduan namin ni Iverson.

Flashback

   Matapos magsuntukan ang dalawa ay dinala ko sila sa dorm ko. Una kong ginamot si Spade dahil mas marami ang pasa niya kaysa sa kay Iverson. Ramdam na ramdam ko ang dalawang malalakas na puwersa na malapit nang magsalpukan kaya gumawa na lamang din ako ng tsaa para mapakalma nila ang mga sarili nila.

"You are not allowed to stay here, Mr. Stavros," narinig kong wika ni Iverson. Napatigil naman ako sa ginagawa ko at nakinig sa usapan nila.

"I know, Mr. McGregor. I am buying Louie's free time. I will only take her out once she's free."

"No. I can't agree to that. We have rules here that we can't let students go out if it's unecessary and unimportant."

"So, you're saying that I am an unimportant person, Mr. McGregor?"

"Certainly, yes Mr. Stavros."

"I am Louie's boss."

"And I am Nemesis' husband."

    Napalunok na lamang ako habang nakikinig. Peste naman. Hindi niyo ako kailangang pag-awayan. Hahatiin ko na lang ang oras ko sa inyo! Eme.

   Bago pa man muling sumiklab ang apoy sa pagitan nila ay isinerve ko na ang tsaa. Nang mapatingin si Spade sa akin ay ngumiti siya habang si Iverson naman ay matalim ang tingin habang pinapasadahan ang kabuuan ko.

"Why are you wearing that?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang shorts at malaking t-shirt na suot ko. Napakunot ang noo ko sa kaniya. Ano na naman bang problema sa suot ko?

"It's inappropriate to wear that. Go change."

"Ba't pa ako magbibihis eh matutulog na rin naman ako?" sikmat ko sa kaniya at muli niya akong sinamaan ng tingin.

"You'll change or I'll drag you to your room and I'll be the one to change your clothes?"

   Napalabi nalang ako at napaharurot papasok sa kwarto ko nang akmang tatayo siya. 'Nyeta naman nito oh!

    Wala akong nagawa kundi magbihis. Nakasuot na ako ng pajama at isang sleeveless. Umupo ako sa upuan na nasa gitna nila at hindi na siya pinansin pa.

"So, are you okay if you'll come with me after your classes, Louie?" tanong ni Spade. Tatango na sana ako kaso agad na pumasok sa usapan si Iverson.

"I'm not gonna agree to that," agad na pagsalungat niya. Nagdugtong ang kilay ni Spade at nagkatitigan sila ni Iverson.

"And why is that?"

"Because I am her husband," at idiniin pa talaga ni Iverson ang salitang 'husband'.

"In papers, eh? Louie's gonna divorce you after five years and she'll gonna marry me afterall."

   Nabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi ni Spade kaya napasimsim ako ng tsaa. Sinuklay ko ang buhok ko para pakalmahin ang sarili. Boss naman? Baka nakalimutan mo, sponsor natin 'yan ngayon?

"And who says that I'm gonna let her divorce me?"

   Wow! Kung makapag usap sila parang wala ako, ha?

"Woi, tigilan niyo 'yan ah," wika ko at napatingin sila sa akin.

"What?"

"What am I gonna stop?"

"Punyeta ah! Respeto naman. Nasa Pilipinas tayo kaya pwede naman sigurong magtagalog kayo,'no? Marunong naman kayong magsalita ng Tagalog kaya kapag kausap ko kayo ay sagutin niyo ako ng Tagalog!" nababanas kong sigaw. Napatikhim naman sila at tumango.

"Mabuti nang magkaintindihan tayo, ha?Dahil kapag napuno ako, gigilitan ko kayo sa leeg. Hindi ako nagbibiro," banta ko pa.

"A-ah. Sinasabi ko nga Louie kung pwede bang mailabas kita pagkatapos ng klase mo," wika ni Spade na may accent pa. Marunong naman 'yang magtagalog dahil nagtatagalog kami kapag kasama na sina Genessa at Shane.

   Ganyan! Magtagalog kayo! Wag niyo akong iEnglish! Co'z me no English!

"Hindi nga ako papayag. Pinapaalalahanan kita sa batas namin dito."

"Pero hindi ako isang studyante dito. Pwede namang baliin ang batas mo,  diba?"

"Subukan mo lang. "

"Hindi ko hinihingi ang permiso mo."

"Kailangan mo nito."

"Bakit? Dahil ikaw ang asawa niya?"

"Oo."

"Stop with that bullshit thing! May gusto ka na sa kaniya, diba? May gusto ka sa kaniya!"

   Nagulat ako nang hinampas ni Spade ang mesa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I need help!

"So what kung may gusto ako sa kaniya?Matagal ko nang inamin 'yun," kalmadong sagot naman ni Iverson at sinulyapan pa ako.

   Ano? Sinasabi niyang seryoso siya doon sa sinabi niya sa akin noon sa Acquaintance Party?

"Ganito nalang. Tanggapin at ipakilala mo bilang isang bisita si Spade sa akademya. Mag announce ka ng isang open forum at sasabihin mong isang bisita si Spade na magiistay dito ng isang linggo. Tutal hindi mo naman ako papayagan na lalabas dito nalang sa campus. Itotour ko siya," paliwanag ko sa kaniya sa plano ko.

"Ano naman ang naisip mo at papayag ako diyan?"

"May nilabag akong tatlong batas, diba?Tatanggapin ko kung anuman ang parusa nu'n kapalit nito. Isang linggo lang din naman. Pagkatapos ay doon mo na sisimulan ang parusa."

"Magiging slave kita sa loob ng isang buwan kapalit nitong isang linggo mo sa lalaki mo?" nanunuya niyang tanong.

"Hindi ko siya lalaki! Punyeta! Ang sabi ko ay dahil ito sa tatlong batas na nilabag ko!" giit ko. Nagkibit balikat naman siya.

"Paano naman kung saktan mo si Louie?" biglang tanong ni Spade na agad namang ikinailing ni Iverson.

"Hindi kailanman mangyayari yan."


"Susunduin ba kita mamaya sa lunchbreak mo, Louie? Pwede kong tawagan si Andrei at padalhan tayo ng chicken teriyaki at sushi," aya sa akin ni Spade.

"Hindi pwede. Sabay kaming kakain ngayon."

"Ba't ba nakikipag kompetensya ka sa akin?" parang nababanas nang tanong ni Spade at napahinto sa paglalakad. Napahinto rin si Iverson at nagtagisan na naman sila ng tingin.

  Jeez! Don't tell me this will gonna happen everyday?

"Sa tingin mo, anong mararamdaman ko na ang babaeng gusto ko ay may kasamang lalaki na gusto siya?" pabalik namang tanong sa kaniya ni Iverson. Napapalunok na lamang ako habang pinagmamasdan sila.

   Ano ba, Iverson. Kulang lang sa aruga si Spade, literal pero hindi talaga ako gusto niyan!

    I heaved a deep sigh.

  Ayoko na. Ayoko na talaga sa Earth!Pupunta nalang akong Mars!

  

   

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon