Chapter 48

37.6K 1.1K 63
                                    

Chapter 48

     Kinabukasan ay nadisturbo ako sa aking pagtulog. Inaantok pa nga ako dahil matagal kaming pumasok sa kwarto namin kagabi.

"Louie!"

"Kingina naman, Shane! Ano na naman?!"

"Maliligo tayo ngayong araw at sasama ka sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ayaw ko nga! Sinabihan ko na si Iverson!"

"Hindi! Sinong may sabing pumapayag ako, ha?!"

   Para siyang nanay kung pumutak sa akin. Tinabunan ko ang tainga ko sa sobrang ingay. Hinablot niya ang kumot na nakatalukbong sa akin at hinila ang paa ko kaya halos mahulog na ako sa kama. Binuksan naman ni Genessa ang kurtina at pumasok ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas.

   Nakakabanas!

"Maligo ka, Louie. Maganda ang tanawin," imbita rin ni Genessa habang sinusuri ang kwarto.

    Napakamot nalang ako sa ulo ko habang itinutulak ako papasok ni Shane sa loob ng cr.

"Bilisan mo, ha? Naghihintay na ang hubby mo sa baba, pinapadali ka noon," pang aasar pa nito at narinig ko ang pagbukas niya sa bag na siya naman ang nag impake. Sus. Ano na namang ipapasuot nito sa akin?

    Dinama ko ang malamig na tubig na rumaragasa mula sa shower. Habang nag iisip ako ay naalala ko ang pagtatabi namin ni Iverson kagabi. Ginawa niya akong unan! Nakapulupot ang braso niya sa bewang ko at ang binti ay nakadantay sa binti ko. Eh ang bigat nya! Ang laki niya kayang tao.

     At sinabi naman niya talaga na maaga siyang babangon dahil siya at si Ivronsen ang maghahanda para sa gagawin namin ngayong araw. Alam niyo na, island hopping, snorkelling, scuba diving- wala akong pakealam dahil ayaw ko sa dagat.

    Nang makalabas ako ng shower room ay ngayon ko lang napagmasdan ang itsura ng dalawa. Naka shorts lang sila at nakasuot ng manipis na malaking T-shirt na kitang kita ko naman ang suot nilang swimsuit sa loob. At huwag mong sabihing papasuotin nila ako ng ganyan?

   Nasagot naman ang tanong ko nang ilatag ni Genessa ang hinanda nilang suot sa akin sa harap ko. May kulay itim na swimsuit, shorts din at puting see through na pang itaas. Agad akong napailing sa kanila habang nakatingin lang sila sa akin nang nakapoker face ang mukha.

"Oh? Magrereklamo ka na naman? Anong gusto mong suotin mo kung ganoon?Magpapajama ka at mag jacket? Ano ba, Louie! 'Wag kang madaming arte! 'Di kana virigin!"

   Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at inambahan siya ng suntok, "Ulol! Ikaw ang hindi virgin! At saka ayaw kong magsuot ng ganyan! Hindi ako komportable."

"Eh kasi naman, masyado kang pavirgin, boss! Akala mo naman hindi ka kasal!"

"Iyang bibig mo, ha! Manahimik ka nga!"

Nginiwian nya ako at kinuha ang kamay, "Bakit? Bakit, ha? Nasaan ang purity ring mo, aber? Kinuha na ni Iverson, diba?Siya lang din ang kukuha ng virginity mo!"

"Edi sa kaniya lang din ako maghuhubad!Bat kailangan ko pang suotin yan eh ang dami natin?" bulyaw ko pa dito. Napakamot ako sa ilong ko nang humagikhik silang dalawa at naghampasan.

"Sabi ko nga diba? Kay Iverson ka lang maghuhubad! At titignan namin ang reaksyon ng asawa mo habang nakikita ka niyang nakasuot ng ganiyan!" sagot naman niya at nagkatinginan na naman sila ni Genessa. Tangina. May pinaplano 'to, ah?

" At- at hindi pa namin ginawa iyon, ano! Ang laswa mo!"

" Talaga?" hindi naniniwalang tanong ni Shane.

Umbra Inferis #1: That Possessive Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon